❤️ 31 - back

210 11 1
                                    

hiii! sorry kasi super late na ng update ko. busy lang talaga, try kong 3 chapters ang update ko ngayon!

--------------------------

MAGS' POV

"mags! ano ba yan? concentrate!" sabi saakin ni kelly, siya kasi yung nagdidirect saamin ngayon para sa play, wala si sir buendia, si andrea naman kasama sa likod dun sa prod.

"pwede bang lumabas muna ako saglit?" walang gana kong sagot sakaniya, at tinanguan na lang niya ako, lumabas na agad ako sa auditorium. bago ako lumabas nakita ko si jake na nakatingin saakin. ayoko na siyang lingunin. sayang ang friendship.

dumiretso na lang ako sa school grounds, ito yung pinakacenter ng school buildings, damuhan ito kaya ok lang na umupo ako dito. grabe. kanina pa ako wala sa ulirat. ang dami kong tanong sa sarili ko, tanong na gusto kong tanungin sakaniya. bakit di niya sinabi ng mas maaga? natatakot ba siyang mareject? baka ganun din yung mangyayare sa huli? pero bakit ngayon sinabi niya? dahil karelasyon ko na ngayon si luke? ang gulo niya! pero bakit ba ako naapektuhan ng ganito? FRIENDSHIP! FRIENDSHIP ANG MAHALAGA! yun lang yun!

"hey. you ok? i'm worried" tinapik niya yung balikat ko at nilingon ko siya, may masasandalan pa pala ako, isa lang ang nawala saakin, pero andito pa rin naman silang nagmamahal saakin. kahit na ganito yung ugali ko.

"better, now that you're here." nginitian ko siya at umupo siya sa tabi ko, dapat nagrerehearse siya ngayon, siya yung bida e. "what are you doing here?" nakataas na yung kilay ko sakaniya, nakatingin siya saakin ngayon.

"sinabi ko na ngang nagaalala ako sayo e" tas inakbayan niya ako, i feel safe kapag nandiyan siya. ayokong mahulog sakaniya. baka pagsisihan ko lahat ng nagawa ko sakaniya.

"luke?" tawag ko sakaniya kaya malapit na yung mukha namin sa isa't isa.

"hmm?" nakataas na yung kilay niya.

"what if, i'm not serious about this relationship thingy?" mas lalong tumaas yung kilay niya saakin at sumeryoso yung mukha niya saakin. i knew it. magagalit siya saakin kapag sinabi kong ginagamit ko lang siya.

"i don't care, as long as i love you, and you love me back, for now, i would cherish this moment with you, cause i really fucking love you" hinalikan niya ako sa lips ko at napangiti na lang ako paghalik niya saakin. at humiwalay na rin kami sa isa't isa.

"will you please say you love me too, gusto kong kapag sinasabihan kita sinasagot mo rin ito pabalik" i can't not now. pero ayokong madisappoint ko siya. matututunan din kitang mahalin, on the process nga lang. pero ngayon kailangan kong ibalik ang sinabi niya saakin.

"i love you too" at yinakap ko siya, yinakap niya din ako, i feel his warmth, i'll love him, someday, sometime.

"let's go, kailangan nating tapusin tong play na to" nilahad niya yung kamay niya saakin at inabot ko ito para matayo niya ako, i feel something different whenever i'm around him.

naglalakad na kami pabalik sa auditorium, pinagtitinginan kami ng mga estudyante, siguro ngayon lang nila kami nakitang magkasama na in a relationship na. yung ibang babae nakabusangot yung mukha nila, mga inggit. parang ayoko na siyang pakawalan. gusto ko akin lang siya.

"mags ok ka na ba?" tanong saakin ni kelly at napatingin saamin si jake, hindi ko na lang siya pinansin, masaya na ako kay luke kontento na ako sakaniya, dahil mahal niya ako, tsaka magkaiba naman yung mahal sa gusto e.

"yup! i'm better, let's do this!" nakangiti kong sabi kay kelly at nagumpisa na rin kaming mag practice.

"good work guys! bukas pahinga na lang kayo, pero praktisin niyo pa rin yung mga lines niyo, prod team, bukas kailangan kayo dito, para kinabukasan ready na tayo para sa dress rehearsal niyo, okay?" announce ni kelly saamin, kinabukasan na kasi yung umpisa ng school festival kaya kailangan na ring iready yung sa booth namin bukas para ready na talaga.

nagsiligpitan na lang kami ng mga gamit namin at aalis na rin. nagkaayaan ding kumain sa labas pero tumanggi ako dahil gusto kong magpahinga ngayon, di ko rin alam kung kelan ang balik nila dad sa bahay, kailangan ko rin yon paghandaan, lahat ng sasabihin nila.

"hatid na kita?" kinuha ni luke yung bag ko at tumango ako sakaniya. "hanggang sa parking lot lang, may sundo ako e" at nginitian niya lang ako, hinawakan niya yung kamay ko at inintertwine ko yung mga daliri naming dalawa at naglakad na lang kami ng diretso hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"we're here." pinagbuksan niya ako pinto at nilagay niya yung gamit ko sa loob. yinakap ko siya at yinakap niya rin ako "thank you luke, i love you" i feel different, hinalikan niya yung noo ko "i love you too, damn so much" hinalikan niya ako sa labi ko at hinalikan ko din siya pabalik.

"sige na pumasok ka na, mamaya iuwi kita sa bahay e" natatawa niyang sabi saakin at napahawak na lang siya sa batok niya at umiiling iling. he's so cute, i like it.

pumasok na ako sa loob ng kotse at sinarado na niya ito inantay niyang makaandar yung kotse bago siya umalis. "totoo pala" napalingon ako kung sino yung nagsalita, hindi si manong yung driver ko, bumalik na si math?

"so what? e ikaw bakit bumalik ka pa?" pagtataray ko sakaniya, bwiset, panira ng araw e. ngumisi lang siya saakin.

"bakit namiss mo ko?" tas tumawa pa siya saakin, tinanggal ko yung sapatos ko at nilagay yun sa front seat at pumunta ako dun sa front seat.

"hmp. asa ka!" sabi ko sakaniya at nakanisi lang siya saakin.

"alam ko yung plano mo" pano naman niya nalaman kung ano yung plano ko? wala akong pakialam kung alam niya yung plano ko di naman siya yun, at mamahalin ko si luke, hindi nga lang ngayon. kaya wag na lang siyang makialam. buhay ko naman to e. tsaka hindi ako nababahala sakaniya, wala akong pakialam kung sasabihin niya dahil hindi naman maniniwala si luke sakaniya. kasi mahal niya ako.

-----------------------

end of ❤️ 31 - back

sorry talaga, baka matagalan din ako ulet ng update. pero susubukan ko talaga, promise!

comment and vote!

i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon