Chapter 20 : Alfred and Megan ✔️

4.7K 105 1
                                    

Chapter 20

Narrator's POV

"What? Engaged na kayo ni Ivan? Kelan pa? Nasaan ako? Bakit hindi ako na-inform?" isterikal na tanong ni Meg ng ibalita ni Maxine ang magandang balita.

"Pasensya naman po, lasing na lasing ka po kasi noong birthday ni Darcy, kaya hindi mo na nalaman kung anong mga nangyayari. At ang mga sumunod na araw naman ay lutang ka, kaya paano ko sasabihin sa iyo," paliwanag ni Maxine.

"Oo nga pala. Pasensya ka na," sabi nito.

"Bakit nga ba ilang araw ka ng lutang? Masama pala sayo ang malasing eh," nag-aalalang tanong ni Maxine.

"Ah, ano kasi," hindi maituloy ni Megan ang sasabihin.

"Ano nga? Bibitinin pa ako eh, sasapakin kita d'yan," inis na sabi ni Maxine.

"'Wag mong sasabihin sa iba ha," pauna ni Megan.

"Sus, ikagigimbal ba ng mundo 'yang sasabihin mo, at huwag sasabihin sa iba?" tanong ni Maxine.

"Oo," mahinang sagot ni Megan.

"So, ano na nga?" tanong ni Maxine. Lumapit si Megan at may ibinulong sa kanya. Nanlaki ang mga mata n'ya sa narinig. "WHAT!!!!????" sigaw ni Maxine.

"Shhh...shhh...shh.... huwag kang maingay, baka may ma-curious at magtanong pa kung anong pinag-uusapan natin, nakakahiya," sabi ni Megan at tinakpan pa ang bibig ni Maxine.

"Sorry naman. Nabigla lang ako," bulong ni Maxine. "May nangyari sa inyo ni Alfred? Paano? Bakit?"

"Ewan ko. Ang natatandaan ko lang ay noong umalis kayo, inihatid n'ya ako sa guest room nila Ivan, at dahil lasing ako, akay n'ya ako. Tapos nung ihihiga na n'ya ako sa kama ay natumba kaming dalawa," mahinang kwento ni Megan.

"Tapos? Ang alam ko kasi, hindi naman lasing si Alfred. Hindi 'yon madaling malasing kagaya ni Ivan. Tapos galit na galit pa nga s'ya sayo noong gabing hinalikan mo s'ya, kaya bakit ka n'ya pinatulan?" naguguluhang tanong ni Maxine.

"'Yon nga, noong natumba kami, ang tingin ko sa kanya ay ang gwapo-gwapo n'ya, kaya pinaulanan ko ng halik. Noong una, natutuwa akong asarin s'ya kasi pilit n'ya akong tinutulak palayo, kaso habang natagal, nararamdaman kong tinutugon na n'ya ang halik ko. Tapos nagising na lang ako na hubad na ako at nakayakap s'ya sa akin! Anong gagawin ko?" maluha-luhang tanong ni Megan.

"'Yan, 'di nakita mo ang hinahanap mo. Galing mo kasing manghahalik, 'yan tuloy nangyari sayo," sermon ni Maxine sa kaibigan.

"'Wag mo na nga akong pagalitan, nagsisisi na nga ako eh. Hindi ko na nga alam kung paano pa ako haharap doon sa tao. Kasi, isipin mo ba naman na hindi naman kami mag-nobyo tapos may nangyari sa amin, siguradong ang baba na ng tingin n'ya sa akin ngayon," naiiyak na sabi ni Megan.

"Teka muna, sigurado ka ba na may nangyari talaga sa inyo? Baka naman hindi natuloy kasi nakatulog ka na, ganoon," tanong ni Maxine.

"'Yon nga ang pumasok sa isip ko, kaso may nakita akong dugo sa bedsheet at masakit 'yung ano ko. Ano pa bang malamang na nangyari kundi 'yun na nga," sabi n'ya.

"Hay naku, anlaki talaga ng problema mo. Lalo na ngayon," sabi ni Maxine.

"Hala, bakit? Tatanggalin na ba ako sa trabaho? Huwag naman, please. Ang dami ko ng problema, huwag naman sanang may dumagdag pa," naiyak ng sabi ni Megan.

"Hoy, gaga! Anong iniiyak iyak mo d'yan? Ayusin mo nga ang sarili mo at may bisita ka," sermon ni Maxine at tinulungan na ang kaibigang magpunas ng tissue sa mukha.

"Ako, may bisita? Sino?" tanong ni Megan at nagpalinga-linga.

"Ayun oh, nasa labas," sabi ni Maxine at itinuro si Alfred na nasa labas ng cafe at may dalang isang bouquet ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

"Jusko po! Anong ginagawa n'ya dito? Hindi ko kayang humarap sa kanya. Wala na akong maipagmamalaki sa kanya ngayon." Parang natalo ng malaki sa lotto si Megan sa itsura n'ya. Hawak-hawak ang kanyang buhok at ginulo-gulo pa.

"Magtigil ka nga d'yan at puntahan mo na 'yung tao doon sa labas," utos ni Maxine.

"Paano kung hindi naman pala ako ang pinunta n'ya dito, 'di napahiya lang ako," tanong ni Megan.

"Ay bahala ka, kung ayaw mong lumapit, ako na lang ang pupunta sa kanya," sabi ni Maxine.

"Teka, anong sasabihin mo?" tanong ni Megan.

"'Di itaanong ko kung sino ang kailangan n'ya," umalis si Maxine para puntahan si Alfred. Minamasdan ni Megan ang kilos ng dalawa, maya-maya pa ay pumasok na si Alfred at lumapit sa kanya.

"Hi, Megan," bati ni Alfred. "This is for you," sabi nito at iniabot ang mga bulaklak.

"Salamat. Pero kung ito ay para pagaanin ang loob ko dahil sa nangyari sa atin noong nakaraan, 'wag ka ng mag-abala pa," sabi ni Megan.

"Actually, kaya ako naparito ay dahil napag-isipan ko na kung ano ang dapat kong gawin," sabi ni Alfred.

"So, anong gagawin mo ngayon?"

"Liligawan ka," sagot nito.

"Kung napipilitan ka lang dahil may nangyari na sa atin, 'wag mo ng isipin 'yun, dahil uso naman sa panahon ngayon ang nangyari satin. 'Wag ka na munang mag-abalang isipin ako. At kung sakali man na mabuntis ako, sasabihan naman kita, 'wag kang mag-alala," sabi ni Megan at tinalikuran si Alfred.

"Please, Megan. Hayaan mo akong ligawan ka. Gusto kita makilala, at gusto kong makilala mo rin ako, para kung magkaanak man tayo, hindi na tayo mahihirapang mag-adjust, 'di ba?" sabi ni Alfred.

"Paano kung hindi naman ako magbuntis? 'Di sayang lang ang effort mo, at paano kung ma-fall ako sayo, di masasaktan lang ako kapag iniwan mo ako," nakatungong sabi ni Megan.

"Hindi ko ito ginagawa dahil iniisip ko na baka buntis ka. I'm doing this dahil mali ang ginawa ko sayo at willing akong panagutan 'yon. At sisimulan ko sa panliligaw sayo. Maganda ka naman, mabait at masayang kasama, kaya for sure na hindi ka mahirap mahalin."

"Gagawin mo talaga 'yon, para sa akin?"

"Yes. At sana bigyan mo din ako ng space d'yan sa puso mo."

"Pero, paano kung....." natigilan sa pagsasalita si Megan ng halikan siya ni Alfred.

"Wala ng paano, ginusto ko ang nangyari sa atin noong nakaraan at gusto ko din ang ginagawa kong ito, kaya makisama ka na lang, at kapag kumontra, alam mo na kung anong mangyayari."

"Pero...." isang halik ulit mula kay Alfred.

"Teka!" singit ni Maxine. "Mukha namang nagkakaintindihan na kayo ni Megan, pwede bang lumayas na kayong dalawa dito sa cafe? Nagmumukha ng opera house ito dahil sa live show n'yo eh, sa bahay na ni Megan n'yo ayusin kung ano man ang dapat n'yong ayusin. Layas!" bulyaw ni Maxine.

"Makasigaw naman 'to, inggit ka lang eh," biro ni Megan. Lumapit si Maxine at niyakap ang kaibigan.

"Dahil mabait kang tao, binigyan kaagad ni Lord ng sagot ang dasal mo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na maging tunay na masaya," sabi ni Maxine.

"Paano kung...."

"Huwag mo munang isipin ang ibang bagay. Ang isipin mo ay kung paano magwo-work ang magiging set-up n'yo ni Alfred at pag-aralan mo s'yang mahalin. Hindi bale ng masaktan sa huli, basta alam mo sa sarili mong binigay mo ang lahat para mahalin s'ya, kahit pa hindi n'ya bigyan ng halaga," payo ni Maxine.

"Salamat, Max. Mauna na akong umuwi ha," paalam ni Megan.

"Sige, mag-iingat kayo. Mag-usap lang ha!" pahabol ni Maxine. Masaya si Maxine sa nagiging takbo ng buhay pag-ibig nila ng kaibigan. Ang tanging dasal lang n'ya ay sana magtuloy-tuloy na ang masayang takbo ng buhay nilang ito.

✳️Chapter 20✳️

Just Marry MEWhere stories live. Discover now