MHLMTD-11

12.9K 275 10
                                    

MHLMTD-11

MAGGIE'S POV 

Buti nalang at maayos akung nakatulog kagabi. Ang ayos nga eh hanggang umaga nakadikit parin 'yong ice bag sa pisngi ko kahit tunaw na ang yelo. 

Tumayo na ako at ginawa ang dapat gawin pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko habang pinoponitail itong buhok ko. Naabutan ko si Lucas na nagkakape sa sala. Umupo ako sa harap niya. Baka naman matino na siya kausap ngayon. 

"Sino 'yong babae kahapon?" Panimula ko.

Kunot-noo naman siyang napatingin sakin. Pinandilatan ko lang siya. 

"Nothing..." Walang gana niyang sagot habang humihigop ng kape.

Aba't! Kagabi nothing din 'yong sagot niya. 

"Sarap mo kausap!" Padabog kung sabi sabay alis sa harap niya. 

NOTHING DAW! Para ngang modelo 'yong dating nong babae kahapon eh. Hindi ko lang talaga masiyadong nakita 'yong mukha niya kasi nakashades siya at nakasumbrero. Kainis! Gusto ko na talagang gumala. I'yong phone ko ayaw ko namang buksan kasi for sure sandamakmak na text ang bubungad sakin. Pati sa facebook, twitter at instagram, malamang tadtad din 'yon ng mga messages. Namimiss ko narin si Jeric at ang mga bata sa orphanage, lalong lalo na si Stacy. I hope she's fine.

Pwede naman akung gumala diba? Why not use a disguise.  Pwede! 

Naghagilap ako ng blonde wig tapos nag make-up ako at nagbihis. 

After a minutes..... 

Humarap ako sa salamin. I am now a living barbie. 

Lumabas na ako ng kwarto ko. Napataas ako ng kilay dahil sa ginawa niyang pagtitig sakin mula ulo hanggang paa.

"You look like a clown." Kumento niya.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Anong clown? Sa ganda kung 'to! Hmp!" Inis kung sagot.

"Pahatid naman oh?" Panunuyo ko pa.

"No." Agad niyang sagot.

Aba! Edi sa iba ako sasakay. 

"Eh 'di wag!" Inis kung sagot.

Nagwalk out na ako sa harap niya at lumabas na ng bahay. Naglakad ako ng kaunti at pumara na ako ng taxi. 

"Kuya sa MOA po tayo." Utos ko don sa driver. 

Habang ninanamnam ko ang pagtanaw sa labas ay napansin kung panay ang sulyap ni manong sakin. Nacurious din naman ako kung bakit. 

"Kuya may dumi ho ba ako sa mukha?" Nagtataka ko pang tanong.

"Naku ma'am wala ho. Ang ganda niyo lang po kasi, kamukha niyo po 'yong sikat na modelo na palagi ko pong napapanood sa Tv ma'am." Sagot din naman niya.

Wow! Ganun na ba ako kasikat? Nginitian ko nalang si manong. May nadaanan namin kaming malaking billboard na binabaklas. Malamang siguro tatayuan na ng gusali. At take note ako 'yong nasa billboard. Naman!

"Siya po tinutukoy ko ma'am." Sabi bigla ni manong sabay turo doon sa billboard. 

Napatawa ako ng mahina.

"Talaga po?" Tanong ko pa.

"Ay opo ma'am, talagang kamukha niyo po!" Masiglang sagot naman ni manong.

Ngumiti ako ng malapad. 

"Manong may phone po kayo? Pahiram nga po, picture po tayo, dali!" 

Nagtataka namang iniabot ni manong 'yong phone niya. 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon