PNL-4

407 18 31
                                    

"Asan na ba si Lloyd?" Tanong sa amin ng instructor namin sa CWTS.

"Wala pa po eh.” Sagot naman ng kaklase ko.

“May number niya ba kayo? I-text niyo nga.” Sabi naman ni Mam.

Outing kasi namin ngayon, parang farewell party na rin namin sa CWTS Class namin dahil patapos na ang school year na toh.

“Wala akong load, sinong may load sa inyo?” sabi ng kaklase ko.

Inabot ko ang cellphone ko. Pagkakataon ko na ito para makuha ang number niya. Buti na lang naka-on ang sent items ko at may recently used numbers ang phone ko kaya sigurado makukuha ko ang number ni Lloyd.

“Salamat.” Sabay abot ng kaklase ko ng cellphone ko sa akin pagkatapos niya magtext.

Agad kong chineck ang sent items ko, mabuti na lang hindi niya binura ang message na pinadala niya. Lihim akong napangiti dahil maise-save ko na rin ang number ni Lloyd.

Nakabaling lang ang atensyon ko sa cellphone ko. Nagbabakasakali na baka magreply si Lloyd.

Maya-maya bigla na lang dumating si Lloyd, suot ang ngiting laging binibigay niya sa lahat.

“Ah, nandito na pala si Lloyd, alis na tayo.” Sabi ng instructor namin.

Pagkatapos ay dumiretso na kami sa jeep na inarkilahan namin papunta ng beach. Naisip ko maaring ito ang pangalawang pagkakataon na makatabi ko siya.

Nauna akong sumakay ng jeep pinili ko ang pwesto sa bandang gitna ng upuan. Maya-maya sumunod si Lloyd, umupo siya sa tabi ko, sa bandang kaliwa ko kaso pinaurong siya ng kaklase namin kaya naman hindi ko na siya nakatabi.

Sayang.

Sayang ang pagkakataon na muling makatabi si Lloyd. Sayang ang pagkakataon na makausap ko siya uli dahil mukhang aligaga na silang magkwentuhan ng kaklase namin. Inilagay ko na lang ang earphones sa tenga ko at nagplay ng music mula sa cellphone ko habang nagbibyahe. Sa pakikinig man lang ng mga kanta, mawala ang inis at panghihinyang na nararamdaman ko.

Nakarating na kami sa beach. Tapos na nga kami kumain pero hindi ko pa rin nakakausap si Lloyd. Sabagay, wala naman kaming pag-uusapan kasi hindi naman kami close.

Unti-unti nang umalis ang mga kaklase namin sa cottage lahat papunta na sa dagat para maligo. Nagdesisyon akong magpa-iwan dahil wala akong balak maligo ng dagat.

Bigla akong niyaya ng kaklase ko na maglaro ng baraha, tatanggi sana ako pero nakita kong kasama si Lloyd sa mga maglalaro kaya naman pumayag ako.

Masaya ako habang naglalaro kami ng pusoy dos, hindi naman ako nanalo pero tuwang-tuwa ako. Siguro kasi, kalaro ko siya at nasa harap ko lang siya nakapwesto kaya naman malaya akong tignan ang mukha niya at masilayan ang mga ngiti sa labi niya.

"Wala na, talo na ako nito." Sabi niya bigla dahil dalawa na lang kaming naiiwan na may hawak pang baraha.

"Hindi yan, ako na ang talo. Ang pangit kaya ng baraha ko." Sagot ko naman sa kanya.

At gaya nga ng sinabi ko, ako ang talo kaya ako pa rin ang nagbalasa ng baraha. Nakita ko ang pagngiti niya. Ayos lang kung si Lloyd ang kalaban ko, handa akong laging magpatalo sa kanya basta makita ko lang ang mga ngiti niya parang nanalo na rin ako.

"Guys, ligpit niyo na mga gamit niyo. Aalis na tayo maya-maya. Tawagin niyo na rin ang mga kaklase niyong nasa dagat pa, sabihin niyo magbanlaw na sila." Utos sa amin ni Mam.

Agad naman kaming sumunod sa utos niya. Naglakad kami papunta sa mga kaklase namin at tinawag sila.

Beep! Beep!

Nandyan na pala ang jeep na susundo sa amin. Agad kaming sumakay at nagulat ako dahil sa tabi ko na uli umupo si Lloyd at wala nang nakisingit sa amin.

Lihim ako uling napangiti. Sa pangalawang pagkakataon nakatabi ko uli siya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Hindi ko rin alam kung paano magsimula ng simpleng usapan.

Kinabit ko uli ang earphones sa tenga ko at nakinig muli ng kanta mula sa cellphone ko.

♫But somewhere we went wrong,

we were once so strong.

Our love is like a song, you can't forget it.♫

Sinabayan ko ang linya ng kanta na yan at siniguradong maririnig niya.

Natawa ako nung isiping yan ang kanta ko. Dahil unang-una, hindi naman kami. Walang kahit na anong namamagitan sa amin. Ni hindi nga yata kami maituturing na magkaibigan. Tamang magkakilala lang. Tamang magkaklase lang sa isang subject tapos kakantahan ko siya ng ganoong kanta.

Siguro gusto ko lang iparating sa kanya na wag niya sana akong makalimutan. Lalo na ngayon at magbabakasyon na. Wala ring kasiguraduhan kung magiging kaklase ko siya sa susunod na school year. Baka dito na magtapos ang maaaring mamuong pagkakaibigan namin. Baka pagtapos nito, hindi na kami magpansinan sa susunod na magkasalubong kami sa school.  Sa madaling salita, baka ito na ang huling pagkakataon na maging malapit ako sa kanya.

“Bye Lloyd, ingat.” Sabay-sabay naming sabi ng mga kaklase ko pagbaba ni Lloyd.  Iyan na yata ang huling pagkakataon na masasabi ko yan sa kanya. Pagbigkas ko ng mga katagang yan, sinabayan ko yun ng ngiting napakatamis na para sa kanya lang. Sana nakita niya iyon.

Nakauwi na ako sa bahay. Bigla kong naalala na may number na nga pala niya ako. Pwede ko na siyang i-text. Pero may parte ng utak ko na nagsasabi na huwag ko siyang i-text.

Ano naman ba kasi ang sasabihin ko kapag tinext ko siya?

Magpapakilala ba ako kapag sinabihan niya ako ng “hu u?”

Paano kung tanungin niya ako kung paano ko nakuha ang number niya?

Ano ang iisipin niya kapag nalaman niyang ako ang nagtext sa kanya?

Ang daming tanong sa isipan ko.

Nagsimula akong magtype ng salitang “Magandang Gabi” sa cellphone ko. Nagdadalawang isip pa rin kung ipapadala ko ba iyon sa kanya.

Nakapagdesisyon na ako.

Sa tingin ko ito ang tama kaya naman agad kung pinindot ang pulang button ng cellphone ko at natulog na lang.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Waaah! nakapag-update din. Yan lang ang kinaya ko. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko habang gumagawa ng assign. Maraming salamat po sa'yo na nagbabasa ng kwento na toh!:) Maraming-maraming salamat! ^____________^

Pakisabi Na Lang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon