Chapter 1: The Ring

8K 146 65
                                    

We just celebrated our 2nd year anniversary last month... Tapos heto kami ngayon... Nagtatalo na naman sa isang bagay na malimit naming pagtalunan.

Sarah: Bakit ba kasi ipinipilit mo na mag-overnight tayo dun nang walang kasama? Alam mo namang hindi sila papayag ‘di ba?! Bakit ba nakipagtalo ka pa?

Matt: Love, lagpas 2 years na tayo... Anong masama dun?

Sarah: Uulitin na naman ba natin ang usapang ‘to? Matt, ini-ingatan lang nila ako...

Matt: Saan? Sa akin?!!

Sarah: Ano ba Matt?! Ayaw lang nilang may mangyari nang---

Matt: Ano kung may mangyari?! Hindi ka pa rin ba sigurado sa akin?

Nabigla ako... Hindi ako nakasagot...

Matt: So, hindi pa nga? Haha (He laughed in sarcasm)

Sarah: Alam mong hindi totoo yan!

Matt: Bullshit... (Sabi nito habang nakatingin sa sahig)

At pumatak na nga ang luhang yun na kanina pa nagbabadya.

Matt: Sarah... I’m just being honest with you, ginagawa ko ‘to para sa relasyon natin. Sa totoo lang, ‘utog na utog’ na ako... Pero tinitiis ko kasi mahal na mahal kita. Kinakaya ko naman ih... pero hanggang kailan ganito? Hanggan kalian ko kayang tiisin yung sarili ko?

Sarah: Love...

Matt: Not just once did I ask you to get married ih... (Namumula na rin ang mata nito)

Sarah: Papakasalan mo ako nang dahil lang diyan?!

Matt: Pucha naman! In question pa rin pala yung pagmamahal ko hanggang ngayon sa’yo?!

Wala pa rin pa lang kwenta lahat!

Sana pala hindi ko na lang iniwasan yung mga babaeng ayaw tumigil sa kakatawag sa’kin. Sana pala sinipot ko yung mga ‘midnight proposal’ nila...

Balewala rin naman eh... halos baog-in ko pa yung saril ko sa’yo-----

 

PAK! Lumipad na lang ang nanginginig kong kamay sa pagmumukha niya.

Sarah: Hindi ko hiniling na gawin mo yun, Matt!

Nasa relasyon ka, kaya obligasyon mong gawin lahat nang yun!

Kung ‘yan yung magpapasaya sa’yo... (Halos kainin ko yung salita ko dahil sa paghikbi ko)

At mukhang nahihirapan ka na lang pala sa relasyong ito... Hindi ko man lang alam...

Hinahawakan ako nito sa braso pero tinabig ko lang ang kamay niya at hindi ako nagpatinag.

Sarah: Dapat sinabi mo kasi sa’kin dati pa... Para hindi na natin pinagtagal ng ganito... (Literal na umaagos na yung luha ko na mukhang walang balak tumigil).

Matt: Hey... It’s not what I meant, okay? Listen---

Sarah: No... You listen... I hope you could still contact those women (While I’m removing our promise ring off of my finger)

Matt: Ghad! Love, c’mon.. (Hinihila nito ang braso ko pero binawi ko rin iyon)

Sarah: Sana maging masaya ka... Don’t even think of me, At least nalaman ko ‘di ba? (Inabot ko pabalik sa kanya yung singsing)

Matt: Sorry...Love, please naman makinig ka---

Sarah: Naintindihan ko na... Gets na gets ko na... (Inaabot ko uli yung singsing pero ayaw niyang kunin).

Matt: I didn’t meant what I've said... I was just gotten by emotion---

Sarah: No, Matt! You really mean it and thank you for the honesty... Please , kunin mo na ‘to (Sabay abot ulit nun).

Matt: Love, don’t do this... (Hindi pa rin nito kinukuha ang singsing)

Sarah: Ayaw mo?  Okay... (Sabay hagis ko nun doon sa pool)

Napatulala siya sa pool kung saan ko ito itinapon.

Maya-maya pa, ang kaninang nag-aalalang mukha nito ay napalitan ng galit.

Matt: Bakit ang tapang-tapang mo sa ganito, ha?!

Parang ang dali-dali lang sa’yong itapon lahat nang meron tayo!

Sana... hindi mo pagsisihan ‘tong desisyon mo... (Kasabay nun ay pagpatak ng luha sa mata niya)

 

At walang lingong-likod itong nag-dire-diretso palabas ng gate. Ilang saglit lang ay narinig ko na rin ang sasakyan nitong paalis na rin.

Wala na siya... Sa buhay ko.

-----------------------------------------------------------------

Author’s Note:

Sino bang tama? Sinong mali?

Or parehong naming tama? O ‘di kaya’y parehong mali?

Comments please! The author needs it...

Lock & Luck (A futuristic reality...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon