PNL-6

339 19 23
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang enrollment. Hindi ko alam kung bakit excited ako, siguro dahil excited akong makita ang mga kaibigan ko at sabihin na rin nating excited akong makita sya.

Pag dating ko sa school namin, agad akong dumiretso sa building namin. Isa na ako sa mga late na dumating sa aming magkakaibigan.

"Anong block tayo?" Yan ang pambungad na tanong ko sa kanila.

"Hindi pa nga namin alam eh. Schedule pa lang ng block A ang meron, di pa nilalabas sked ng block B." Sagot sa akin ni Graciella.

"Eh may mga nagpablock A na?" Tanong ko uli.

"Oo, meron na, sila Lloyd. Mga 12 na yata silang nagpablock." Hindi ko alam pero parang natuwa ako sa sinabi ni Graciella.

"Eh san na sila?" Teka, parang mali ang tanong ko ah.

"Nasa admin na sila. Magpapa-assess na yata." Maikling sagot sa'kin ni Graciella sa'kin.

"Eh tayo? Di pa tayo magpapa-block?" Tanong ko sa kanila. Umaasa na sana ay pumayag na sila.

"Hindi ko pa alam. Hintayin na lang muna natin yung iba nating mga classmate dati." Sagot naman ni Angelica.

Hayy. Hapon na pero wala pa rin ang iba kong mga kaklase at hindi ko pa rin nakikita si Lloyd. Nakakapanlumo naman. May pag-asa pa ba akong makita sya ngayon? May pag-asa pa bang maging kaklase ko siya?

"Nakapablock na kayo?" Bungad agad sa amin ng mga dati naming kaklase.

"Wala pa nga eh. Hinihintay nga namin kayo." Maikli kong sagot sa kanila.

"Open na lahat ng blocks? Ano may magandang sched?" Tanong nila uli sa amin.

"Wala, block A pa lang ang mga may sched eh. Kailan tayo magpapa-enroll?” tanong naman ni Angelica sa kanila.

“Bukas na lang, baka bukas ilabas na yung schedule ng block B, baka mas maganda schedule nun eh. “ sagot naman ng isa sa mga kaklase namin.

Baka bukas puno na ang block A, baka hindi na natin maging kaklase si Lloyd kaya magpablock na tayo, gusto ko sanang sabihin yan kaso hindi pwede. Kung nagtataka naman kayo kung bakit hindi na lang ako magpablock A mag-isa ayaw ko rin, ayaw ko naman ako lang mag-isa dun at maghahanap na naman ng bagong magiging kaibigan, at solid na kasi ang samahan namin ng mga kaklase ko.

"Sige, maglakwatsa na lang tayo. Bukas na lang tayo mag-enroll." Hay. Sige, bukas na lang. Sana bukas makita ko na siya.

At maraming bukas ang nakalipas, at sa mga lumipas na 'bukas' ay hindi ko man lang siya nakita at bukas ay unang araw na ng klase namin.

7:30 am ang unang klase namin bukas. Drawing 1, kaya malabong magsisimula agad ang klase pero ganunpaman, maaga akong nagising.

Pagdating ko sa Drawing Room nandun na ang ilan sa mga kaklase ko at ang professor namin. Pagpasok ko hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa wakas nakita ko uli siya. Oo, nakita ko si Lloyd at kaklase ko siya ngayon at sa iba naming subject dahil nagpa-block A na rin kami ng mga kaibigan ko. Ang saya-saya nga naman.

Pagkatapos sabihin ni Sir ang mga gamit na dapat naming bilhin para sa drawing namin, nagsi-uwi na kami. Sigurado naman kasing wala pang titser na darating sa mga susunod na mga klase.

Naku. Kailangan kong paghandaan ang pagpili ng tamang upuan para sa mga susunod na klase namin. Kailangang mapili ko ang perfect spot. Bwahahaha.

At nakapili na nga ako ng ‘perfect spot’ na upuan para sa ibang subject namin, mabuti na lamang at mas maaga siyang pumasok sa akin. Hindi ko pinili ang upuan na katabi ng silya niya, dahil unang-una wala akong lakas ng loob tumabi sa kanya at pangalawa ay hindi iyon magandang pwesto para sa akin dahil baka matorete lang ako kakatitig sa kanya habang nagkaklase at wala nang matutunan. Pinili ko ang silyang medyo malayo ang distansya sa kanya pero madali ko siyang makikita, in other words, malaya ko siyang matititigan. Kumbaga, ‘you seem so near yet so far’ din ang drama ko.

Pakisabi Na Lang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon