PNL-8

245 12 14
                                    

Chapter 8

Kung gaano kabilis natapos ang nakaraang semester, ganoon din ito kabilis na nagsimula. Halos walang nagbago, same professors, same building, same classroom at pakiramdam ko ang level of difficulty ng mga subjects namin ngayon ay kagaya pa rin ng nakaraan. Kung mayroon mang nagbago, yun ay ang aura sa classroom dahil hindi ko na kaklase si Lloyd dahil nasa kabilang block sya.

Nung unang linggo ng klase, nahirapan akong makita si Lloyd. Hindi yata nagtagpo ang schedule namin pero nung kinalaunan, nalaman ko na tanging Wednesday at Saturday lang pala ang mga araw na nagtugma sa schedule namin.

Ngayon, araw ng Sabado tyak makikita ko siya ngayon. Tinignan ko ang orasan kong pambisig, alas diyes impunto na.

Pasimple akong lumabas ng drawing room. Hindi naman kasi ako nagdodrawing, magpapalate na lang ako sa pagpasa ng drawing plate ko. Paglabas ko ng room, nagmamadali akong tumakbo at nung malapit na ako sa pinto ng PB3 dahan-dahan akong naglakad na para bang dumadaan lang. Saglit akong tumigil sa harap ng pinto ng PB3 para sumilip sandali. Mabuti na lang at listo ang mga mata ko sa paghahanap kay Lloyd, nakita ko sya kaagad at sakto mukhang palabas sya. Hindi ako agad umalis at inantay sya baka sakaling lumabas sya ng classroom.

At di nga ako binigo ng instinct ko, lumabas nga sya.

"Hi Bea." Bati sa akin ni Lloyd. Pupunta siguro sya ng comfort room kaya lumabas.

"Hi!" Matipid na sagot ko. Pakiramdam ko tumalon yung puso ko nung kinausap niya ako.

"Wala kayong klase?" Tanong nya uli sa'kin.

OMG! Dalawang sentence na ang nabitawan ni Lloyd sa pag-uusap namin.

"Ahhh-uhhm." Syet! Bakit nauutal na naman ako. Erase-erase yung syet. Ayaw ni Lloyd nang nagmumura.

"Uhm. Meron, drawing." Matipid kong sagot. Automatic na kasi yan, kapag drawing ang klase halos hindi talaga gumagawa ang mga estudyante ng drawing plates, mas pinipili late na magsubmit kahit na may minus.

"Ah kaya pala, mauna muna ako sa Bea ah. Akyat ako sa taas. Bye." Paalam nya sa akin.

Gosh.  Ang sarap tumambling sa tuwa. Hindi ko inakalang magbubunga ang simpleng pagdaan ko sa room nila ng ilang buwan. Oo, halos ilang buwan ko na rin ginagawa ang pagdaan sa classroom nila. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi para lang akong high school student, gawain kasi yan ng mga kaklase ko nung high school. Ni sa hinagap hindi ko inakala na gagawin ko rin pala yun. Gagawin ko yun para makita ang crush ko na si Christian Lloyd Rosales. Grabeh. Fantastic! Hindi ko talaga inakala na hahantong sa ganito ang paghanga ko, na ang mga bagay na hindi ko dati ginagawa ngayon nagagawa ko na para lang sa taong hinahangaan ko. My Gosh! Ang lakas na nga yata ng tama ko kay Lloyd.

Buo na ang araw ko, siyempre hindi ko lang nakita si Lloyd nakausap ko pa siya. Ang saya.

Pero hindi ko inakala na ang buong araw ko ay may mas ibubuo  pa. Sabihin na lang natin kung gagawing sweldo ang kilig ko para kay Lloyd ay nakapagcash advance ako. Akalain niyo ba naman pagkatapos ng pag-uusap namin  sa labas ng room nila ay nasundan pa yun.

Bumalik na agad ako sa drawing room pagkatapos ko dumaan sa room nila. Inspired talaga ako ngayon, katunayan ito ako, nilalabas ang drawing materials ko at ganado na simulan ang drawing ko.

Nagsisimula na ako magguhit ng mga linya ng naramdaman kong may tumabi sa gilid ko na tila nagmamasid. Tumingin ako sa kanya at sumalubong sa akin ang napakagandang ngiti ni Lloyd.

"Hi uli!" Bati nya sa akin.

Ngumiti muna ako bago nagsalita. "Tapos na klase niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, naputol yung klase kasi may meeting pala sila Sir." Sagot niya.

"Buti pa kayo, sana kami rin mamaya. Haha." Sagot ko sa kanya. Oh my! Masyado naman akong nagpahalata na ang tamad ko mag-aral.

"Anong plate number na yang ginagawa mo?" Tanong nya uli. Omh! I can't believe it, we are having a conversation again.

"Plate 14 na, ikaw? Tapos ka na sa 13?" Sabi ko uli. Pareho lang naman kasi kami ng mga plate na ginagawa.

"Bago ko pa lang nga tatapusin yung plate 13 ko. Haha." Napakamot pa sya sa ulo nung sinabi yun. Mas tamad pa pala sa akin si Lloyd magdrawing.

"Kaya mo yan, ikaw pa." Pagchicheer ko sa kanya.

Narinig ko na lang ang pagtawa nya at di na sya uli nagtanong kaya naman ay kunwari aligaga ako sa pagmamaniobra ng drawing ko.

Ramdam ko na nakatingin lang sa akin si Lloyd habang gumuguhit ako ng mga linya. Anak naman ng! Ang hirap magconcentrate oh. Sana naman kasi nagsasabi si Lloyd kung gusto niya lang ako tignan, para titignan ko rin sya. Magtitigan na lang kami. Lugi naman kasi ako kung titigan nya ako tapos ako sa drawing plate ko nakatingin. Hindi kaya ako makaconcentrate.

"Ay syet!" Bigla ko na lang nabulalas ng biglang dumulas yung compass ko at lumaki yung bilog.

Argh. Leche! Napamura na naman ako at narinig pa nya. Baka isipin na lang ni Lloyd, natural lang sa akin magmura, yung tipong kasing natural ng paghinga. Linta talaga!

Inabot ko yung pambura pero nalaglag ito sa ilalim ng drawing table. Yumuko ako para kunin yun at sakto naman na yumuko din pala si Lloyd. Mga isang dangkal lang yata ang pagitan namin. My gosh! Nagpapanic na ang buong sistema ko.

Halos sabay ang mga kamay namin sa pagdampot ng pambura ko na nalaglag sa sahig. At  di inaasahang nagkadikit ang mga kamay namin, pakiramdam ko na-ground ako kaya tuluyan na talagang nagulantang ang pagkatao ko dun. Agad akong tumayo at nabitawan ang pambura na hawak ko na, nakalimutan ko nga palang nasa ilalim ako ng drawing table kaya nauntog ako.

Ang timang mo lang talaga Bea. Ginagawa mo pa talaga ang kalokohan mo sa harap ni Lloyd. Nakakahiya Bea!

"Aray!" Sabi ko nung nauntog ako habang pinipilit abutin yung pambura.

"Ako na." Sabi ni Lloyd at umalis na ako sa ilalim ng lamesa at naupo na.

"Salamat." Sabi ko nung inabot niya ying pabura habang hawak ko pa rin yung ulo kong nauntog. Ang sakit eh.

Biglang hinawakan ni Lloyd yung parte ng ulo ko na nauntog.

"Masakit ba?" Natigilan lang ako sa tanong nya. Para kasing tumalon yung kaluluwa ko nung hinawakan niya ang ulo ko. Pakiramdam ko may current na dumaloy eh.

"Uhm.. O-oo medyo masakit. Napuruhan yata yung bunbunan ko." Wala sa loob na sagot ko.

Bigla kong narinig ang pagtawa nya. Bakit sya tumatawa? Hindi naman ako nagpapatawa. Ganunpaman, ang sarap pakinggan ng tawa niya parang tinig ng anghel.

Lumapit sya sa akin at patuloy na pinapat yung ulo ko na nauntog pakiramdam ko para akong bata na inaamo. Nakakataba ng puso.

Bigla nyang inihipan yung parteng nauntog. Nagulat ako sa ginawa nya.

“Masakit pa ba?” tanong nya uli. Para naman akong batang tumango.

“I-kiss mo na lang para di na masakit.” Bigla ko na lang nasabi.

Ano? Anong sinabi ko? Bakit hindi man lang nagkunsolta ang bibig ko sa akin bago bitawan ang salita na yun?

“Joke lang. Ok na ako.” Sabi ko sabay nagpeace sign pa ako nung masaulian ako. Pahamak talaga tong bibig ko. Bakit ba nawiwindang ako ngayon sa presensya ni Lloyd?

Tumawa uli siya. “Nakakaaliw ka talag kausap Bea.” Sabi nya.

Nakakaaliw? Eh halos nga wala akong sinasabi sabay sasabihin nyang nakakaliw ako? Adik ba tong si Lloyd? Haha.

“Halika nga rito.” Ano daw sabi ni Lloyd? Halikan na?

Lumapit sya sa akin ay hindi, mas lalo syang lumapit sa akin at ininangat yung kamay niya. Akala ko sasapakin nya ako kaya medyo iniwas ko pa yung ulo ko. Naramdaman ko na lang na marahan niyang hinahaplos ang ulo ko at parang minamasahe niya. Hindi na ako pumalag kasi, sino pa ba ako para maging choosy diba? Ang impokreta ko naman kung sasabihin kung hindi ako kinikilig sa ginagawa nya. Hahaha.

Pero teka, anong ibig sabihin nito? Dumadamoves ba sa akin si Lloyd?

Pakisabi Na Lang...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon