Chapter 26 part 1

141K 1.6K 61
                                    

Chapter 26 part 1

Ang plano ni Emer na pkikipag-usap kay Divina ay hindi niya nagawa. Kahit ayaw sana niyang magpunta sa opisina ay wala syang magawa tinambakan sya ng kliyente ni Toffer ng araw na yun.

Busy na nagrereview ng mga designs si Emer ng bulabugin sya ni Toffer. 

"Emerald!" Humahangos itong pumasok sa opisina niya.

"Kung makatili ka dyan para namang hinahabol ka ng limang elepante." nakasimangot na sabi ni Emer. 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? sana sinabihan ko ang secretary mo na ipareschedule ang mga appointments mo today." may pagmamalasakit na sabi ni Toffer. Nilapitan niya si Emer at hinawakan ito sa baba para makita ng husto ang mukha ng dalaga.

"Ano ba?" pilit na iniiwas ni Emer ang mukha. "Don't tell me na nagkakagusto ka na sa akin." dinaan na lang niya sa biro.

"No way! hindi tayo talo." parang nandidiring binitawan ni Toffer ang baba ng kaibigan. 

"Maiba ako, may chika sa akin si Jesica. At ngayong nakita kita. Oh God! parang gusto kong sugurin ang lalaking yun." pumapalatak na sabi ni Toffer. 

"Sasapakin mo?" umiiling na sabi ni Emer at tinutok muli ang atensiyon sa mga designs na nasa harapan.

"Ay hindi! hahalikan ko. Ikaw na babae ka problemado ka na nga nakukuha mo pang mang-asar. Look at your eyes, namamaga ng husto but I admire you kasi hindi mo hinahayaang maapektuhan ng personal problem mo ang negosyo."  naaawang tinitigan muli ni Toffer ang kaibigan.

"I have to be strong, sinuway ko si Papa kaya dapat may mapatunayan ako sa kanya." malalim ang buntong hiningang pinakawalan ni Emer. 

"What's your plan now?" 

"Kakausapin ko si Mama Divina." 

"Para hindi ituloy ang kasal?" nagmamadaling tanong ni Toffer. 

"No, para ituloy ang kasal. At kapag naikasal na kami ni Dennis I'll make sure na magagantihan ko sya sa mga ginawa niya sa akin."  

"Are you sure? baka naman lalo kang mahulog sa Dennis na yun. Ngayon pa lang sister nakakaawa ka na, ano pa kaya kapag kasal na kayo?" nag-aalalang nilapitan ni Toffer si Emer at hinawakan nito ang kamay ng kaibigan.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon