CHAPTER 25 ~ Revealed ~

144K 3.1K 386
                                    

CHAPTER 25

FREEZALE'S POV

Palakad-lakad ako sa living room ng vacation house. Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang pagdating ni Blaze at Stone. I just can't believe that it would be this easy. May mga senaryo na hindi tumutugma sa pagturo kay Lisette bilang threater ni King...pero may pagkakataon din na nagpapakita na siya nga.

Katulad ng araw na iyon. Ayoko man na balikan ang araw na iyon pero kailangan. That day when someone put a bomb on King's car. Sa conversation na narinig ko sa kanila ay parang pinipilit ni Lisette si King na pumasok sa kotse kung saan kapag binuksan niya ang pintuan ay automatic na sasabog ang sasakyan.

But at the same time...it doesn't make sense too. Paano kung hindi naman pinakuha ni King ang bag? Gagawa ba ng ibang dahilan si Lisette? I doubt it. I have a good hearing. Hindi ko nakakalimutan ang mga detalye ng araw na iyon. Bago utusan ni King si Lisette ay palabas na silang pareho ng pintuan.

Kung pareho na silang nakalabas at binuksan ni King ang pintuan ng kotse. Kahit na tumakbo pa si Lisette ay mahahagip siya ng bomba.

"Earth to Freezale!"

Napatingin ako kay Triton na siyang biglang humarang sa tapat ko. Para siyang kasali sa Teletubbies sa kakasayaw niya sa harapan ko para tawagin ang atensyon ko. "What?"

"Maari ba akong humiling?"

"Hindi pa pasko at hindi ako si Santa Claus."

Napakamot siya sa batok niya. "Mamaya mo na ako tarayan. Nagpapakabayani lang ako dahil nahihilo na ang mga kasama natin sa kakabalik-balik mo."

Nilingon ko sila Dawn. Nakapikit si Dawn at nakasandal sa headrest ng sofa habang ang iba naman ay hinihilot ang sentido nila. Maliban kay King na nag aalalang nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at umupo ako sa isang single sofa. "Dawn, paano nila nasabi na suspect si Lisette?"

"Narinig nilang may kausap si Lisette sa phone. Her exact words was 'I'll get anything I want from King then I'll finish him off'."

"Isn't that suspicious?" I asked her.

"Bakit?"

"Why would she need to tell someone about her plans? Bakit kailangan niya pang patayin si King kung kapag nabubuhay si King ay mas makukuha niya ang gusto niya? Why does she need to kill him in the first place? Sa relasyon nilang dalawa, hindi si King ang nagkamali. She's Clandestine remember?"

Umiling si Dawn. "Her words shows that he wanted to kill King."

"Or maybe she's telling that to someone who really wants to kill him. To provoke that someone on doing something she wants. Hindi natin narinig mismo ang pagkakasabi ni Lisette. Maaring tono iyon ng nagkukuwento ng balak niya o tono na para bang tinatakot niya ang nasa kabilang linya na gagawa siya ng hakbang para saktan si King."

"Why would that person be frightened?"

"Because she wants to kill King herself."

Sabay na napapitlag kami ni Dawn ng may magbaba ng can beer sa harapan namin. Tinignan ko si Archer na siyang may dala ng beer at ngayon ay pabagsak na umupo na ulit sa sofa. "Kumalma muna kayo. Kung mag-usap kayo parang pinag-uusapan niyo lang kung anong kulay ng sapatos ang babagay sa damit niyo."

"That's trivial." I said.

"That's stupid."

Halos sabay kaming nagsalita ni Dawn. Napapailing na itinuro kami ni Archer. "Kasama ba talaga sa triplets si Freezale o kayo ang magkakambal? Para kasing pareho ang ugali ninyo. Kung hindi ko lang talaga nakita ang ginawa niyong pakikipagpatayan sa mga humahabol sa atin, iisipin ko pang ginugood time niyo lang ako sa mga sinabi niyo sa akin tungkol sa BHO CAMP."

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon