Chapter 2: Pain reliever

7.4K 133 48
                                    

Sarah’s POV

 

 

Day 1

Hindi ko na namalayan kung paano ako nakatulog.

Feeling ko kasi kagabi parang aatakihin ako sa puso habang nandoon ako sa kwarto ko at walng tigil sa pag-iyak.

Gusto kong sumigaw kagaya nung sa dati... Pero this time natatakot akong malaman nila Mommy.

Kung gaano ang takot ko dati na ipaalam sa kanila na boyfriend ko na si Matt, triple naman ang takot ko ngayong malaman nilang wala na kami... Nang lalaking ipinaglaban ko sa kanila.

Hindi ko alam kung paano nila iyon tatanggapin. Dahil kahit ako, hindi ko matanggap...

Alam ko naman yung sakripisyo niyang yun bilang lalake... hindi naman ako tanga.

Kaya nga ginagawa ko lahat para punan yun sa ibang bagay... ibang paraan.

Pero kulang pa rin pala...

Ang sakit-sakit na marinig sa kanya ang mga bagay na yun.

Gwapo ang boyfriend ko... ‘ex’ na nga pala...

Kaya hindi ko maiwasang isipin na maraming babae ang ipipilit pa rin ang sarili dito kahit alam na nang buong Pilipinas na may girlfriend na ito.

Laging nandoon yung insecurity ko na kayang ibigay ng mga babaeng yun, yung bagay na hindi ko pa kayang ibigay sa kanya.

Pero nilalabanan ko yung insecurity na yun dahil nagtitiwala ako sa kanya, nagtitiwala ako sa pagmamahal niya.

At nang marinig ko mismo sa bibig niya na totoo nga yung mga naiisip ko sa mga babaeng umaaligid pa rin sa kanya... Na sana raw ay pumatol siya... Na nagpapaka-baog na siya sa akin...

Sobrang sakit...

Na ipamukha sa’yo ng taong akala mong nakakaintindi... nagmamahal... yung kapintasan mong iyon na akala mo ay tinaggap na niya sa simula pa lang.

Nasaan na yung sinasabi niya na wala siyang paki sa kanila. Dahil hindi ‘ako’, ‘sila’. Dahil ako ang gusto niyang makasama, ako ang mahal niya. Nasaan na?!!

(Halos isang oras na ako dito sa tapat ng shower... Bahala na magkasipon... bahala na ang boses ko... Hindi ko lang talaga kaya yung sakit at pakiramdam ko mababawasan yun kahit papaano ng mga tubig na bumabagsak sa ulo ko... Then nakita ko yung gunting... Kung saktan ko kaya yung sarili ko? Baka sakaling mabawasan yung sakit dito sa dibdib ko... Mababaliw na mga ata ako.)

Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Ate Charie para sa breakfast. Bumaba din ako dahil ayokong magtaka sila Mommy. May dala-dala akong tissue dahil sinipon na nga ako sa lagpas dalawang oras ko doon sa shower.

Lock & Luck (A futuristic reality...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon