17: First Dance

256 10 10
                                    

Xander's P.O.V.

"Xander! Pres! Come here! Please join us." alok ni Rosalie.

"Uh...." Nakakahiya naman.. Parang mao-op naman ako dun.  Nasa malapit kasi sa fountain yung table nung ever sikat na Quiescent Band members. 

"Hey, let's go." -Pres.

"Nasisilaw ako Pres! Kaw na lang! " tapos tumalikod na ko. Karamihan ba naman sa mga estudyante nakatingin sa table kung saan nakaupo ang mga sikat.

"Oi----"bago pa ako makaisang hakbang nahawakan na ni Pres yung kamay ko. 

Tapos bigla nya kong hinila papalapit sa kanya at binulungan.....

"Don't try to run away from me."

"Eh?"

(O ////////////O)

Para kaming naestatwa dun. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa habang hawak pa rin ako ni Pres.

Anyare?

"Waaahhhh!!!! Namiss kita sis!" Bigla na lang akong hinila ni Gino at niyakap.

(O /////o /////O)

Nakapatong ngayon ang baba nya sa balikat ko habang yakap yakap ako.

"Ah..eh.." Natataranta na ko. Utak! Utak! Bakit ngayon ka pa nagmalfunction?

"Sa'n ka nanggaling? Saka bakit iba na ang suot mo?" tanong ni Gino.

(Nasa gilid yung bagong suot na dress ni Xander)

"Ah..eh.."

"Napunit yung dress so I replaced it." putol naman ni Pres. Naglalakad na kami ngayon papunta dun sa table kung saan nakaupo sina Rosalie, Gray, Kyle at  Knight.

"Ha?! Bakit napunit?!" Parang OA pagka-shocked ni Gino.

"It's a long story.... Kain muna?"sabi ko na lang para matigil na.

"Of course. Let's eat." sabi ni Gino.

Kyle's P.O.V.

"Hi Xander!" Bati ni Rosalie.

"Nakalapit na pala sa table namin yung tatlo.

"Uh... Hello!"

(>_____>)

Hindi ko alam pero parang iniiwasan ako ni Xander na tingnan man lang sa mata.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina.

Akala ko talaga si Xander yung nakita ko.T____T

Jackpot na eh!

Then, narealize ko, panaginip lang pala. Kasi napakaimposible naman mangyari yun di ba?

Oo. Tama. It must be a dream.

Paranoid na siguro ako. Q___Q

"Uhm... Kyle okay ka lang?"tanong ni Xander.

"Ah.. yes. yes."

"Ah.. Pwede makitabi?"

"Ha? Oh.. Sorry..." Tumayo ako at ipinaghila ko si Xander ng upuan. Nakakahiya naman, kung ano ano kasi iniisip eh....

"Ang gentleman ni Kyle! Aieieieieieie..............." sabi ni Rosalie.

(^____^) smile lang ako.

"Kain na tayo?" putol ni Gino sa katahimikan.

Kain lang kami. Kain. Kain.

Nakakainis lang. Habang kumakain nahahalata ko din naman ang mga pasulyap nina Pres  kay Xander habang kumakain. Tss....

Am I jealous?

Nah... Gutom lang yan...

Rosalies' P.O.V.

Sa wakas, tapos na rin yung kainan cum-titigan session / sulyap.

Haaay....

Infairness, andami kong nakuhang shots. Aheehehehehee...

Kailangan ko ng hot issue! As in yung nagliliyab! Haha...

"Guys group picture naman oh!" hirit ko.

"Ay.. Sure! Xander,Sis tabi tayo!" Nakaangkla na sa braso ni Xander si GIno. 

"Ikaw Gino ah... Ambilis...." sabi ko...

"Ahahahaha...." Malabaklang tawa ni Gino. "Ano ba tey Rosie, kodakan na!"

"Okay... 1..2...3... "

Click!

"Smile!"

Click!

Click!

Click!

(haha.. adik lang si author sa paulit-ulit!)

"Say cheese!"

Click!

Click!

"Move closer!"

Click!

Click!

"Okay... Last shot!"

Click!

Haha.. Nakakatawa yung last shot. Nakakapit si Gino sa braso ni Xander at todo ngiti sa camera. Si      Pres naman hinawakan yung siko ni Xander habang nakatingin sa ibang direksyon. Si Xander, nakatingin kay Pres at nabigla. Si Kyle gulat at nakanganga habang nakatingin kay Xander! Si Knight naman, well... poker faced... Parang formal pictorial. Syempre, pinakacute ang kapatid ko si Gray, sa'kin nagmana... Hay..... Iba na talaga ang genes...

After nung last shot.....

Awkward.....

Nahiya siguro ang mga men sa ginawa nila.

Haha!

"Uhm... Xander may first dance ka  na ba?" tanong ko.

"Ha? Eh.. Wala pa Ate Rosalie..."

"Gusto mong sumayaw?" Nagsimula na kasing magpatugtog ng music. Sweet music.

"Hehe... " Paarang naiilang si Xander...

Tapos nahalata kong naging tensionado nanaman ang air sa paligid....

Ano ba yan...

Nagtatanchahan pa siguro tong mga lalaki dito sa pagalok kay Xander na sumayaw.

"Hi Xander! Pwede ba kitang maisayaw?"

Bigla na lang sumulpot si Troy, number 11 ng basketball's team.

"Ahh... Sure."(^____^)

Tapos umalis na yung dalawa.

Click!

Halatang nagulat yung mga naiwan na ganito pa rin ang reaksyon.

////////////(O o O)///////////

(<??????????<)

"What was that for?!" si Pres.

"Bakit ka uli nagshot?"si Kyle.

"Remembrance, itsura nyo kapag naunahan o naagawan.... Hay.. Sayang yung first dance ni Xander no?... Ang babagal kasi eh... Yan tuloy... Haha... "

Vote. Comment. Be a fan!

Salamat po sa pagbabasa! :)

My First Chaotic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon