Chapter 8 : Romantic Dinner ✔️

5.8K 115 1
                                    

Chapter 8

Ivan's POV

"Good afternoon po, Sir," bati ni Martina ng pagbuksan n'ya ako ng pinto.

"Good afternoon din. Nasaan si Maxine?" tanong ko.

"Nasa guess room po, Sir," sagot nito.

"Sige, sisilipin ko muna s'ya," sabi ko at umakyat na. Pagtapat ko sa pintuan ng silid ay kumatok muna ako, pero wala namang sumasagot. Kumatok ulit ako pero gaya ng una, wala pa ring nasagot.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at unti-unting binuksan ang pinto. Unang bumungad sa akin ang kama kung saan naka-patong ang mga dress na pinamili ko para sa kanya. Mukhang hindi pa 'yon nagagalaw man lang.

Naglakad ako palapit sa banyo at nakiramdam. "Bakit kaya sobrang tahimik dito? Baka naman may kung ano ng nangyari sa kanya?" pag-aalala ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo at nakita kong nagbababad pala si Maxine sa tub. At mukhang nakatulog ito. Nang malamang ayos naman s'ya ay nagpasaya na akong lumabas.

"Sally, ipaghanda mo ng makakain si Maxine. Lunch na at siguradong magugutom 'yun pagkagising n'ya," utos ko.

"Sige po, Sir. Ihahanda ko na po at dadalhin ko na lang sa taas," sabi ni Sally.

"Ako na ang magdadala ng pagkain n'ya sa itaas. Sabihan mo lang ako kapag ready na ang pagkain n'ya," paliwanag ko.

"Naiintindihan ko po," sagot nito.

Inilapag ko ang dala kong pagkain sa side table. May ginawa akong note at inilagay din doon. Muli kong sinilip si Maxine na nananatili pa ring tulog habang nagbababad sa tub.

"Napaka-ganda mo talaga, Maxine. Lalo na ngayon, dahil mukha kang anghel kapag natutulog ka," sabi ko habang nakatitig sa mukha n'ya. "Teka! Ano bang sinasabi ko, bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Mali, mali! Ang goal ay ang pa-ibigin ang babaeng ito, at hindi ang ihulog ang sarili ko sa sarili kong patibong," kastigo ko sa sarili ko at lumabas na ng silid.

"Handa na ba ang lahat para sa dinner namin ni Maxine?" tanong ko sa mga tauhan ko.

"Opo, Sir. Nai-set up na po namin ang table at ang mga decor. Pati po ang pinahanda n'yong pagkain ay ready na. Si Miss Maxine na lang po ang hinihintay namin," sagot ni Martina.

"Good. Kung ganoon, maghahanda na rin ako. At make sure na by 7pm ay nandito na s'ya sa ibaba," sabi ko.

"Yes, Sir. Pupuntahan ko po s'ya sa kwarto n'ya maya-maya," sabi naman ni Sally.

Ilang sandali pa..
"Sir, pababa na po si Miss Maxine," sabi ni Martina na nakatayo sa tabi ko. Napatingin ako sa hagdanan kung saan pababa ang isang anghel.

"Hello, Maxine. You're beautiful tonight," sabi ko ng may ngiti sa mga labi. Ngiting otomatikong gumuhit sa labi ko ng makita ko s'ya.

"IKAW?" halatang hindi s'ya makapaniwala na ako ang nakita n'ya.

"Did you expect anyone to do all of this for you other than me?" tanong ko ng lumapit sa kanya.

"I can't believe you. Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na ititigil mo na ang lahat ng kabaliwan mo? Tapos ito naman ang pinagawa mo? Sino ba namang matinong lalaki ang magpapadukot ng babae para lang i-dinner," hesterikal n'yang tanong.

"Ginawa ko lang naman ang lahat ng 'yon dahil hindi mo ako hayaang makita ka. Tsaka nakita ko naman na masaya ka kanina nung bumababa ka, nag-iba lang ang mood mo nung makita mo ako. Talaga bang ayaw mo sa akin?" tanong ko na sinamahan ko ng konting pagtatampo.

"Ayoko sa isang taong kagaya mo! Sobrang taas ng ego mo kaya ayaw magpatalo. Tantanan mo na ako. Please!" sabi ni Maxine at nilisan ang silid.

"Maxine, wait!" hinabol ko s'ya hanggang sa maabutan ko s'ya sa front door.

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon