PNL-2

543 20 21
                                    

Paaralan. Eskwelahan. Iskulembang.

Kahit ano pa man ang tawag mo ang alam ko ito ay isang institusyong  itinayo upang magbigay ng edukasyon sa mga mag-aaral. Isang lugar para hubugin ang angking galing at talino ng bawat mag-aaral. Pero sa palagay ko, naging lugar na rin ito para  maghanap ng mga crush at kung papalarin ka, mahanap ang taong magmamahal sa’yo at mamahalin mo. Aminin mo, sa school mo nakilala ang first crush mo diba? At malamang ganun din sa first love mo. Kumbaga, bonus na ng mga estudyante ang makahanap ng crush sa school. Lol!

Mas malaking paaralan, mas malaki ang tyansa na makakita ng maraming gwapo. Lol! Ngayon, college na ako. Bagong paaralan, kung papalarin baka makahanap na rin nga bagong crush.

Naalala ko, araw ng Linggo yun, unang araw ng klase namin sa CWTS at nagsisimula na ang klase namin nang may matangkad na lalaking pumasok sa classroom. Mukhang pamilyar siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita pero sigurado naman ako na hindi ko siya kaklase sa ibang subjects ko.

"Good moring Ma'am." Magalang na  bati niya sa titser namin at nilapag niya na sa upuan ang kanyang mail bag.

Tinignan ko ang relo ko, 8:30am na, kung tutuusin isang oras na syang late sa klase namin pero sabagay kapag unang araw talaga ng klase kadalasan nahuhuling pumasok ang mga estudyante.

Sumunod na Linggo, nakuha na naman ng lalaki na ito ang atensyon ko, hindi dahil sa late sya pumasok kundi isa siya sa mga maagang pumasok. Nakaupo siya sa kabilang row habang umiinom ng tubig sa bottled water. Hindi ko alam kung anong meron sa pag-inom niya ng tubig pero nahuli ko na lang ang sarili kong nakakatitig sa kanya. Kung tutuusin wala namang espesyal sa kanya.

Sumunod uli na Linggo, nakuha niya na naman ang atensyon. Umiinom uli siya ng tubig sa bottled water, hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako. Hindi naman siya tumingon sa akin pero parang kinilig ako. Inuulit ko, parang kinilig lang. Parang lang! Di ako sure. Ang weirdo naman kung kinilig ako dahil lang nakita ko siyang umiinom ng tubig. Nakita lang uminom ng tubig, kinilig na. PBB TEENS?! Lol!

 

Nung sumunod uli na mga Linggo, nagkaroon kami ng group activity. Hindi ko siya ka-grupo parang nakaramdam ako ng kaunting panghihinayang. Kaunti lang naman, kasi nung nagreport sila ang galing niya pala. Magaling siyang mag-explain at ang ganda niya magbigkas ng salita, very articulate. Isa yan sa mga bagong napansin ko sa kanya. Pero gaya pa rin ng dati, tinitignan ko pa rin siya kapag umiinom siya ng tubig pero hindi pa rin siya lumilingon sa direksyon ko. Ang pinagkaiba ngayon, sinasabayan ko na sya. Kapag nakita ko na siyang umiinom ng tubig, kukunin ko rin ang binili ko sa tindahang bottled water at iinumin yun. Ang babaw man isipin pero natutuwa ako kapag ginagawa ko yun. Bakit? Hindi ko rin alam ang dahilan.

Twing araw lang ng Linggo ko siya nakikita. Nagtataka nga ako kung bakit ganun, kasi pareho naman kami ng course at year level. Hindi rin naman ganun kalaki ang college building namin pero nagtataka ako kung bakit hindi nagbabangga ang landas namin sa ibang araw. Siguro nga, Linggo lang ang araw para magtagpo kami.

May ilang mga bagay na akong nalaman sa kanya, maliban sa umiinom siya ng tubig twing umaga at very arcticulate siyang magsalita. Nalaman ko rin na matalino pala talaga sya, honor student sya nung nagtapos sya ng high school, magaling din daw syang kumanta, at ayun sa bulong-bulungan mabait daw siya. Pero tingin ko, totoo ang huling statement. Mukha nga syang mabait at hindi ko siya nakikitaan ng yabang.

Nung sumunod na mga Linggo, may development na. Kapag nagkakaroon kami ng activity, nakakausap ko siya kung minsan, pero tamang isang tanong, isang sagot lang ang usapan namin. Parang hindi ko kasi kaya na makipag-usap sa kanya, parang nawawala ang mga salita. Pakiramdam ko nga kung minsan, kailangan ko pang gumamit ng diksyonaryo para malaman ba kung tama ang mga sinasabi ko. Na-iintimidate yata ako sa kanya kasi matalino siya. Hindi naman sa sinasabi kong bobo ako, siguro hindi lang ako confident. O baka hindi ako na-iintimidate sa kanya, baka yung mabilis na tibok ng puso ko ang may kasalanan kaya hindi ko siya maka-usap ng matagal. Ewan ang gulo ko. Basta ang alam ko, natutuwa ako kapag tinitignan ko siya habang nagkakalase, napapangiti ako kapag sinasabayan ko siyang uminom ng tubig, tumatalon ang puso ko kapag ngumingiti siya sa akin at bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kinakausap niya ako.

Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko. Sa pagkakatanda ko kasi, walang naituturo na ganyan ang mga titser ko. Pero sa palagay ko, ito nga yata ang tinatawag karamihan na paghanga.

Siguro nga crush ko na siya.

Crush ko na nga yata si Christian Lloyd Rosales.

****

Mukhang ang lame ng update ko. Lagi naman. Lol!

 Pasensya na po. Bagong gising lang kasi ako nung ginawa ko ito at hindi ko na na-edit. Talagang nag-explain pa ako noh? Lol! Naalala ko kasi yung sinabi ng isa sa mga writer ng Zombading, kapag nagpapraktis ka raw magsulat, maganda daw kapag bagong gising ka tapos i-edit mo yung ginawa mo. Pero ito, patawarin, di ko na-edit. Lol!

Hindi maganda ang epekto sa akin ang unang ulan sa unang araw ng Hunyo. Lol! Nakakabaliw pala yun? Lol! Jk. Baliwness lang. Hahahahahahahahaha! XD

Salamat sa'yo na nagbabasa ng update na to! Gomawo!

Feel free to leave comments or feedback. Ikatutuwa ng puso ko yun. Lol! Salamuch! ;) 

Pakisabi Na Lang...Where stories live. Discover now