Chapter 19

161K 1.7K 59
                                    

Chapter 19

Nakahinga na nang maluwag si Emer ng matapos na ang problema nina Althea at Gabriel makakapag focus na rin sya sa sinisimulan nyang boutique. Ilang linggo rin syang naabala para tulungan ang kaibigan ng kanyang ate. 

Habang nakaupo sa living room ay gumagana ang isip ni Emer para sa mga susunod nyang plano. 

"A penny for your thoughts." nakangiting bungad ni Dennis 

Napabuntong hininga si Emer hindi talaga sya titigilan ng lalaking ito, bago umalis ang mga magulang ni Dennis ay kinausap nya ang Mama nito na bigyan sya ng isang buwan para makapg-isip. 

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" ismid ni Emer pagkakita kay Dennis. 

'Bakit wala ba akong karapatang dalawin ang girlfriend ko?"  mas lalo pang niluwagan ni Dennis ang pagkakangiti sa kanya.

Naitirik na lang ni Emer ang mga mata, wala syang ganang makipagtalo ngayon kay Dennis. 

"Anong lunch nyo dito?" tumabi pa ang binata kay Emer.

Ipinatong ni Emer ang hawak na brochure sa may center table bago hinarap si Dennis. 

"Ginawa mo pa ngayong restaurant ang bahay ko at balak mo pang makikain dito." Hindi man maamin ni Emer sa sarili ay na miss nya ang kakulitan ni Dennis. Ilang araw din silang hindi magkita after ng incident sa mansion ng mga Monteverde. 

Sa paningin nya ay lalong naging gwapo si Dennis, kung sana'y totoo ang relasyon nila baka ang saya saya nya ngayong katabi ang binata. 

"Ang sungit talaga ng sweetheart ko." pinisl pa nito ang ilong ni Emer.

"Ano ba?! Hindi ka nakakatuwa." napatayo si Emer sa kinauupuan.

'Let's eat, nagugutom na ako. I had meeting this morning then dito na ako tumuloy." hinila na nya si Emer papunta sa dining room at nakasalubong nila si Manang Salud.

"Tatawagin ko na po sana kayo, nakahanda na ang mesa." maluwag ang pagkakangiti nito sa dalawa. 

"Hmmm... mukhang masarap po ang mga niluto nyo." natatakam na sabi ni Dennis habang tinitingnan ang mga putaheng nakahain. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon