❤️ 29 - guilty

246 10 1
                                    

Good day readers!! Meron po akong bagong story, Gun's my life. Sana po basahin niyo! Hahaha! Thank you very much!

-------------

MAGS' POV

Kanina pa ako inaayusan nitong mga stylist na to, kung ano ano na ngang ginawa nila sa buhok at mukha ko e! Nakakainis! Mas maganda nga pag simple lang e.

"Ok tapos na tayo!" Sigaw nung babaeng nagaayos saakin, umupo agad siya dun sa sofa at parang hingal na hingal.

Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin, kaya lang naman kami na tagalan kasi ayaw ko ng pinaggagagawa nila saakin. Hindi kasi nila masyadong makuha yung fierce but sweet na look. Ugh. So annoying!

Nakasuot ako ng isang ruffles na skirt na beige yung color at isang sleevless shirt na gray at chaleco na pink. Kinulot din nila yung buhok ko hindi ko na siya pinatali, gusto ko nakabagsak lang.

"Hey, you ready?" Tanong saakin ni jorge, sinalubong niya ako sa labas ng dressing room, kinakabahan nga yung mukha niya e, bakit mas kinakabahan pa siya saakin? Whatever.

"Yup, you look so nervous" sabay irap ko sakaniya, now i'm back from being bitch.

"Yeah, i'm nervous. Ngayon lang ako makakahandle ng artist, first time kita e, kaya kinakabahan akong ipakilala ka sa iba" pinaglaruan niya yung mga daliri niya.

"Don't worry, you'll be good" nakangiti ako sakaniya, kahit na bitch ako, mabait pa rin naman ako.

Nginitian niya lang ako at naglakad na kami papunta dun sa press conference room, inantay lang namin na ipakilala ako at lalabas na kami. Kasama si jorge na manager ko.

"Let's all welcome the new face of S network, the daughter of the owners augustus steele and hazel steele!" As if on cue lumabas ba kami sa isang malaking pintuan at naglakad na ako sa red carpet na nanduduon.

Maraming mga reporters, cameramen at yung iba naman nakaupo sa mga tables nila, nakita ko na si kuya lance na anduon sa gitna na table kung saan ito yung parang stage na uupuan namin, medyo iritado na ang mukha niya.

Nagumpisa na kaming tumanggap ng mga tanong nila.

"Bakit niyo po ba napagisipan na pumasok sa showbiz industry?" Tanong ng isang reporter na babae.

"Wag niyo na kaming i-po, di pa naman kami matanda para i-po" sabi ni kuya lance habang kunyareng tumatawa.

"I can say that this is a small punishment for us" nilingon ko si kuya lance matapos kong sabihin iyon, kumunot ang noo niya at napalitan din ng ngiti.

"Punishment, bakit niyo naman iyon nasabi? Halos lahat pangarap ang maging artista." Sabi ng baklang reporter saamin.

"Well, we're different, we don't like to be artist, but i want to be a broadway actress not just a local one" nakataas ang kilay kong sabi sakaniya.

"Tsaka hindi naman talaga ito pinaghandaan, biglaan lang ang mga ito, naging artista lang naman kami dahil sa bored na kami sa buhay namin, and we want something new" patuloy ni kuya lance na pagkwekwento dun sa mga reporters, napakaclueless naman nila.

"Nanggulo kasi kami dito sa loob ng building isang beses kaya ayun binigyan kami ng parusa, maging artista" nakasmirk lang si kuya, i wanna see my dad's face, i bet he's watching this.

"Friends ba kayo ni luke tan? May nakakakita kasi sainyo na magkasama at sweet." Tanong ng lalaking reporter.

"We're not friends," nagulat silang lahat sa sinabi ko "we're actually in a relationship" nakasmirk kong sabi sakanila, i also wanna see luke's face now.

"Really? Can you tell us some details" woah! Details huh?

"Oh come on, i just want you to know about our status not our story" i put up a fake smile, tsk. Such gossips.

"Wow! So i guess we'll be watching over your story? I think" tuwang tuwa na sabi nung isa pang reporter.

Pinatapos na din nila agad yung press con, at bumalik na rin agad ako sa dressing room ko, tsk. andito na pala yung mga kasama ko sa dressing room.

"Hi!" Bati nila saakin, pero nginitian ko lang sila, di ko sila kailangan.

"Balita ko ang ganda daw ng kinalabasan ng press con ah" sabi ni kathryn, tinatanggal ko na yung dark make ups ko sa mukha, maganda yung kinalabasan? Well, para samin iba ang ibig sabihin nun, it's a big war.

"Really? Well, that's because i'm good, no, i'm better" nakangisi lang ako sa salamin habang nakikipagkwentuhan sila. tsk. puro selfie ang alam.

"Akala ko talaga si erycka tsaka si luke." Sabi ni julia b. i really don't care.

"It's just a flings, between them-" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang pumasok sa dressing room ko si erycka na galit na galit.

"Kayo ni luke?! No way! Bitch!" Sasampalin na sana niya ako kaya lang hinawakan ko na agad yung kamay niya.

"That's what you think, why don't you ask luke himself? And by the way there's no way you can slap me bitch" mas diniinan ko yung pagakakahawak sa kamay niya at napaaray siya sa ginagawa ko.

"Stop this catfight will you?" Sabi niya saaming dalawa nakapamulsa lang siya sa torn jeans niya at naka faded shirt lang siya. Tinanggal ko na yung pagakakahawak ko sakaniya at nginisihan ko na lang si erycka.

Palabas na ako sa dressing room, at hinawakan niya ulet yung kamay ko, tinignan ko lang siya ng masama at inirapan. Blanko lang yung mukha niya, wala ulet na kahit na anong emosyon.

Tinititigan niya lang ako at tinititigan ko lang din siya pabalik, wala ba siyang balak na magsalita? Nakakairita? Di ba gusto niyang maging kami? Eto na nga oh, pinagbigyan ko na. Tsk.

"Stop this nonsense," hinatak ko pabalik yung kamay ko sakaniya "aalis na ako, kung wala kang sasabihin"

Tinititigan niya lang ako at tinititigan ko lang din siya pabalik, wala ba siyang balak na magsalita? Nakakairita na siya, hinatak ko na lang ulet yung kamay ko sakaniya, hinatak niya ulet ako at inilabas na niya ako sa loob ng dressing room

Naglalakad kami ngayon, no, hindi pala lakad, more on kaladkad. Maramin tumitingin saaming dalawa ngayon, nagbubulungan pero pinabayaan ko na lang, at inayos ko na lang ang paglakad ko para hindi magmukhang kinakaladkad niya ako.

Nakarating kami ngayon sa pinakamalayong fire exit dito sa floor na to. Pinapasok niya muna ako sa loob at pumasok na rin siya. Bakit ba siya nagagalit? Tsk. Nakakairita siya. Ano bang problema niya?

Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Yung tipong hindi na ako makahinga, dahil sa sobrang higpit.

"Thank you" masaya niyang sabi saakin.

"For what?" Nakakunot na yung noo ko at kumunot din yung noo niya nung humarap siya saakin pero ngumiti din ulet siya.

"Dahil binigyan mo ako ng pagkakataon, pagkakataon na maging tayo ng walang expiration date, tayo ng totoo," yinakap niya ulet ako "i really love you, di ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin dahil na totorpe ako sayo, natatakot ako sayo, dahil lahat kaya mong makuha ng walang ginagawa ng kung ano" i feel so guilty.

"So, pwede na ba tayong magdate ulet?" abot langit na yung mga ngiti niya saakin at tumango na lang ako sakaniya ng nakangiti.

Naguiguilty ako dahil ginagamit ko lang siya dahil sa kagustuhan ko, matututunan ko naman siyang mahalin e. Itatago ko na lang to sa sarili ko. Kailangan walang makaalam.

-------------

End of ❤️ 29 - guilty

Sorry for late update! sobrang busy lang talaga! prohect here and there! hahaha!

Leave comment here and keep on voting!

i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon