PNL- 1

823 25 45
                                    

 1

✔ or ✘

☐Love at first sight.

Tumigil ang pag-ikot ng mundo nang may nasilayang tila Adonis ang aking mga mata. Narinig ko ang pagtugtog ng mga angel ng isang napakagandang musika habang naglalakad sya patungo sa kinatatayuan ko. Lumuwag ang garter ng panty ko nung dumaan siya sa harap ko at tila ba napuno ng nagliliparang paruparu ang aking tiyan. Masyadong eksaherada ang mga pahayag na yan dahil ni isa man dyan ay hindi ko naramdaman nung una ko siyang nakikita.

✖Love at first sight? Eeenngg! Hindi yan ang naramdaman ko sa kanya. Second sight? Hindi pa rin.

Kahit humirit ka pa ng 3rd sight, hindi magbabago ang sagot ko.

Pero kung tatanungin mo ako kung paano ko unang nakita ang taong lihim na nagpapatibok ng puso ko, Friendster ang kasagutan.

****

"Guys, teka may ise-search muna ako dali" sabay tinype ni Angelica ang friendster.com sa address bar at agad na nagsign in.

"Ui! Nene, mamaya na ang friendster, unahin muna natin ang ginagawa natin." sabi ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa bahay ng classmate namin para magreview sa exam ng scholarship na aaplyan namin, naghahanap kami ng reviewer na pwede naming magamit. Magco-college na kasi kami sa susunod na pasukan.

"Teka lang, may ipapakita ako sa inyo." sabay nagtype siya ng pangalan sa search bar at kami naman ay tutok na tutok. Mga echuserang frog eh.

Christian Lloyd Rosales.

"Sino naman yan?" tanong ni Graciella kay Angelica.

"Si Lloyd, yung laging sinasabihan ni Jane ng ‘mahal kita at hihintayin kita’ sa GM niya.”

"Siya pala yun." Pagsang-ayon ni Graciella.

Tooot! Tooot! Tooot! Loading loading ako dun ah. Di ko kilala yung pinagsasabi ni Angelica, di ako makarelate.

"Sinong Jane?" Di ko kasi kilala yun, di naman namin classmate yun eh.

"Si Jane, yung taga-private school na nakakatext namin na tinatawag naming ‘Sis’ tapos ex ni Mark.” Ah. Sya pala yun, yung madalas pagkwentuhan ng mga kaibigan kong mahilig makipagtext.

“Tignan pa natin yung ibang pic nila, dali!” Si Graciella. Aytah! Echusera mode na talaga kami sa halip na review mode? Well, sana lumabas yan sa exam.

Binuksan pa ni Angelica yung ibang album ni Lloyd pero kaunti lang yung pic na nakita namin tapos puro group picture pa.

“Alam niyo ba, Oppa yung tawag ni Jane sa kanya.”sabi pa uli ni Angelica. Malamang ako hindi ko alam yun, di ko naman nakakatext yang Jane na yan eh. Pakialam ko ba sa buhay nila. Hehehe!

Tinignan ko yung itsura ni Lloyd. Medyo semi-kalbo yung style ng buhok niya, kayumanggi ang kulay, hindi naman ganun kakinisan ang mukha kasi makikita mong may ilang pimples siya sa pisngi. Hindi naman pala kagwapuhan, sa loob-loob ko.

Pakisabi Na Lang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon