Chapter 49 part 2

100K 1.6K 80
                                    

Chapter 49 part 2

Masyado ng nag-aalala si Dennis dahil sa laki ng problema ng hacienda ay nawalan siya ng oras para matawagan si Emer. Mabuti na lamang ay naging maganda ang resulta ng pakikipag-usap nila sa mga magsasaka. 

"Papa, kailangan ko ng bumalik sa Manila." pagbubukas ng paksa ni Dennis habang naghahapunan sila. 

"Hijo, bakit hindi ka muna magpahinga dito?  I know we had a stressful weeks lalo ka na. Stay here for a while para makapag relax ka naman." paglalambing ni Divina sa anak.

" I have to see my wife. May mga dapat kaming ayusin ni Emer." protesta ni Dennis.

"Yes, you're right. You have to fix your annulment, pagbalik ko sa Manila ayoko ng makita ang babaeng yun." mataas na ang boses ni Divina.

Nagtataka si Dennis sa mga ikinikilos ng ina, hindi siya makapaniwala na maririnig niya rito ang mga salitang yun. Samantalang noon ay halos tanggalan siya ng karapatan sa kayamanan ng mga ito kung hindi niya pakakasalan si Emer. 

"Divina, nagsisimula ka na naman. Hindi na ninyo ginalang ang hapag kainan, pwede naman pag-usapan ito sa ibang pagkakataon." galit na itinulak ni Francis ang kanyang plato sabay tayo. 

Si Gener naman ay nagmamasid lamang sa mga nangyayari, dahil siya man ay naguguluhan sa inaasal ng ina. 

Nagmamadali ring tumayo si Divina para sundan ang asawa. Alam niyang nasagad na niya ang pasensiya ni Francis, sa tagal ng pagsasama nila bilang mag-asawa ay ngayon lamang niya nakitaan ng matinding galit. 

"What's going on?" tanong ni Gener kay Dennis.

"I don't know, ng dumating sila dito sa hacienda pinagpipilitan na ni Mama na mag file ako ng annulment." napabuntong hininga si Dennis dahil hindi pa niya naayos ang problema sa asawa ay sumasabay naman ang kanyang ina.

Binitawan ni Gener ang hawak na kubyertos at seryosong hinarap ang kapatid. "Matagal ko ng gustong itanong ito but I didn't have a chance beacuse of our problem..."

"What is it?" mabilis na tanong ni Dennis.

"Ano ang status ng marriage ninyo ni Emer? Since the beginning I know something wrong with your relationship but I don't want to interfere with your personal life." masyadong seryoso si Gener ng mga sandaling yun.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon