Chapter 13 : Meet and Greet ✔️

5.1K 114 0
                                    

Chapter 13

Narrator's POV

Ginawa nga ni Ivan ang sinabi ni Maxine. Inubos n'ya ang lugaw kahit pa napaka-pait ng lasa n'ya roon. Ininom n'ya ang gamot na inihanda ng dalaga para sa kanya. At nagpahinga s'ya pagkatapos.

Nagising si Ivan na tahimik sa buong paligid. Nakiramdam s'ya kung naroon lang si Maxine, pero wala s'yang narinig na kahit ano.

Bumangon s'ya at nakita n'ya ang pagkain at sulat na nasa mesa sa kusina. Binasa n'ya ang sulat at wala sa sariling napangiti.

'Kainin mo ito kapag nagising ka, at after four hours, iinum ka ulit ng gamot. Papasok muna ako sa trabaho, huwag ka munang magkikikilos at baka mabinat ka. Uuwi ako ng maaga. - Max'

"Concern naman pala talaga s'ya sa akin, at nakakakilig naman 'yung uuwi s'ya ng maaga just to see me. Para naman na kami nitong mag boyfriend," ngingiti-ngiti n'yang sabi sa sarili.

Kumain at uminom ng gamot si Ivan. Nahiga ulit s'ya pagkatapos. Nanood s'ya ng tv at ng hindi makuntento ay pumasok sa banyo at nag-ayos ng sarili.

"Hindi ako tatagal ng ganito. Pupuntahan ko si Maxine." sabi n'ya.

Kahit medyo nahihilo, nag-drive si Ivan papunta sa cafe. At sa wakas ay nakarating naman s'ya ng ligtas.

"Oh my, Maxine, si Ivan ba 'yon?" tanong ni Meg.

"Anong gingawa n'ya dito?" agad na nilapitan ni Max si Ivan. "Bakit ganyan ang itsura mo?" halata sa tono n'ya ang kaba.

"Nag-drive ako papunta dito. Akala ko nga hindi na ako makakarating sa sobrang bagal ng takbo ko kanina eh," kahit masama na ang pakiramdam ay pilit pa ring tumawa ni Ivan.

"Natawa ka pa d'yan. Hindi mo ba nabasa ang sulat na iniwan ko sayo? Ang sabi ko doon ay 'wag kang magkikilos dahil baka mabinat ka, tapos nag-drive ka pa papunta dito? Gusto mo ba talagang mapahamak?" naiinis si Max sa tigas ng ulo ni Ivan.

"Dahan-dahan naman eh, huwag mo na akong pagalitan," nanghihinang sabi ni Ivan.

"Teka nga muna, sabi mo kanina, nag-movie marathon ka, tapos ngayon, may sulat na iniwan? 'Yung totoo, Maxine, nasaan ka ba kagabi at ano ba talagang nangyari?" singit ni Megan.

"Pwede bang mamaya na lang natin pag-usapan 'yan, asikasuhin muna natin itong si Ivan," sabi ni Maxine at inalalayan si Ivan.

"Ano bang nangyari sa lalaking 'yan? Bakit mukhang may sakit?" tanong ni Meg at sinalat ang noo ni Ivan. "Jusko po, inaapoy na ng lagnat ang lalaking 'yan, kukuha ako ng twalyang maipunas," sabi ni Meg at umalis.

"Umupo ka nga muna," Inalalayan ni Maxine si Ivan na makaupo. Dama n'ya na sobrang init ng katawan nito. "Bakit ba kasi hindi mo inintindi ang sinabi ko at nagpilit ka pang pumunta dito, 'yan tuloy, lumala pa ang lagnat mo," nag-aalalang sabi ni Max kay Ivan.

"Naiinip kasi ako sa bahay, at gusto na kitang makita kaya nagpunta ako dito," pa-cute na sagot ni Ivan.

"Hindi ba, sabi ko'y uuwi ako ng maaga, sana hinintay mo na lang ako sa bahay at hindi ka na nagpilit pumunta dito," sermon ni Maxine.

"Sorry na po, huwag ka ng magalit," sabi ni Ivan at hinawakan ang kamay ni Maxine.

"Eto na ang twalya, punasan mo na 'yan, baka kung ano pang mangyari d'yan eh." sabi ni Meg.

"Doon ko na lang s'ya pupunasan sa kotse, nakakahiya naman sa costumer kung dito ko pa s'ya pupunasan. Pakitulungan na lang ako sa pagdadala n'yan," sabi ni Maxine kay Meg.

"Mabuti pa nga, sige ako ng bahala sa dadalhin. Alin ba?" tanong ni Meg.

"Humiram ka kay Liz ng planganita at lagyan mo ng tubig na may yelo. Isunod mo na lang sa kotse. Paki-abot mo na sa akin ang twalya.," sabi ni Maxine.

"Sige," sinunod naman ni Meg ang sinabi ni Maxine.

Nagpatulong si Maxine sa pag-akay kay Ivan sa isa nilang waiter.

"Tim, salamat," sabi n'ya sa waiter ng maipasok nila sa sasakyan si Ivan.

"Wala po 'yon, Miss. Kapag kailangan n'yo po ulit ng tulong, tawagin n'yo lang po ako," sabi ng waiter at bumalik na sa cafe.

"May gusto sayo 'yung waiter n'yo," naka-kunot noong sabi ni Ivan.

"Wala ha. Ano ba 'yang sinasabi mo?" tanong ni Maxine.

"Halata naman sa kanya eh. Nagpapa-impress sayo," sabi ni Ivan at pilit na tumititig kay Maxine.

"Guni-guni mo lang 'yon. Magpahinga ka na at iuuwi na kita sa bahay, maya-maya," pagkasabi noon ay pumikit na si Ivan.

"Max, heto na 'yung hinihingi mo. Kumusta naman si Ivan?" tanong ni Meg.

"Mataas pa rin ang lagnat nito, sigurado. Iuuwi ko na muna siguro s'ya sa kanila para mas makapag-pahinga," sabi ni Max habang pinupunasan si Ivan.

"Eh bakit hindi mo dalhin sa ospital, para malaman kung bakit ba talaga s'ya nilagnat, 'di ba?" suggestion ni Meg.

"Oo nga, ano? Bakit hindi ko agad naisip 'yon?" sabi ni Maxine.

"Paano ka ba naman makakapag-isip eh pagkakita mo pa lang sa kanya kanina ay taranta ka na agad. So, paano, dadalhin mo na s'ya sa ospital?" tanong ni Meg.

"Oo. Samahan mo ako, ha!" sabi ni Maxine.

"Oo naman, ikaw pa ba. So, tara na?" aya ni Meg.

"Sige. Mag-taxi na lang tayo, hindi ako marunong mag-drive eh," sabi ni Maxine.

"Sige, tatawag lang ako ng taxi," sabi ni Meg at naghanap ng taxi.

"Sige, pakisabi na rin kay Liz na bukas na ako babalik," pahabol n'ya.

"Sige," sagot ni Meg.

"Nurse, excuse me!" tawag pansin ng isang matandang babae na may kasamang dalawang body guard sa nurse na naka-duty sa nurse station.

"Yes po, Mrs. Ano pong maitutulong ko sa inyo?" tanong ng nurse.

"Where's the room of my grandson, Ivan Monteverde?" tanong nito.

"Nasa second floor po, room 203."

"Salamat, nurse." Agad na umakyat sa second floor ang matanda at ang body guards nito.

"Madam, 203 po, ito na po ang room ni senyorito," sabi ng unang body guard at binuksan ang pinto.

Kasalukuyang nakaupo sa tabi ni Ivan si Maxine ng pumasok ang matanda.

"Oh my, Ivan. Apo, what happened to you?" tanong ng matanda at niyakap si Ivan.

"Okay lang naman po ako, La. You don't have to worry. Simpleng lagnat lang naman daw po, kaya makakalabas na ako oras na mawalan ako ng lagnat," sabi naman ni Ivan.

"Mabuti naman kung ganoon," sabi ng matanda na halatang nakahinga na ng maluwag.

"Paano n'yo po nalaman na nandito ako?" tanong ni Ivan.

"Dahil hindi ka umuwi kagabi at kahit si Alfred ay hindi alam kung nasaan ka ay nag-worry ako. Tinawagan ko ang phone mo at luckily, may sumagot, is that you, iha?" baling ng matanda kay Maxine.

"Ay, opo, Mrs. Pasensya na po kung hindi ko kayo agad natawagan, hindi ko po kasi alam na may dala palang phone si Ivan. Nalaman ko lang po noong mag-ring," paliwanag ni Maxine at may pagyuko pa.

"It's okay, iha. Hindi mo na kailangang humingi ng pasensya. Dapat pa nga akong magpasalamat sayo dahil inalagaan mo ang apo ko," sabi ng matanda.

"Tama ka d'yan, La. Bye the way La, this is Maxine. Max, my beautiful Lola, Lola Margarita," pagpapakilala ni Ivan sa dalawa.

"Nice to meet you, Maxine," sabi ng matanda at inilahad pa ang kamay.

"Nice to meet you, din po, Lola Margarita," tinanggap naman ni Maxine ang kamay ng matanda.

"Lola Marga na lang, para bagets," biro ng matanda.

"Sige po, Lola Marga," naka-ngiting sabi ni Maxine.

"Iho, kelan ba ang kasal n'yong dalawa?" tanong ng matanda.

"Kasal po?" gulat na tanong ni Maxine.

✳️Chapter 13✳️

Just Marry MEWhere stories live. Discover now