15: Modern Angel

269 7 14
                                    

(Eupheria: Pasensya na po sa matagal na pag-update. Medyo busy lang sa work at school.)

Xander's P.O.V.

 "Pwede na siguro 'to.... Naku mabuti na lang walang ibang tao... Ano na lang ang iisipin nila kung ang makakakita ng isang babaeng nakaundies sa rooftop ng mag-isa at ginawang tali ang gown?"

Tinapon ko na yung sandals sa baba. Damo naman ang babagsakan, kaya okay lang.

Itali yung improvised lubid sa railings.

Isinasampa ko na yung left leg ko sa railing ng....

"Xander?!" tinig ng isang....

Oh my!

(O o O)

My nakakita sa akin! Paano na ang dangal ko? Ang future ko?

Dali-dali akong bumaba ng building gamit yung lubid out of tela ng gown.

Oo! Ako na! Ako na ang stunt woman! Astig no? Haha...

 Baka mapicturan ako ng tumawag sa'kin dun sa may rooftop. Akala ko ba mag-isa lang ako? Isa pa kilala ako ng tumawag sa'kin.. 10 feet na lang...... ng biglang.....

"Xander wait!"

Napatingin ako sa taas at nakita ko yung lalaki na sumampa na rin sa tela.

What?

HIndi ito ang oras para mag monologue at tanungin ang lalaki kung bakit nya ko sinusundan.

Mas binilisan  ko ang pagpababa kaso....

Hi-hindi kaya..... 

Gulp...

Nakaundies lang ako at hinahabol nya sa dilim.

Hindi naman sa epal ako pero pwede na rin namang pagtyagaan ang katawan ko. Waaahhh....

Tinalon ko na lang yung natitirang 5 feet.

"Xander ano ka ba?! Wait lang pwede. Hindi to matrix! Kinakareer mo naman eh..." sigaw nung lalaki.

Nakaaapak na ko sa lupa!

Yes!

 Tatakbo na ako palayo ng biglang...

"O---o-o...... Watchout!" sigaw nung lalaki.

"Kyle?!" sigaw ko.

Kyle's P.O.V.

Sa building na'to located yung studio cum tambayan ng aming banda. Quiescent. Since today ang welcome party, inivite kaming magperform ng student council. Bilang pambayad na rin daw sa mga nagawang gulo. Remeber yung first day of school na nagkaroon ng bugbugan? Haize... Hassel talaga... Minsan naiinis talaga ako sa Pres na yun eh.. Medyo bossy kasi...

Anyways, kakamulat ko lang pala. Hindi ko alam na nakatulog ako dito sa may rooftop. Nakagawian ko na kasing kumanta muna dito sa taas bago magperform.

Well... Nakatulog ako kasi nalock ako dito sa may rooftop. Then my narinig akong naglalampungan. Shet lang brod! Wala ka bang pambayad sa motel man lang? Kahit yung 350?! Atat lang ah... Sumilip ako sa nangyayari out of curiousity. Waw.... Ang laki. Ang laki talaga as in super laki. Ang laki. Ang laki ng pagmamahal nya dun sa girl. Haha.. Joke. Kayo naman.. Ang utak ha?

Malaki yung ano nung guy.

Yung... you know...

 Regalo nya sa girl. Huge teddy bear! Ok di ba? Kayo ahh.. Siguro iba inisip nyo no? Haha...

Pinanood ko lang sila hanggang sa naghasik na ng lagim si Batman... Haha... Eto na talaga to!

Pero asa. Hindi ko inanarate pa ang nangyari. Di naman ako ganun kabastos kaya ng nagsisimula pa lang ay tumalikod na ako at nakinig sa ipod. Hindi naman kasi ako pwedeng lumabas sa pinto kasi makikita nila di ba?

So, hintay muna.

Hintay.

Hintay.

5 minutes na lang.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz............................

Hangang sa... Nakatulog na ako. Hay.. Ano ba yan... 2 hours pa naman bago sumalang yung band namin.

Naglakad na ako dun sa may pinto ng biglang hindi ko na mabuksan. Woah.... Easy.. Easy... Narinig ko na lang yung guy na pababa ng hagdan at hinahabol ata yung girl.

"Hon wait! I am fine! Buhay pa ako! "sigw nung lalaki.

Haha.. Sa gitna ng ano, nahimatay siguro yung ano?! Haha... Laftrip men... Yung ano... Haha...

Well.. Ako naman ang nalock ulit. ANo ba yan, nalowbat na din pala cellphone ko. Hintayin ko na lang na pumunta dito si Gray para sunduin ako. May problema siguro yung lock.

Kaya....

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.........

Nakaidlip nanaman ako. 

Nang may naarinig akong may pinupunit?

Biglang pumasok sa isip ko yung couple kanina.

"Hon... tw-teka lang... easy.. easy..."

"Raaawrrr..... "

Habang pinupunit yung tela. O o O

Napakawild naman neto. Hehe,... Imagination ko lang po yun.

Tiningnan ko kung may pumupunit ba talaga ng tela kaya ako nagising sa ingay nun.

There.. Nakakita ako ng anghel in high heels... Modern na talaga... Ang mas modern.. Hulaan nyo? Nakaunderwear lang yung angel! Parang model sa Victorias Secret ang katawan...Vavavoom! 

Te-teka baka nanaginip lang ako. O-oo. It must be a dream.

Then narinig kong nagsalita yung anghel....

"Pwede na siguro 'to.... Naku mabuti na lang walang ibang tao... Ano na lang ang iisipin nila kung ang makakakita ng isang babaeng nakaundies sa rooftop ng mag-isa at ginawang tali ang gown?" Haha.. Ano ba naman yan. Pati sa panaginip ko kaboses pa nung anghel si Xander. 

Pati yung way ng paglalakad parang si Xander.. Haha...

Anobenemenyen.

Natigil ako ng biglang sumampa sa railing yung anghel at nagpaslide sa tela.

Te-teka... Kung anghel sya, di ba dapat lumipad?

Haha... Ano ba yan.. Kung makapagisip ako parang may tama... Puro Xander eh....

Wait. papano kung si Xander talaga?

"Xander?!" bigla kong sabi.

Lumingon sakin yung anghel tapos dali-daling bumaba. Wait! Magpapakamatay si Xander?! Anong nangyayari.

 "Xander ano ka ba?! Wait lang pwede. Hindi to matrix! Kinakareer mo naman eh..." sigaw ko. Para sya yung mga secret agent sa movies. Yung mga nagpapaslide sa tela para makatakas sa enemy.

  Kaso lalo nyang binilisan at nilundag yung natitirang space.

  I tried to follow her pero namali yung hawak ko sa tela at biglang napunit.

"O---o-o...... Watchout!" sigaw ko.

Booogshhhh... Imaginine nyo na lang. Tinatamad si author sa sound effects. Hehe...

Xander's P.O.V.

Pagtingala ko, nakita kong napunit nung lalaki yung tela at ewan ko ba, akong si tanga ay naestatwa sa kinatatayuan ko.

Ang nangyari?

"Waaahhh!!!!!!!!!!! Aray! Aray! Ouch...." Gumulong gulong kami nung lalaki pababa. Eh malay kong medyo paslanting na pala yung lupa.

Yakap yakap nya ko at pareho kaming nagkatinginan sa mata habang gumulong gulong.

Worst.... Nandilim na yung paligid ko.

To make it short, parehong nawalan ng malay yung dalwa.... Hehe..

Obongon ang next chap!

Eupheria: Maaapreciate ko po ang inyong vote,comment and pag fan.

Happy New Year!

(*^____^*)

My First Chaotic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon