Chapter 1 Selfie With Ulap

5.4K 77 2
                                    

Chapter 1 Selfie With Ulap

***JHUVEL POV***

"ALAM ninyo. Hindi maganda na sa harap mismo ng pinto kayo naglalampungan. Magsialis nga kayo sa daan." Taboy ng gwapong lalaki sa kaibigan kong nabukulan kanina.

Dumaan siya sa mismong harap ko. Ikinurap ko ang mga mata ng ilang beses. Totoo ba itong nakikita ko? O talagang namamalikmata lang ako?

Medyo tinapi ko ang pisngi ko. Hindi ko na nilakasan baka kasi maiyak ako sa sakit.

Sinundan ko siya ng tingin. Habang naglalakad siya papunta sa kanyang uupuan, nagsigawan ang mga babae at dinumog na siya ng mga ito.

Posible kaya na siya ang sikat na modelong si John Cloud Ortiga? Papunta naman sa kinaroroonan niya ang isa pang lalaki ngunit mas seryoso ito. Unlike John Cloud na laging nakangiti.

"Wait." Wika ko sabay tingin sa kaibigan kong si Krezyl Zane. She's hugging a handsome man. Ang sweet nila. Duda lang ako sa kanilang relasyon. Hindi marunong magseryoso ang kaibigan kong ito. "Is that John Cloud Ortiga? The super famous model here on earth? "

"Y-yes." >__<

"Nani?   Oh common ...."

Parang hindi siya sure. He-he, hahayaan ko na lang. Tamad akong makiusyuso sa karelasyon niya kuno ngayon. Mas interesado ako kay John Cloud.

Hmmm.... Masyadong mahaba ang pangalan niya. Gawin ko na lang Ulap. Baka hingalin ako sa kakabanggit ng pangalan niya.

"Makakuha nga ng litrato. " Nilayasan ko ang kaibigan ko at tinakbo na ang kinaroroonan ni Ulap.

Bweno, para hindi kayo malito.  Nasa loob kami ngayon ng VIZE restaurant, bagong tayong restaurant. Niyaya kami ng kaibigan kong si Krezyl Zane na makikain dito.

Ginamit ko ang salitang KAMI, dahil siyam kaming lahat na magkakaibigan. Puro mga babae, ayaw namin na makipagkaibigan sa mga lalaki.

Mahirap na, baka ma-in love pa sa beauty namin. Kadalasan kasi, nasisira ang friendship ng isang babae at ng isang lalaki kapag nahulog na sila sa isa’t isa. Pasalamat na lang kung kapwa nila mahal ang isa’t isa. Paano na lang kung hindi? E di sakit sa puso.

Kaya ayokong magkaroon ng kaibigang lalaki. Ayokong ma-in love.

By the way, I am Jhuveleen Illustre. Jhuvel for short. Twenty two years of age, single not double. I am a photographer. That's the reason why I am so interested to know if the guy is really John Cloud Ortiga.

At ngayong alam ko na. Kukunan ko siya ng pictures. Ibibinta ko ang mga larawan niya. He-he! Ang saya nito!

Nandito na ako ngayon sa kinaroroonan niya. Kaso.... Paano ako makakapasok? Paano ko madidiskartihan ito kung maraming mahaharot na babae ang nakikidumog sa kanya.

BLS#4: Photographs(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon