Chapter 2 Me and My Evil Plan

3K 61 0
                                    

Chapter 2 Me and My Evil Plan

***JHUVEL POV***

"WHAT a nice shot, Jhuveleen." Hindi magkandahumayaw na puri sa akin ni Mrs. Guanzon, habang namimili ng mga pictures na isasama niya sa magazine.

Siya ang Boss sa sa distritong ito ngunit ang pinaka-main? Hulaan niyo kung sino...

^___^

Tantadadan.... Ako lang naman. Kaso hindi ko pinaalam sa kanila. Sa ngayon si Papa ang humahawak ng kompanyang ito dahil ayokong akuin ang ganitong kalaking responsibilidad.

Nag-iisang anak lang ako. Mom died after giving birth to me. Aish... Hindi ko man lang siya nakasama. Kaya naman kawawa ang buhay ko kay papa kasi panay ang pag-ba-blind date niya sa akin, sa kung sinong lalaki.

He wants me to get married. Tinataboy na niya ako. Samantalang iyong ibang ama ay ayaw payagan na magnubyo ang mga anak nilang babae. Nakakainggit!

=__=

Bakit ako? Pinamimigay na? Ahuhu! Saklap!

"Perfect."

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig kong magsalita ulit si Maam Guanzon. Hinahangaan niya talaga ang mga gawa ko.

^__^

"Syempre... Ako pa!" buong yabang kong wika. Talaga namang magaling ako. "Huwag mo na akong purihin kasi alam ko naman na mahusay akong talaga." ^__^

"Hayan ka naman.... Ang kayabangan... Bawasan..." saway niya sa akin. Hindi maalis ang tingin niya sa ipinasa kong larawan.

Hindi ko ibinigay sa kanya ang pictures namin ni Ulap. Baka kasi ano pa ang maisip niya. Ma-chismis pa ako at maikasal nang hindi oras.

Oras na malaman ito ni Papa. Lagot ako. Hindi iyon magagalit. Baka mag-pa-party pa nga siya.

"So, tama naman sigurong katwiran iyan para ako ang piliin mo upang kunan ang sikat at sobrang ilap na fashion designer na si KZ Vedra."

May gaganaping contract signing sa pagitan ng sikat na si Kelvin Clent Ortiga at KZ Vedra. That Kelvin Clent is the brother of one of the famous model here on planet earth. Lalong-lalo na sa Pilipinas kaso, ang bobo lang. Hindi marunong umintindi ng lengguwahe ko. At iyan ay si Ulap.

Pero alam niyo? Pansin ko lang. Nawala ang pagkakangiti ni Ma'am Guanzon matapos akong magsalita.

"I'm so sorry Jhuveleen.... May tumawag sa akin kanina. Ayaw daw ni KZ Vedra na ikaw ang kumuha ng mga larawan niya..."

Iyong mukha ko? Puro question marks. Naguguluhan ako. Bakit???

?__?

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Where stories live. Discover now