Chapter 26 P-L-A-N

1.4K 42 0
                                    

Chapter 26 P-L-A-N

 

***CLOUD POV***

PUMASOK kami kaagad ni Ate KZ sa loob ng bahay ng kambal ko. Hindi na kami nag-abalang kumatok. May dala kasing spare key ang babaeng kasama ko.

"Member ka ng akyat bahay gang Ate KZ?"

She shrugged her shoulders and went inside. "Lahat kami ay meron nito." ^__^

Sinundan ko ng tingin ang likod niya. Hindi ko maiwasan ang kunutan siya ng noo.

Ganoon sila ka-close para bigyan ang bawat isa ng spare key? Duda ako sa kanya! Pati ang susi ni alien girl, meron siya... kaya naman napasok ko ang bahay niya at... at....

Whoa! Umunit yata, lalong-lalo na ang mukha ko. Natitiyak kong namumula ito. Ipinilig ko ang ulo. Tama na ang kamanyakan sa isip! Sumunod na lang ako. Nang nasa kusina na kami. Nakita ko ang tunay kong ama. Abala siya sa pagbi-bake ng... cookies?

Paano siya napunta dito? Nagkabati na sila ni Danny? Ang bilis yata!

"Magandang gabi Tito." Nakangiting bati ni Ate KZ kay papa.

Napalingon naman siyasa amin. Gumanti siya ng ngiti kay Ate KZ.Sa akin naman ay kimi ang pagkakangiti niya. Mukhang nahihiya siya sa akin.

May hiya pa pala si Papa sa katawan?Siguro naman ay oo. Magkaugali talaga sila ni Dannica. Mukha lang maangas at masungit pero... YOU KNOW! ^__^

"Bakit ka nandito?"Kunwa'y inis kong tanong.Natigil sa ako sa pagtingin ng masama nang may maramdaman akong mabigat na bagay ang tumama sa ulo ko. Binatukan ako ng katabi kong babae. "Ate KZ naman!Kanina ka pa.">__<

"You shouldn't act like that in front of your Dad!" +__+

"Tss!" Hindi na ako sumagot pa. Kapag ganyan na makatingin ang kababata kong ito. Batid ko na mangangagat na siya.

"Buti ka pa nga... kasi may papa ka pa. Samantalang ako..."Lumungkot ang anyo niya.

Aish! Ganyan siya kapag usapang pampamilya na. Because she lost her parents on her eighteenth birthday at ang tanging umamo lang sa kanya noon ay ang fiancé niya ngayon.

Ginulo ko ang buhok niya. "Ang pangit mo kapag ganyan ka."

Umingos siya.

"If you are looking to your sister..." It's papa.

I and KZ looks at him.

"She's on her room... kasama niya ang... mama mo."

Si mama?

Tumango si papa. Nabasa niya ang nilalaman ng utak ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Tinakbo ko na ang silid ng kambal ko.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Where stories live. Discover now