Chapter 33 part 2

133K 1.6K 74
                                    

Chapter 33 part 2

Inubos na lang ni Emer ang oras sa pagtatrabaho, ayaw muna niyang isipin ang mga problemang kinahaharap. Tahimik siyang gumagawa ng mga bagong designs ng istorbohin sya ng kanyang secretary. 

"Ma'am, you have a visitor. Papasukin ko po ba?" pagbibigay impormasyon ng empleyado niya.

Napakunot ang noo ni Emer dahil wala naman siyang inaasahang bisita, kung si Toffer or si Jess ang bisita ay kilala naman sila ng sekretarya.

"Okay, papasukin mo." walang ganang tugon niya dito.

"Hi Emer." nakangiting bungad ng bisita.

"Marco! what a surprise? I haven't heard anything from you for a few months."  totoong nasorpresa si Emer sa pagbisita ng binata.

Tumayo si Emer para salubungin si Marco. Nagkamay ang dalawa at pinaupo niya ito sa silya sa harap nng kanyang mesa.

"I was too busy helping my father surviving our company." umiiling si Marco habang nagsasalita. Dahil hindi biro ang pinagdaanan nilang pagsubok.

"But I heard  your business is getting better." masayang tugon ni Emer.

How's life? and how's Dennis?" curious na tanong ni Marco.Mataman niyang tinitigan si Emer. 

"We're getting married next month." pilit na pinapasaya ni Emer ang tinig.

Nagulat si Marco sa narinig. "Are you sure?" hindi pa rin makapaniwala ito.

"Yes" sabay tango ni Emer.

Ginagap ni Marco ang kamay ni Emer na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. "Nahuli na pala ako." malungkot ang tinig ni Marco.

"But we're still friends." pang-aalo ni Emer sa binata. 

Hindi pa ri binibitawan ni Marco ang pagkakahawak sa kamay ni Emer. "Do you love him?" alanganing tanong nito kay Emer.

"What kind of question is that? of course I love him. Hindi naman ako papayag sa kasal na ayoko." seryosong sagot nito habang hinihila ang kamay na hawak ng binata.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon