Chapter 35 part 1

128K 1.7K 175
                                    

Chapter 35 part 1

Hindi mapakali si Dennis habang hinihintay ang dating nobya. Tumawag ito kaninang umaga na umiiyak kailangan daw nito ng tulong niya. Dali dali siyang nagdesisyon na makipagkita dito kaya ngayon ay balisa siya habang naghihitay sa isang restaurant.

Panay ang tingin niya sa kanyang relo, ayaw naman niyang isipin ni Emer na balewala sa kanya ang araw na ito.  Dinampot ni Dennis  ang cellphone na nakapatong sa mesa para tawagan niya si Emer ngunit hindi pa niya naidada-dial ang number nito ay may umupo ng babae sa harap niya.

"Hi, sorry I'm late na traffic ako." nakangiting sabi ni Joan.

Pinagmasdan ni Dennis ang dating nobya, hindi pa rin nagbabago ito. Napakaganda pa rin niya at apektado pa rin siya sa presensiya nito.

"That's alright, kadarating ko rin lang. How are you?" nakangiting tanong ni Dennis dito.

"Not good, nag divorced kami ng husband ko or I'd rather say ex-husband." malungkot na sabi ni Joan.

May awang nadama si Dennis para kay Joan. "What happened? Akala ko he's better than me?" may halong panunumbat ang salita ni Dennis.

Napayuko si Joan ng marinig ang sinabi ni Dennis. "Tama nga ang sabi nila, laging nasa huli ang pagsisisi. It was my fault kaya tayo nagkahiwalay. I am sorry Dennis and if you'll give me another chance we can start again."  nakagat ni Joan ang pang-ibabang labi pagkatapos magsalita. 

Matagal na pinagmasdan ni Dennis ang kaharap, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling yun. 

"Hindi lang naman ikaw ang may kasalanan, sana ipinaglaban kita noon baka ngayon may masaya na tayong pamilya."  malungkot din na sabi ni Dennis sabay gagap nito sa kamay ni Joan na nakpatong sa ibabaw ng mesa.

"We can start again and this time I can assure you that I'll be a good partner for you." pangungumbinsi ni Joan sa binata.  "I've learned my lessons." dugtong pa nito.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.

Napailing si Dennis bago nagsalita. "It's too late, I'm getting married." malumanay na sabi ni Dennis.

Napasinghap si Joan sa narinig mula sa dating nobyo. "D-do you l-love her?" halos hindi niya maisatinig ito.

"Siya ang gusto nila Papa para sa akin." seryosong sabi ni Dennis sabay tingin sa kanyang relo. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon