Chapter 10 MARRIAGE

1.8K 54 1
                                    

Chapter 10  MARRIAGE

***JHUVEL POV***

HINDI ko mapigilan ang mapahikab. Napagod ang utak at katawan ko sa date namin kahapon ni Ulap. Double date ba ang tawag doon?

Kapag double date, parang magpartner naman yata ang ganoon. =__=

Hindi ko alam. Iyon kasi ang unang beses na dalawa ang na-date ko sa loob ng isang araw. Hayaan niyo na lang, hindi naman mahalaga. Pampalubag loob lang ang ginawa kong pagyaya kay Ulap.

Pupungay-pungay na kinusot ko ang aking beautiful eyes. Antok pa talaga ako. Kahit pa sabihing na bagong ligo ako. Hindi tumalab ang lamig ng tubig sa kaantukan ko.

Binuksan ko ang pinto ng silid ko at bumaba na ng hagdan. Hinayaan ko lang ang katawan ko, lalo na ang mga paa ko kung saan man ako nito dadalhin. Namalayan ko na lang na nasa kitchen na ako. Humilata ako sa mesa. Hindi ang buong katawan. Kalahati lang.

"Do you want to drink coffee, honey?"

Tinatamad na inangat ko ang aking paningin. Sinalubong niyon ang nakangiting mukha ng aking ama.

"Otoosan..." Umayos ako ng pagkakaupo. May napansin akong kape na nakalapag sa mesa. Ang isa ay hawak ni papa at ang isa ay nasa harap ko na. Inilapag niya siguro nang hindi ko namamalayan.

"Arigatoo, Otoosan." Pasasalamat ko kay papa. May ngiti sa mga labi na inabot ko ang itinimpla niyang coffee para sa akin.

Alam ko na siya ang may gawa nito. Ugali na niyang ipagtimpla ako kapag akoy bagong gising.

Bait ng Dad ko no!

Hehe, at saka, imposible naman na iba ang nagtimpla. Dalawa lang kaya kami ang nandito sa kusina. Alangan namang multo ang may gawa nito. Sumpa man, tatakbo ako palabas ng bahay.

Takot ako sa multo!  >__<

"How’s your night, honey?" ^__^

"Okay naman po. Ang saya." Wika ko sa pagitan ng pag-inom.

"I am glad to hear that from you."

Inilapag ko na ang mug.  "Bakit mo nga pala natanong Pa?... First time kang nagtanong sa akin ng ganyan."

Ang weird, kapag may date ako, hindi naman niya ako tinatanong kung masaya ba o hindi. Basta ang mahalaga ay may ka-date ako. Dati, hindi siya nag-aabalang kamustahin ako. Ito ang unang pagkakataon na nagtanong siya.

Weird talaga!

Sa halip na sagutin ako ay ngumiti lang siya at ininum na ang kanyang coffee.

"Otoosan...."

"Hmmm?" ^__^

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Where stories live. Discover now