Chapter 21 part 1

153K 1.6K 25
                                    

Chapter 21 part 1

Sinigurado ni Emer na wala syang appointment sa buong weekend ngayon nya dadalawin ang mga magulang ni Dennis. Masyado syang naging abala nitong mga nakaraang araw sa kanyang boutique at sa pag-iisip kung ano ang magiging desisyon nya sa hinihiling ni Mrs. Almonte sa kanya bago ito pumunta ng America.

Maaga syang pupunta sa mansion ng mga Almonte dahil yun ang usapan nila ni Dennis. She will spend the whole Saturday with the Almonte's.

Pagbaba nya sa living room ay nagulat sya sa inabutan. Abalang abala si Manang Salud at may mga kasama itong nag-aayos sa kanyang bahay. 

"Manang, anong ibig sabihin nito?" nakakunot ang noo ni Emer.

"Maam, good morning po." halos sabay sabay na sabi ng tatlong kasama ni Manang Salud na nag-aayos ng kanyang sala.

Nginitian ni Emer ang mga ito. Hinihintay nya ang paliwanag ni Manang Salud.

"Maam, hwag mong sabihin na aalis ka?" sa halip na sagutin sya nito ay tinanong din sya ng matanda.

"May pupuntahan po ako, and I might stay there hanggang mamayang hapon." habang nagsasalita ay tinitingnan nya ang ginagawa ng tatlong katulong na hindi nya alam kung saan mga nanggaling. 

Kasalukuyang nagpapalit ang mga ito ng kurtina. 

"Paano ang mga bisita mo? kaya nga nandito sila para tulungan akong maghanda." nanlalaki ang mga mata ni Manang Salud.

"Bisita? Sinong mga bisita? wala akong natatandaan na may mga darating akong bisita ngayon." 

"Maam pinapasabi po pala ni Donya Divina na hwag daw po kayong tutulong sa amin sa paghahanda." sabi ng pinakabatang katulong.

"huh?" nagulat sya sa sinabi nito.

"Hindi mo ba alam talaga ma'am na darating dito ang mga magulang ng boyfriend mo?" pati si Manang Salud ay naguguluhan na rin.

"Darating sila ngayon?" medyo napalakas ang boses nya. 

"Opo ma'am, sabi po kasi ni sir Dennis sobrang busy daw po kayo kaya sila na lang ang pupunta dito." mabilis na sagot ng isa pang katulong ng mga Almonte.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon