Chapter 17 Kissing Scene

1.6K 53 0
                                    

Chapter 17 Kissing Scene

 

***JHUVEL POV***

GUSTO ko sanang batukan si Ulap. Ang akala ko talaga ay maghuhubad siya kaso hindi naman pala.

Aish! Tapos ang madadatnan ko lang ay ang mukha niya na mukhang maayos naman!

Hinihila niya ako palabas nitong office. Nagpatiuna na lang ako. Hahayaan ko muna siya. Kasi... Aish! Basta!

Pagkalabas namin ay tinulak niya ako papasok sa sasakyan niya. Sumunod din siya sa pagpasok.

"Saan na tayo ngayon?"

"Gusto kong matulog." >__<

"Matutulog ka lang naman pala, e di sana hindi mo na lang ako tinawag. Umuwi ka na lang sana sa bahay mo!" =__=

"Ayaw!" He pouts.

"Bakit naman?" I look at him. Ngunit iniwas niya ang kanyang mukha sa akin.

"Gusto ko na makita ka..."

Mahina lang ang pagkakasabi niya ngunit dinig na dinig ko naman.

DUG DUG

"Sira!" Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa labas nitong kotse. Hindi ko siya magawang titigan. Kasi.... nasasaktan ako. Hindi naman siya magiging akin. Nakalaan na ako sa iba.

KATAHIMIKAN.

"Ulap..."

"Hmmm?"

"Kumain kaya muna tayo..."

"Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan. Bahala ka na kung saan." Sagot ko sa kanya na hindi man lang siya nililingon.

"Alien girl... may problema ba?"

"Wala naman..."

"Parang ano kasi... ang lungkot ng boses mo."

Napangiti ako ng marahan at sinulyapan siya.

"Pagod lang ako plus gutom pa." pinilit ko na pasiglahin ang boses ko. "Huwag mo akong kalimutan na ilibre Ulap."

"Oo naman... Malakas ka kaya sa akin." ^__^

Ngumiti na lang ako sa kanya. Hinayaan ko na lang siya kung saan man niya ako dadalhin. Ilang sandali lang ay huminto kami sa isang pamilyar na restaurant.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Where stories live. Discover now