❤️ 9 - a wow house

495 16 2
                                    

A/N: add. vote. comment.

-------------

ANDREA'S POV

Tinext ko silang lahat, lahat ng members ng theater club para sa photoshoots namin.

7 am sharp meeting place sa front gate ng billa village, at pupunta tayo sa house ni mags for our photoshoot.

I hit send.

Nagkitakita nga kaming lahat sa billa village at kumpketo kami, pinapasok naman kami ng guard dun sa village, mga 5 minutes nakarating na kami sa bahay nila mags pagkababang pagkababa namin....... WOW!

Isang malaking gate ang sumalubong saamin. tinanong pa kami ng guard sa labas ng gate na iyon kung ano daw ba ang kailangan namin at tinanong ni kelly kung dito daw ba yung bahay ng ni mags, at pinapasok kami.

Nung bumukas yung gate, merong isang malaking fountain sa gitna, nung pumasok kami sa loob mismo ng bahay nila, modern mansion yung bahay nila mags, all white tsaka puro glass, sliding glass door, glass wall at kung ano ano pang klaseng glass.

Sinalubong kami ng isang butler nila ben daw ang pangalan niya at tsaka ng isang maid na celine ang pangalan.

"Maupo muna kayo" sabi saamin nung ben at pinaupo kami sa isang malaking living area. nakita ko rin na meron din silang elevator, kasi may lumabas na isang lalaking gwapo.

"Master, bisita daw sila ni m'lady" sabi ni ben sa lalaking yun.

"Ganun ba, bigyan mo sila ng makakain," sabi nung lalaki, sinunod naman yun nung ben at tumingin saamin yung lalaki.

"Ako nga pala si lochinvar steele" sabi niya saamin.

"Ako po andrea, kaibigan po ako ni mags" sabi ko at nagulat siya sa sinabi

"Bakit po, may problema po ba?" Tanong ko sakaniya, kasi bigla siyang natawa.

"Wala naman, himala lang na nagkaroon siya ng kaibigan na matino, si margareth kasi, hindi na namin yan masyadong nakocontrol, kaya lahat ng kaibigan niya mga siraulo at bitch din" sabi niya saamin at umupo na siya sa isang sofa.

"Asan po si mags?" tanong ni jake sakaniya.

"Tulog pa rin siya sa kwarto niya, antayin niyo na lang siya" sabi niya habang nakatingin pa rin sa binabasa niyang papel.

"Ilan taon na po kayo?" tanong ni kelly habang umiinom ng juice niya.

"18 na ako, si margareth naman 15, yung isa 16 at yung isa 17" patuloy pa rin siya sa pagbabasa.

"Master lochinvar, gising na po sila" sabi ni ben kay sir lochinvar.

"Looks like they're awake" sabi niya habang nakangiti, sino kaya yung 'sila' e si mags lang naman yung pinunta namin dito e.

May bumaba sa stairs, si mags. halata sa mukha niya na nagulat siya, surprise kasi e.

"Hi mags!" masiglang bati ko sakaniya, pero umiiling lang siya

"Aray ano ba?! mags naman! para kang poste diyan e!" Sigaw nung lalaking gwapo s likod niya, teka si lance yun ah, yung transferee, bakit siya nandito?

"Lance?" nakakunot noo niyang tanong, siguro naguguluhan din siya.

"Mags surprise!" sabi ko habang nakangiti oa rin sakaniya at naguguluhan pa rin.

"Margareth! Lancelot!" tawag sakanila ni sir lochinvar. lumapit naman sila.

"Yes kuya?" sabay nilang sagot. wow! magkapatid silang dalawa.

i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon