MHLMTD-24

11K 233 2
                                    

MHLMTD-24

CRAIG'S POV 

Nagulat pa ako ng madaanan ko si Maggie habang minamaneho ang cab ko. Binusinahan ko siya ng pagkalakas.

"Anak ka ng nanay mo!" Gulat niyang sambit. 

 Medyo natawa ako sa reaksyon niya. I stop my car at lumabas ng taxi. 

 "Where are you going?" Taka kong tanong.

 "Pauwi na, why?" Sagot niya. 

 "Saan ka galing?" Tanong ko ulit. 

 "Mag-tagalog ka nalang kaya parati, ang cute kasi, may accent eh." 

 Napakunut-noo ako sa sinabi niya. 

 "Get in." Utos ko. 

 Agad naman siyang pumasok sa loob. Nang makarating kami sa apartment ko, lumabas ako agad ng taxi at hinila si Maggie papasok sa loob. 

"You are supposed to stay here in the house. You knew you have still issues." 

 She gave me a make face. 

 "Alam ko. Tsk! Hayaan mo nga sila." 

 Hindi ko na siya sinagot at iniabot sa kanya iyong magazine. 

 "Wow! Ang ganda ko talaga!" Nakangiti niya pang sabi. 

 Baliw na ba siya? May bago na namang issue tungkol sa kanya. 

 "Margaritte Montero are still hiding and have no guts to faced all her issues. According to the source, Margaritte Montero is a mistress of a Business tycoon but no one knows who's that guy." Basa niya sa magazine. 

 "Ang ganda ko naman para maging isang mistress." Kumento niya. 

 Napailing nalang ako at binawi 'yong magazine sa kanya at itinapon. 

 "If you want to go out you should tell me." 

"Aba? Concerned talaga?" 

Walang pasabi ko siyang pinitik sa noo niya.

"Aw! Masakit iyon ah!" Angal niya habang sapo ang noo niya. 

 "Don't think stupid things. I just don't want to get involved with that rumors." 

Craig, your a liar! Nah! 

 "Pasalamat ka at crush kita!" Aniya bigla sabay takbo papasok sa kuwarto niya. 

Napangiti ako sa narinig ko. I don't know why but I feel happy. Naupo ako sa couch at kinain ang dala kong food. 

Kumain na kaya siya? 

 Why don't you ask her? Yeah, right. I stood up and knock at her door. 

 "Maggie!" Tawag ko. 

 Bumukas naman ang pinto. 

 "Hmm? Why?" 

 "Kumain ka na ba?" 

 Ngumiti naman siya. 

 "Hindi pa eh!" Sagot niya at pumuwesto na nang upo at kumain. 

 "Hey that's mine!" Sita ko sa kanya. 

 Kinain niya kasi iyong akin. 

 "Ang dami nito! Damot!" She said while her mouth is full. 

Kaasar! No choice akong naupo sa kabilang couch at kumain na rin. Grabe talaga siya. Hindi man lang siya nahiyang kainin 'yong pagkain ko. 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon