34: Our Wedding

257 3 1
                                    

Xander’s POV

“Ang ganda mo….”sabi ni Gino habang nagdadrive.

“Syempre, ikaw ang nag-ayos eh….” Suot ko na ang wedding gown at sya ang nag-ayos ng aking hair and make up. Sya na rin ang nagpresintang ihatid ako sa venue.

“Kahit na. Meron kang kakaibang glow. Who would have thought na kayo ang magkakatuluyan ni Kyle?”

“Hindi ko rin nga inakala. Pero heto na ako ngayon, masayang masaya.”

“Halata nga. Nakakalungkot lang dahil parehong wala na ang parents nyo. Iba pa rin kapag may maghahatid sa’yo sa altar.”

“Hayaan mo na ‘yon. Alam ko namang masaya ang mga magulang namin para sa aming dalawa kahit nasaan man sila.”

“Korek. Ay anong…. Biglang naflat yung gulong…. ” Tumigil na lang kasi bigla yung sasakyan at medyo tumagilid.

“What? Ngayon pa?”

“Papano yan? On the way na rin sila, padaan na lang kaya tayo?”

“Malapit naman na Gino eh. Lakarin na lang kaya natin?”

“Sigurado ka?”

“Oo naman. Halos isang block na lang oh. Isa pa, bawal akong makita ni Kyle.

“Eeiieie.. Excited na talaga ako. Gino?” Bigla kasing hindi ko na sya kaagapay sa paglalakad. Naiwan nap ala sya ng ilang metro.

“Ay teka lang sister. Nahulog yung panyo ko eh.” Nakayuko si Gino at pinupulot ang panyo.

Nakatingin din lang naman ako sa kanya.

Nang paglingon ni Gino sa’kin….

“Xander! Watch out!”

Kyle’s POV

“Ano ba yan Gray? Malelate na tayo oh. Dapat ako ang mas mauna kesa kay Xander.”

“Nahulog ko kasi yung wedding ring eh….”

“WHAT?!Saan?”

“Dito lang.. Nasa ilalim ng kama. Knight tulungan mo nga ako.”

“Fine.Ano bay an Gray sa lahat naman ng pwedeng mahulog…”

“Tinitingnan ko lang naman yung bato eh….”

“Oh nahanap ko na…” sabi ni Knight.

“Bilisan mo tol!”sabi ni Gray.

“Kanino bang kasalanan ‘to?”inis na sabi ni Knight.

“Sabi ko nga.”

“Wag na nga kayong mag-away. It’s my wedding day.”sabi ko habanag nagdadrive. Mas kabado pa ata sa’kin ang dalawa kasi isa dapat sa kanila ang magdadrive pero parehong nagtutulakan. In the end, ako, ang groom ang naging driver.

“Naks naman…. “si Gray.

”Oi kotse ni Gino yung nasa intersection di ba?

“Yes. Naflatan ng gulong.”sabi ni Knight.

Papasok na kami sa intersection ng bigla kong nakita si Xander at nakatayo lang sa gitna. Then nakita ko ang tinitignan nya sa bandang kaliwa, si Gino na may pinupulot.

Kaizel’s POV

Sa restaurant kung saan nagdidinner ang ex kong si Frank at ang Mommy nya at kung saan nagseselebrate ng 3rd year anniversary sina Xander at Kyle….

“Honestly,I prefer her than Kaizel. That girl Kaizel is head over heels inlove with you. So how did you manage on your break up?”tanong ng Mama ni Frank.

My First Chaotic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon