MHLMTD-20

12.1K 250 4
                                    

MHLMTD-20

CRAIG'S POV 

"Maggie are you okay?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. 

Nakapikit lang siya and she's crying kaya naman nag-panic na ako. Hindi ko naman sinasadyang madaganan siya. 

Sakto din kasi no'ng pagbukas ko ng pinto ay nandoon pa 'yong mga reporters kaya napabalik ako sa loob.  Pero hindi ko naman alam na nakasunod pala si Maggie sakin kaya wala akong nagawa kundi ang madaganan siya. 

"Maggie?" Untag ko. 

"May okay ba'ng nadaganan? Palit kaya tayo ng posisyon!" Naiinis niyang sagot sakin. 

Kahit kailan talaga ang taray!

"Can you stand up?" 

Umiling lang siya kaya wala akong choice kundi ang kargahin ito. Hindi din naman siya nag-react. I think,  nasaktan talaga siya. 

Ikaw kaya madaganan Craig? Shut up consience. 

Guilty na nga ako dadagdagan pa ng pangungunsensiya. Tsk! 

"Hold on tight and hide your face in my chest." Utos ko.

She did what I've said. No choice akong lumabas ng basement at humarap sa mga reporters na malapit sa kinaroroonan namin. I'm glad that none of them knows me. 

"Siya si Maggie 'di ba?" Reporter asked me. 

"She's not, excuse me!" 

Dinala ko siya sa cottage na tinulugan namin kagabi. I slowly laid her in the bed. Tahimik lang siya.

What to do now Craig? Nasapo ko ang noo ko. Lumabas ako ng cottage at bumalik sa beach house. Nagtawag ako ng doctor para ipa-check si Maggie kung may natamo ba itong injuries. 

I've waited half an hour bago dumating ang doctor na tinawagan ko. Nang makabalik ako ng cottage kasama ang doctor na kinuha ko, Maggie is sleeping. 

Gigisingin ko na sana siya pero ang sabi ng doctor, 'di na daw kailangan. Umupo nalang ako sa gilid. Nagising naman bigla si Maggie pero tahimik lang siya. Kasalanan ko 'to. Bakit kasi ang tanga-tanga ko. Natapos naman agad iyong doctor sa pagsusuri sa kanya. Sa labas na din kami nag-usap. 

"How is she?" I worriedly asked.

"She's fine, there's nothing to worry about her. Medyo masama lang ang bagsak niya kaya medyo hindi siya makagalaw agad. Just take good care of your wife Mr. Santiago." Sagot nito at lumakad na.

Did she said that Maggie is my wife? 

You're a deaf Craig. Nah! Pumasok na ako sa loob. 

"Are you hungry?" Tanong ko. 

"Medyo." Tipid niyang sagot.

Tumango lang ako at lumabas ng cottage. Natigilan pa ako ng makita ko si Jazzel nang lumabas ako.

"Craig?" She called.

Hinila ko agad palayo si Jazzel sa cottage.

"Will you stop calling me that name!" Galit ko pang sita sa kanya.

"Bakit kasi second name pa ang gusto mo'ng ipatawag sa'yo?" 

I smirked.

"You don't cared, so back off!" 

Tinalikuran ko na siya. 

"Craig!" 

"Shut up! Kung gusto mong respetuhin kita bilang babae, umayos ka bago ko pa makalimutang babae ka!" Madiin kong banta. 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon