❤️ 34 - goodbyes

184 10 1
                                    

MAGS' POV

"Can you please give this letters to them? specially jake, di pa kasi kami ayos ngayon" binigay ko na kay andrea yung mga sinulat kong letter para kila jake.

Sinabi ko na rin sakaniya ang desisyon ko. aalis ako ng pilipinas, iiwan ko na sila. tahimik lang akong aalis, yung walang makakaalam sa pagaalis ko, yung mga nakakaalam lang, si andrea, math at ang pamilya ko.

Inutusan ko si math na videohan si luke buong araw, remembrance lang man, para maalala ko siya parati.

"Sigurado ka na ba talaga diyan? pano na si luke, hindi niya matatanggap yun. masasaktan siya, mag paalam ka na lang kaya?" naaawa na rin ako kay andrea, naiipit na siya dito.

Iiwan ko rin ang school festival, mamimiss ko sila, kahit na hindi kami masyadong close, napasaya naman nila ako ng sobra.

"Ayokong magpaalam sakaniya, baka mabawi ko pa kasi yung desisyon ko, gusto ko eto ang mangyari sa future ko, pero hindi ko rin kayang makita ang future ko na wala si luke" naiiyaka na naman ako kaya binigay na niya agad saakin yung tissue, nagmamakaawa na ako sakaniya, inexplain ko na sakaniya ang dahilan ko at naiintindihan naman niya.

"Oo naman," naiiyak na naman siya "basta ba, wag mo kong kakalimutan, kahit ilang months lang tayo nagkasama parang yung pakiramdam ko ang tagal tagal na nating magkakilala," at tuluyan na siyang humagulgol, sinabayan ko na lang ang pagiyak niya.

Sa loob ng ilang buwan, nagkaroon ako ng mga kaibigan, kaibigan na gusto talaga nilang kaibigan ka, hindi yung kaibigan na gusto lang nila dahil maganda, mayaman at kung ano pa meron sayo. tinanggap nila ako sa grupo nila, ako ang pinakamasamang tao sa grupo nila pero, tanggap pa rin nila ako.

Matapos niya akong tulungan sa pagimpake ng mga gamit ko, binalaan ko na rin siya na huwag niyang sasabihin kahit kanino na wala na ako, at kung nasaan ako. tumupad naman siya dun. at nagpaalam na ulet kami sa isa't isa.

Dear jake,

Kung nababasa mo na ito ngayon malamang wala na ako. wag niyo na ako hanapin, hindi mo rin naman ako hahanapin, kasi nga galit ka na saakin. gusto ko lang malaman mo na, humihingi ako ng tawad sayo, i'm sorry kasi hindi ko alam ang nararamdaman mo para saakin, sorry kasi binalewala kita, kahit na lagi kang nandiyan para saakin, sorry kasi di ko pinahalagahan yung pagkakaibigan natin. sa totoo niyan, gustong gusto kitang kaibigan kasi sobrang caring mo saakin, hindi ko yata na mawala na lang basta basta yung friendship natin. Yun lang, thank you na rin sa lahat ng nagawa mo saakin and sorry.

Saying goodbye,

Mags

Naalala ko yung sinulat ko para kay jake, sayang din kasi kaya nagsorry ako sakaniya at nagthank you na rin, ayoko namang umalis na may galit sa puso ko, kaya gusto kong ipaalam sakaniya.

"Sweetie, let's go, nagaantay na yung private jet" pumasok si mom sa kwarto ko, tumango na lang ako sakaniya, kinuha ko na yung maliit kong body bag at yung isa kong maleta, kinuha na kasi ni mom yung isa at ibinaba na.

Tears come into my cheeks, it hurts a lot to leave this beautiful city, yeah, it's beautiful, and it's full of memories that i'm gonna cherish. i'll miss everyone. specially luke.

-------------

End of ❤️ 34 - goodbyes

One chapter na lang tapos na too. wait for my announcements!

A short update but a meaning full one, the last chapter will be long. thank you!

i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon