Chapter 6 D-A-T-E

1.9K 50 1
                                    

Chapter 6 D-A-T-E

***JHUVEL POV***

HUMINGA ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na nangyari sa katawan ni Krezyl Zane. Maraming tubo ang nakakapit sa kanya. May sa kamay, bibig at sa kung saan pa.

Until now she's still in comma.

Kagabi, naaksidente siya. Ang sabi ng iba ko pang kaibigan ay binangga niya raw ang humaharurot na sasakyan. Binangga niya daw.

Nainis ako sa ganoong kaisipan. Hindi porket inaway siya namin ay magpapakamatay na lang siya. Kahibangan na takasan ang problema tungo sa pagpapakamatay.

Naiinis ako sa ginawa niya. Sobra akong naiinis. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanya kasi, nakakaramdam ako ng sakit. Kahit pa sabihing galit ako ay hahayaan ko na lang siya na maging ganito. Hindi naman magtatagal ang galit ko.

Nagtampo lang naman ako.

Lumabas na lang ako. Baka sa sobrang inis ko ay mabatukan ko pa siya. Nakakapikon itong ginawa niyang pagpapatiwakal.

Nang nasa labas na ako ay narinig kong tumunog ang phone ko.

Araw-araw ay naghihintay sayo....

Kinapa ko ang bulsa ko.

Dala-dalang pangarap kong hindi nabuo....

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

Bawat alaala mo ay nagbabalik...

Si Atasha lang pala.

Hindi parin malimot ang mga sandali...

Sinagot ko na lang. Alam ko na ang dahilan kung bakit siya napatawag. May blind date na naman ako.

"Moshi-moshi!" sagot ko. Hello ang ibig sabihin niyan.

(Nandito na sa akin ang schedule mo mistress.)

Hindi man lang niya ako binate. Schedule agad ang sinalubong sa akin? Ang excited naman niya!

"Gabi na naman ba?"

(Opo.)

"Gusto kong magpahinga mamayang gabi... Pakisabi na lang sa kanya na ngayon na lang kami mamamasyal."

(Kakausapin ko siya kung iyan ang gusto mo.)

"Nope... Pass me his number. Ako na lang ang tatawag sa kanya para naman matapos agad ang walang kwenta naming date."

(Masusunod po!)

Pinutol ko na lang ang tawag. Hindi naman nagtagal ay nasa akin na ang number ng makakablind date ko. Tinawagan ko na siya.

"Moshi-moshi!" ^__^

(Who is this?)

"You're worst nightmare." ^__^

(What?.... look, if you have nothing to do with your life... Then spare me!) ayan, mababakas ang galit sa tono niya.

Hehe! Hindi na mabiro!

"I'm Jhuveleen Illustre. I will be your date this day..."

(W-wait... Y-you are...)

"Hai..."

(B-bakit ka naman napatawag?)

Bakit ganyan ang lalaking ito? Lagi na lang nauutal?

"Bawal ba?"

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Where stories live. Discover now