CHAPTER THIRTY-EIGHT

10.7K 223 0
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

JAZZEL'S POV 

Good to know at naalala pa ako ni Author.

[A/n] >____<

Pssh! I was busy packing my things ng dumating ang kapatid kung si Ella.

"What now?" tanong ko agad sa kanya.

"Ito lang ang nakayanan ko ate kaya ikaw na ang bahala diyan but don't you dare blame me if you screwed up" sabi niya sabay lapag ng envelope sa kama ko.

"Yeah! Yeah! I know that, so if you'll excuse me? Nagmamadali kasi ako" sagot ko.

"Where are you going ba?"

"To the place where I belong" mataray kung sagot.

"Whatever! Weirdo!"

Lumabas naman siya agad ng kwarto ko.

Aish! Kaasar talaga siya minsan, even if she's my sister may pagkaepokreta din yun.

Isinilid ko na yung envelope sa maleta ko at lumabas na ng kwarto ko.

Curious kayo kung saan ako pupunta?

Sa Palawan! Yeah right!

Dahil ako ang representative ng company namin which is kasosyo ni Tito Zack sa other business niya ang dad ko.

And? Kasama ko si Craig!

I can't wait to see him na.

Magugulat siguro yun pagnakita niya ako.

Well? Kung napalayas man ako sa bahay niya marami paring paraan para magkita kami ulit.

Siguradong mag eenjoy ako nito ng husto. 

MAGGIE'S POV 

Ito na naman! Naiwan na naman akung mag isa and honestly ayaw ko ng ganito.

Lagi nalang akung napag iiwanan.

Kainis naman oh! Nakalumbaba akung mag isa dito sa sala.

Napansin ko ring wala na si Jazzel dito sa bahay.

Napalayas siguro muwahahaha.

Kinuha ko yung phone ko at nagdial ng number.

*Ring!*

"Hello?" siya.

"888-7000 JOLLIBEE DELIVERY" ako

"Hahahahahahaha" tawa niya.

"Bilaukan ka sana! Where are you!" padabog kung tanong.

"Labas ka muna" sabi niya.

Ako naman itong timang lumabas din at.....

"Kyaah! Paul!" tili ko sabay yakap sa kanya.

"Hahaha I can't breath! Geez!"

Kinalas ko naman yung yakap ko at hinampas siya.

"Pasalubong ko nasaan?"

"Nasa kotse, tara sa park"

Tumango ako tapos pumasok ako ulit sa bahay at kinuha yung sumbrero at shades ko.

*PARK*

Naupo kami sa bench.

Si Paul naman nilatag niya yung pasalubong niya sakin.

MCDO yung binili niyang food, JOLLIBEE ang sabi ko eh.

Hahaha ginawang delivery boy si Paul.

Inabot ko yung  isang box at....

"Wow! Stiletto! Ang galante ah!" nakangiti kung sabi.

"The other on is for Jazzel" sabi niya bigla.

Tinapon ko yung box.

Jelly ako kunwari hahahaha.

"Hahaha! It's all for you Maggie, I'm just joking!"

Natuwa pa siya.

Akin naman pala lahat eh hahaha.

"Nga pala Paul may business ka dito kaya ka bumalik?" tanong ko habang sumusubo ng fries.

"Hmm! Magtatagal ako dito ng ilang araw tapos babalik na naman. May ipatatayo kasi akung resort sa Palawan, actually restoration lang yung kailangan para gumanda tapos saka na mag eextension ng building kung kinakailangan" mahabang sagot niya.

"Palawan?" curious kung sabi.

"Yup, bakit?"

"Si Lucas kasi umalis kahapon tapos ang sabi niya sa Palawan daw siya pupunta" sagot ko.

Nag iba naman bigla yung itsura ni Paul na para bang nagtataka siya.

"Ganun ba? Medyo malaki din ang Palawan Maggie kaya malabo sigurong magkita kami dun, nga pala kumusta kayo?"

Ngumiti ako ng sobrang lapad.

"Kami na!" tili ko.

"Di ka naman masiyadong happy ano? So  talagang kayo na? Alam ba ni Jazzel? Nasabi niya na ba sayo yung totoo?"

Sunodsunod niyang tanong.

"Grabe! Ginawa mo naman akung answering machine pero yup kami na tapos si Jazzel wala na sa bahay pero alam naman niyang kami na, di niya lang matanggap tapos anong totoo?" curious kung tanong sa panghuli din niyang tanong.

"Ah wala yun, ahm paano mo siya napaamin? Pinikot mo? Hahaha"

*PAK!*

"Di ka talaga mabiro ano?" sabi niya sabay himas sa ulo.

Hinampas ko kasi ng paper bag.

"Pinikot talaga? Pwede ginapang muna hahahaha"

*PAK!*

"Aray ah!" angal ko.

Hinampas niya rin kasi ako.

"Hahaha masakit ba? Sorry"

Sinimangutan ko siya.

"Ewan ko sayo!"

Kumain nalang ako ng burger.

"Teka? Paano mo napaamin si Lucas?" tanong niya bigla.

Uminum muna ako ng coke bago ko siya sinagot.

"Dahil sayo. Remember nung hinatid kita sa airport? Bigla nalang siyang sumulpot tapos yun nagalit. Hindi ko naman alam na pinagseselosan ka niya kaya hayun nagtapat siya ng bongga" kinikilig kung kwento sa  kanya.

"I'm happy for you Maggie but when the time comes try to understand him first before you walk away and leave him" makahulugan niyang sabi.

Ngumiti nalang ako ng pilit kahit na ang totoo hindi ko makuha yung pahiwatig niya.

"Pasalubong ko ah!" nakangiti kung sabi.

"Sure! Nga pala Maggie aalis na ako, ingat ka"

"Ikaw din, kaya ko na umuwi mag isa kaya umalis ka na"

Tumayo naman siya at sumakay na sa kotse niya at kumaway sakin.

Napabuntong hininga ako.

Nasagi bigla sa isip ko yung huli niyang sinabi.

"When the time comes try to understand him before you walk away and leave him"

Ano bang ibig mung sabihin Paul.

Bakit parang lahat kayo may gustong sabihin sakin pero lagi namang nag aalangan.

Ano bang alam niyo na hindi ko pwedeng malaman.

"Ugh!"

Nasabunot ko yung sarili ko.

Inhale exhale, trust him Maggie.

Tumayo na ako at binitbit yung mga bigay sakin ni Paul at umuwi sa bahay.

Napasulyap ako sa relo ko.

Anong oras kaya siya uuwi. 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon