MHLMTD-13

12.1K 290 7
                                    

MHLMTD-13

MAGGIE'S POV  

Busy ako sa kakapanood ng movie ng biglang sumulpot itong si Lucas sa tabi ko. 

 "Why did you told her that we have an affair?" 

Napalingon naman ako sa kanya.  

"Maganda nga 'yon eh. Solve ang problema mo'ng iwasan siya." Walang gana kong sagot.  

Bakit kasi kailangan pa niyang iwasan 'yong babaeng 'yon.  

"She'll do everything just to make you surrender." Seryoso nitong wika.

"Hindi ako takot. Magsabi ka nga ng totoo. Sino ba siya sa buhay mo at kailangan mo pa ang iwasan siya." Curious kong  tanong rito. 

Nakakairita na kasi. Mahirap iyong tinutulungan ko siya pero wala akong alam kung bakit.

"She's my ex-girlfriend." Sagot nito.

What!? Ex niya ang malanding iyon? Ouch! Kaya pala ganoon iyon maghurimentado.  

"Ex mo? Wow! Bakit binalikan ka pa? Sino ba ang nang iwan?" Tanong ko pa ulit.

Ang tino niyang kausap ngayon kaya lulubusin ko na. 

"It's her." Sagot niya pa at naupo sa sofa.

Wow! Kapal ng apog. Ganyan kaguwapo iiwanan mo sa ere? Hanep! Baka naman siguro matapobre ang babaeng iyon at hindi niya matanggap na isang hamak na Taxi Driver lang si Lucas. Ang tanga naman niya para iwanan itong lalaking 'to. Tapos ngayon makaasta parang kung sino. Humanda sakin ang babaeng 'yon. 

At bakit naman? Epal ng utak ko.

Dahil igaganti ko ang crush ko! Haha! Isang malaking batok sa aking sarili. Nabaliw na yata ako. 

Tumayo naman bigla itong si Lucas. Mukhang magluluto na siya ng dinner. Aw! Para akong timang na sumunod sa kanya sa kusina. Gutom na din kasi ako. Umupo ako at pinapanood lang siya habang busy sa paghahanda ng mga ingredients.

Shit! Hindi ko mapigilang mapamura sa utak ko. Likod palang niya ang hot na tingnan, paano pa kaya kapag nakaharap na sa'yo. 

Sa tantiya ko mga 6ft din ang taas niya. Halata mo talagang mistiso kahit itim ang buhok nito. Sobrang laki din ng katawan na para siyang nag-gy-gym. Kung 'di mo alam 'yong trabaho niya ay aakalain mo talagang mayaman siya at educated.

Sa pananamit palang nito ay wala na akong maipintas. Modelo ako at designer, malamang alam ko kung paano kumilatis ng tao pagdating sa fashion style. 

Kaya lang itong si Lucas ay hindi ko mabasa. Napakamisteryoso niya kasi. Hindi mo matantiya kung ano'ng tinatakbo ng utak niya. Pabago-bago ang mood nito. Minsan matino, minsan din may topak. 

"Bakit ba saksakan ka ng guwapo." Naisambit ko ng biglaan.

Oh my! Napatakip ako ng bibig ko. Pakiputol ng dila ko please. Sa utak ko lang dapat 'yon, eh. Ang tanga! Sana 'di niya narinig. 

Umupo naman siya sa harap ko at nag-serve na ng pagkain sakin.

"I know I am handsome no need to say it." Wika niya sabay upo sa harapan ko. 

Oh hindi! Lamunin na sana ako ng lupa ngayon na! Gusto kong tumili. Gusto kong tumakbo. At ito na naman ang.. My heart goes shalalala. 
Siguro pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang hiya. 

"Let's eat." Untag nito sakin at bahagyang napaismid. 

Paano ako makakakain kung sa bawat kilos mo ay sinusulyapan ka. Sige nga paki-explain. Ang tanga ko talaga. Tumayo naman ito bigla at lumipat ng upo sa tabi ko.

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon