27: Dislike

191 3 0
                                    

Xander’s P.O.V.

Ang bilis ng panahon. Graduation na ng mga seniors. Naging success ang release ng magazine projects ni ate Rosalie hangang  second sem.

As a result, nakuha syang photographer ng isang sikat na newspaper ng bansa. Nasa may isang resort kami ngayon para magcelebrate ng success ni ate Rosalie.

“Oy, Xan!”

“Hi Troy!” hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa’kin si Troy.

“Ba’t di ka pa nagsi-swimming?”

 “Malamig eh… Mas maganda kung may araw magswimming.”

“Ganon ba? Sayang!”

“Huh? Bakit naman?”

“Akala ko kasi makikita na kitang nakatwo piece! Ayayayayay…..”

Tcccckkkkkkkk…… Gamit ang aking dalawang daliri, pabiro kong tinusok ang eye balls nya.

“Aw…Aw..Ang mata ko! Ba’t mo tinusok? Hindi to fishball!”

“Huh? Ay sorry…. Akala ko kasi di tumama eh…. Masakit pa ba?”Nilapit ko mukha ko kay Troy para sana matingnan ang mata nya.

“Pakihipan naman oh..”

“Sorry talaga.. Nagbibiro lang naman ako eh.. Hindi ko naman akalain na tatamaan ka talaga…”

“Hipan mo na lang…” pumikit na si Troy.

Lalapit na ang mukha ko ng----

Biglang dumating si Gino at hinila ako papalayo kay Troy…

“Wag kang maingay… Masaya ‘to” bulong naman sa’kin ni Kyle.

Si Gino na ngayon ang kaharap ng nakapikit na si Troy.

Nagsign language si Gino na kausapin ko si Troy. Nagegets ko naman ang gustong mangyari ni Gino. Hehe…

“Sa’n ang masakit Troy? Sa kanan o kaliwa?”

“Pareho eh..”

“Hihipan ko na ha?”sabi ko pero si Gino ang gumagawa ng mga inaakala ni Troy ay ako.

“Ah.. Sige…. I like the feeling of your hands on mine.”

“Talaga?”sabi ko pero si Gino ang may hawak ng magkabilang pisngi ni Troy.

“Nagiging aggressive ata ang haplos mo Xander….”

“Ay labyu Brod!” ang malagom na boses ni Gino ang sumalubong sa bagong mulat ng mata na si Troy.

“Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!”

_ . _

O o O

“Bwahahhahahahahahahahahahahahahahahaahahahah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“Grabe ‘tol! Muntik ka ng magoyo ahh..”sabi ni Gray.

“Walang hiya ka!” hanggang sa nagpangabot at nagtulakan sa pool sina Troy at Gino kasama ang ibang miyembro ng Quiescent at basketball team.

 “Ba’t magisaka lang?”

“Ay kabayo! Kyle! Ba’t bigla bigla kang sumusulpot?”

“Hehe… Mag-isa ka lang kasi dito sa likod bahay. Ok lang bang makijoin?” sabay upo sa damuhan katabi ko.

“Oo naman…” sabay abot ng juice na dala ni Kyle.

“Nakangiti ka ah… Siguro…”

Nagsmile lang ako kay Kyle. Hindi ko naman pwedeng sabihin na “sa tingin ko Kyle crush ko na si Pres… Ay hindi… Sa tingin ko gusto ko na sya…gustong gusto….” Hindi ba sinasabi lang yun sa babae? O kaya sinasarili na lang…. Ang hirap….

My First Chaotic Love StoryWhere stories live. Discover now