2: Transvertile?! (part 2- juding meets tibo)

532 13 15
                                    

9:00 A.M. CAFETERIA

XY's P.O.V.

Ang ganda naman dito... (0___0) Halos matulala lang ako pagkakita ko sa loob ng canteen... Nagtataka kayo ano? Sunod na scene, snack agad? Hehe... Nag speech lang yung Student Council  President ng academy sa may auditorium. Kaso wala akong naintindihan eh... Paglabas pa lang kasi nya eh tilian na ang mga estudyante.. Tsk.. Hindi ko na rin sya nakita kasi may mga banner yung ibang estudyante... Haay... Ano to election? Concert? Magiispeech lang may banners agad? Wala ba silang ibang alam kundi ang mag-ayos ng mukha at tumili? Nakakairita na din kasi eh... Lagi na lang may tumitili.. May dumaan lang na guwapo..

Sa hallway.

Sa may C.R.

Sa may school gate.

Haayy... Parang hindi ata peaceful ang napasukan kung school...  

"Waaahhhh... We laaabbb youuu  Quiescent !!!!" tili ng mga estudyante...

Tinignan ko na lang ng masama yung mga estudyante tutal wala naman makakhalata eh... hehe..

Naman oh.. pati ba naman sa cafeteria? Igalang nyo naman ang grasya!!!! Makapagorder na nga..

Pili.

Pili.

"Good morning Ma'am. What's your order?"

Aha! Ayun! "Burger and cold tea" Malungkot lang na hindi kami magkakasabay ni Lot magsnack. Iba naman kasi ang schedule nya sa akin eh.. :(

"Small burger Ma'am?"

"Ah.. Hindi.. Yung quarter pound burger."

Nabigla yung cashier.. "Are you sure Ma'am?"

"Hindi Miss! Hindi!"

Tumawa lang yung cashier.

"Ahhmm.. Sorry 'bout that Ma'am. One quarter pound burger and regular tea."

"Yung tea Ma'am gusto nyong i-upsize?" Nakangiti na yung cashier.(^__^)

"Yeah.. Sure.. "

Self service pala rito. Wala ng waiter. Cashier lang para makapagbayad. Kaya dala- dala ko na yung tray pagkabayad ko dun sa inorder ko.

Uupo na sana ako sa pinakamalapit na mesa ng may biglang humarang sa akin na mga estudyanteng babae..Tataray teh.. Grabe sa make up... Colorful! Parang rainbow sila kapag nagsasama-sama.

"Excuse me Miss. Territory namin to.. " 

"Ahm... Okay." Eh di hanap nanaman ako ng upuan. Lipat ako sa katabing mesa.

"How dare you to sit there?"

"Ha? Territory nyo pa rin to? " Grrrr... Gusto ko ng kainin yung burger eh... (T___T) Tinatawag nya na ako...

" Quiescent   lang ang pwedeng maupo dyan" Mataray na sabi ng mga babae..

"Spell Quiescent. "

Halatang nabigla yung babae sa tanong ko.. Hehe.. Spelling lang naman hinihingi ko ah...

Tapos namula sya... Tingin sa mga kasama nya... 

Bigla na lang ako sinugod! Aabutin sana yung buhok ko ng biglang---

"W-E."

Napalingon ako dun sa nagsalita. Isang grupo na pala ng mga lalake ang nasa likod ko at may mga dalang tray kagaya ko.. Ooops--- Kasama nila si Kyle! Namumula sya!

(O///////O)

"Quiescent !" Tili ng mga babae...

Nakita lang tong grupo nakalimutan na akong sabunutan... Haayy..

My First Chaotic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon