❤️ 3 - friends?

630 15 4
                                    

"hi!" hinarangan ako ng isang babae, maganda siya. pero di ko siya pinansin at tinalikuran ko siya.





"wait! mags!" sigaw niya saakin, napalingon ako sakaniya.





"we're not close so, don't call me that" pagattaray ko pa rin sakaniya, papunta ako ngayon sa cafeteria, marami na din yung tao dito.



"how about marg?" tanong niya saakin.





"i don't like that"





"margareth aphrodite guinevere?"





"masyadong mahaba" kumuha ako ng tray, medyo mahaba pa yung pila, nakapila siya sa likod ko.





"e anong itatawag ko sayo?" nakapout niyang tanong





"stupid, call me by my name" malapit na akong makakuha ng pagkain.





"margareth?" nakakunot noo niyang tanong.





"much better" nung matapos na kaming kumuha ng pagkain, inakbayan niya ako, pilit ko yung inaalis, pero binabalik niya pa rin.





"ako nga pala si andrea dela fuente, vice president ng theater club tsaka vice president ng student government" inalok niya yung kamay niya at kinamayan ko din siya, nakahanap na ako ng table pahaba yung table na nakita ko, at umupo na kami dito.





"ayaw mo ring maging vice president noh?" nakataas yung kilay kong nung sinabi ko yan.





"junior pa lang kasi ako, kaya di pa ako pwede maging president, by next school year pwede ng president. gusto ko sanang maging kaibigan ka, mukhang wala ka pang club, gusto mo bang sumali sa theater club?" alok niya saakin.





"pwede rin" matipid kong sagot sakaniya, nagumpisa na akong kumain ng steak ko tsaka ng mashed potato ko.





"siya nga pala, may nakita din akong transfer student kanina! ang gwapo gwapo niya talaga!" muntik na akong mabilaukan sakaniya, si kuya lance pala yung sinasabi niyang gwapo e. tsk. si kuya talaga ang tinik sa chics!





"talaag? baka si kuya lance yun" sabi ko sakaniya, medyo nagulat siya dahil nasabi kong kuya lance, oo nga pala, dapat walang makaalam na kuya ko siya, kung hindi malalagot ako dun.





"oh my gosh! kuya mo siya?" gulat na gulat niyang tinanong saakin.





"h-hindi ah. s-senior kasi natin siya, t-tsaka sabay kaming nagenroll" medyo nauutal utal kong sagot sakaniya, medyo naging okay na yung mukha niya. nung sinabi kong hindi kami magkapatid.





and speaking of.





nakita ko si kuya, may mga kaibigan na agad siya, pinapalibutan siya ng mga babae, sa mukha palang niya halatang peke na yung mga ngiti niya sa mga babae e. at halatang nababadtrip na yan.





"nakakainis talaga!" biglang may sumulpot na babae sa table namin at halata sa mukha niya na inis na inis na siya.





"ano bang kinaaano mo diyan cla" suway sakaniya ni andrea, magkakilala pala sila.





"si miss plapla kasi pinaginitan na naman siya" sabi nung lalaki, este bakla pala.





"wala siyang awa saakin! ang dami niyang pinagawa saakin!" pagmamaktol naman nung cla.





i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon