❤️ 2 - first day

711 14 1
                                    

"mags! mags! wake up!" sigaw mula sa labas ng kwarto ko, at dahil ayoko pang gumising, kumuha ako ng unan at itinakip ito sa magkabilang tenga ko. ang sarap sarap kaya ng tulog ko, tas iistorbuhin lang nila.

"MARGARETH APHRODITE GUINEVERE STEELE!" UGH! galit na siya! grabe, di ba siya napagod sa pagbanggit ng pangalan ko, haba di ba?

"ugh! ok, i'm coming. i'm coming" sigaw ko sa kuya ko, ewan ko kung sinong kuya yun, wala na ako sa mood para alamin pa yun.

"remember! it's your first day of school, so you shouldn't be late!" fine! chill lang kasi, si kuya lo yan, lo short for lochinvar yan kasi pangalan niya e, at siya yung pinakastricto na kuya. siya kasi eldest e.

"fine!" iritableng sagot ko sakaniya, nakakainis din kaya!

bumangon ako sa napakalambot kong king size bed. pumunta ako sa banyo ko at naligo, haay! nakakarelax talaga yung mainit init na tubig sa bathtub. after kong magbabad sa bathtub, naligo na ako ng maayos. matagal talaga akong maligo, ginawa kong sacred place yung banyo ko, kung saan ako lang ang pwedeng pumunta, wala ng iba. dumiretso na ako sa walk-in closet ko at namili ng damit at sapatos, syempre yung pinili ko, simpleng dress tsaka flats lang.

nadatnan ko na silang kumakain sa dining area, wala ngang kumikibo sakanilang tatlo e, si kuya lancelot, well, tawag ko sakaniya kuya lance, isang taon lang ang pagitan naming dalawa, kaya di kami masyadong magkasundo, lagi kaming nagaaway.

"good morning!" sabi ko sabay upo sa upuan ko katabi ko sa upuan si kuya arthur katapat ko naman si kuya lance at ang katapat ni kuya arthur si kuya lo.

"excited ka yata sa pagpasok ngayon sa new school mo ah! hahahahaha!" natatawang sabi ni kuya lance. nagsimula na naman siya!

"hindi ah. may nanggising lang talaga sakin" nakapout kong sabi kay kuya lance, at alam na niya ang ibigsabihin nun. si kuya lo.

"pfft! hahahahaha!" dahil hindi na niya napigilan yung sarili niya tumawa na lang siya.

"ano ba! wag ka ngang tumawa nakakainis ka naman e!" natatawa pa rin siya. loko loko talaga tong kuya ko.

"hahaha! sige nga, kung matapang ka, ituro mo kung sino yung nanggising sayo!" hala! loko talaga to. nakatingin ako kay kuya lo at wala siyang pakialam dun, busy siya sa pagkain niya, hbanag si kuya arthur naman, natatawa kay kuya lance.

"mag si tigil nga kayo! nasa harap kayo ng pagkain, at kayong dalawa bilisan niyo at mahuhuli na kayo sa unang araw ng pasok niyo" nagkatinginan kami ni kuya lance at nagsisisihan kami sa tingin naming dalawa.

natapos na akong kumain at nagpaalam na rin ako sakanila. sabay kami ni kuya lance sa pagpasok, ppero magkahiwalay kami ng kotse, sakaniya yung black na BMW at akin naman yung audi na black at as usual naka sabay pa rin yung guards ko, sa ibang sasakyan nga lang sila.

nung makarating na kami sa school, actually hindi naman talaga siya first day of school, para saming dalawa lang ni kuya lance, yung "first day", pumasok kami dito september na. pero tinanggap kami ng school, through connections.

lahat ng tao nakatingin saming dalawa ng kuya ko, e sino bang hindi titingin saamin, e sa sobrang gwapo at ganda naming dalawa, habang naglalakad lahat sila literal na nga nga.

bigla akong inakbayan ng magaling kong kuya, ano na naman bang palabas to?

"wag mong ipapaalam sa iba na magkapatid tayo ah" sabi niya sabay kindat saakin.

"bakit?" seryosong tanong ko sakaniya.

"kunyare may relasyon tayong dalawa" natatawa niyang sinasabi saakin, habang nakaakbay pa rin.

i'm a bratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon