Chapter 7 : The Mastermind ✔️

5.6K 130 3
                                    

Chapter 7

Maxine's POV

Nagising si Maxine dahil sa malamig na kamay na humawak sa kanyang magkabilang braso. Wala s'yang ideya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya. Ang alam lang n'ya ay inakay s'ya ng kung sinuman papunta sa kung saang hindi n'ya alam. Nakapiring kasi s'ya. Hindi na n'ya nagawang manlaban pa dahil sa panlalambot n'ya na dulot ng gutom. Maya-maya pa ay tumigil na sila at nagsalita na ang kumuha kay Maxine.

"Maghintay ka dito. Parating na daw si Boss," sabi ng lalaki at pina-upo ako. Nakakaamoy ako ng pagkain, lalo lang tuloy akong nagutom. May nag-alis ng takip ng mata ko at nagtanggal ng tali sa mga kamay ko.

"Kumain ka muna bago ka mag-ayos ng sarili mo. Parating na si Boss," sabi ng isa pang lalaki. Kumain daw? May pagkain ba talaga? Hindi ko pa kasi masyadong maaninag ang nasa harapan ko dahil sa tagal ng pagkakapiring sa akin.

"Bakit nakatingin ka lang sa pagkain at hindi ka pa magsimulang kumain?" napatingin ako sa nagsalita. May itsura ito para maging isang mandurukot lang.

"Bakit kailangan kong kumain?" mataray kong tanong sa lalaki at tinaasan pa s'ya ng kilay.

"Magagalit po kasi si Boss kapag nalaman n'ya na hindi namin kayo tinatrato ng maayos," sabi nito sa mababang boses. Para sa isang kidnapper, napaka-gentle namang makipag-usap nito at napaka-caring naman ng boss nila. Kung ganito lang ang trato sa lahat ng naki-kidnap baka wala ng magkagusto pang umuwi sa kanila.

"Sira ulo ba 'yang boss niyo? Nanananhimik ako sa bahay ko pero pinadukot n'ya tapos ayaw n'ya pala akong magutom? Sino ba 'yang boss mo, ha?!" napatayo na ako sa sobrang inis.

"Parating na po s'ya kaya kung pwede po ay kumain na kayo dahil kapag hindi ay kami ang malilintikan. Aalis na po ako, Miss. Kumain na po kayo d'yan. Huwag po kayong mag-alala, wala pong lason 'yan," sabi nito.

Nagdadalawang isip man si Maxine dahil sa huling sinabi ng lalaki pero nagpasya na rin s'yang kumain ng tuluyan ng makalabas ang lalaki.

"Mas mabuti ng mamatay ng busog kung may lason man ang pagkain na ito kesa mamatay ako sa gutom," sabi ko sa sarili ko. Saktong pagkatapos kong kumain ay bumukas ang pinto ng silid kung saan ako naroon. Dalawang babae ang pumasok at may dalang iba't-ibang klase ng dress.

"Miss, mabuti naman po at tapos na kayong kumain. Naihanda na po namin ang pampaligo n'yo sa kabilang kwarto," sabi ng babaeng may mahabang buhok.

"Pampaligo? Ano ba talagang gagawin sa akin? Una pinakain ako, ngayon naman ay paliliguin? 'Yung totoo, ibebenta ba ako?" isterikal kong tanong.

Natawa ang babaeng may maikling buhok. "Ano bang pinagsasasabi n'yo, Miss. Hindi po ganoon 'yon. Magtiwala na lang po kayo at sumama sa amin. Hindi po kayo mapapahamak," pagkumbinsi pa n'ya.

"Sigurado kayo ha. May photograpic mermory ako kaya madali lang para sa akin na hanapin kayo kung sakaling ibenta n'yo ako," pagbabanta ko.

"Wala pong problema, Miss. Tayo na po at mukhang init na init na kayo," sabi ng babaeng mahaba ang buhok at sumama naman ako. Totoo namang init na init na ako at lagkit na lagkit na.

Dinala nila ako sa isang kwarto kung saan mayroong isang malaking tub. Puno 'yon ng tubig at may bula-bula pa. At sa tubig ay may mga nakalutang na petals ng bulaklak. May mga nakasindi pang kandila. Para mo akong nasa spa sa ganda ng banyo nila.

"Pwede po kayong mag-relax hanggat gusto n'yo. Seven pm pa naman po ang dinner n'yo ni Sir," sabi ng babaeng may maikling buhok na Sally ang pangalan. At Martina naman 'yung isa.

"Dinner? Saan?" tanong ko.

"Sa baba po. Pero hindi po kayo pwedeng bumaba hanggat hindi namin kayo sinusundo," sabi ni Sally.

"Bakit naman daw? Akala ko ba ay hindi naman ako bilanggo dito?" nagtataka kong tanong.

"Hindi naman nga po. Kaso 'yon po ang bilin ni Sir sa amin ehh, kaya po kung pwede ay sumunod na lang po tayo para hindi kami mawalan ng trabaho," sabi naman ni Martina.

"Sige, pero dinner lang naman pala ang gusto ng lalaking 'yon pero bakit kailangan pa n'ya akong ipadukot? Hindi na lang n'ya ako tinanong," maktol ko. "Natakot pa tuloy ako," dagdag ko.

"Binasted n'yo na daw po kasi s'ya at hindi daw po kayo madaling makuha sa pakiusapan kaya ginawa niya 'to," paliwanag ni Sally.

"Binasted? Sino bang binasted ko?" bigla akong napaisip. Wala naman kasi akong manliligaw kaya paanong may binasted ako?

"Sige na po, Miss. Mauna na po kami. May mga damit pong binili si Sir para sa inyo. Inilapag po namin sa kama, mamili na lang po kayo ng damit na kumportable kayong isuot at may make-up set din po sa drawer. Bago pong lahat 'yon at para sa inyo lang," sabi ni Martina at nagpaalam na ang dalawa.

"Sino bang binasted ko? Para namang wala akong naging manliligaw noon. At ang haba naman ng hair ko para bigyan ng ganitong treatment. Aist. Makapagbabad na nga lang," sabi ko sa sarili ko. Nag-shower muna ako bago naglublob sa tub.

Dahil sa sobrang pagod at stress na dulot ng pagdukot sa kanya ay nakatulog na pala si Maxine ng hindi n'ya inaasahan.

"OMG! Nakatulog pala ako. Hindi ko na namalayan ang oras. 2 pm na pala. Nalipasan na naman ako ng gutom," sabi ko sa sarili ko.

Umahon na si Maxine sa tub at nagpatuloy na sa pagligo sa shower. Ng matapos s'ya sa pagligo, nagulat s'ya ng may makitang pagkain sa side table at may kasama pa 'yong card.

'Hello there, don't forget to eat these. See you later.'

"Kanino naman kaya galing ito? Ahh, baka doon sa boss nila. OMG! Nakita ba n'ya akong hubad sa banyo? Sana naman hindi. Nakakahiya!" sabi ko at idiniin ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko.

Kinain muna n'ya ang pagkaing inihanda para sa kanya at talagang nabusog s'ya. Nang matapos s'yang kumain ay pinili muna n'yang ilibot ang mata sa kabuuan ng kwarto. Simple lamang 'yon pero talagang maganda at malaki.

Sumilip s'ya sa bintana ng kwarto na nasa ikalawang palapag pala s'ya ng bahay. Tanaw n'ya mula sa kwartong kinaroroonan n'ya na may isang malawak na hardin na puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak sa ibaba. Namangha s'ya sa ganda ng paligid.

Maya-maya pa ay namili na ng damit na isusuot si Maxine bago s'ya naglagay ng make-up. Isang simpleng dress na kulay lavander ang napili n'ya. Pumili na rin s'ya ng sapatos na isusuot. Dahil hindi s'ya mahilig sa heels, simpleng doll shoes na kulay black ang napili n'ya.

"Sino nga kaya ang may pakana ng lahat ng ito? Sana naman ay hindi s'ya masamang tao," dasal ko.

"Miss Maxine, nasa ibaba na po si Sir. Ready na po ba kayo?" tanong ni Sally ng makapasok sa silid.

"Oo, kanina pa. Hinihintay ko lang kayo gaya ng sabi n'yo kanina. Kumusta naman ang suot ko, ayos lang ba?" tanong ko at umikot para makita ang kabuuan ng suot ko.

"Naku Miss, bagay na bagay po sa inyo ang suot n'yo. Lalo pa po kayong gumanda. Sigurado pong matutuwa n'yan si Sir," puri pa nito.

"Sigurado ka ha, baka naman overdressed ako, hindi ba?" paninigurado ko.

"Hindi po talaga, Miss. Tara na po," aya sa akin ni Sally at sinundan ko naman s'ya. Sinundan ko s'ya hanggang sa marating namin ang isang kwarto. Pagbukas ng pintuan noon ay nakita ko sa gitna ng kwarto ang isang maliit na table na puno ng pagkain. Sa paligid noon ay maraming iba't-ibang klaseng bulaklak at mga kandila na nakapagpa-romantic sa buong kwarto.

"Sir, narito na po si Miss Maxine," sabi ni Sally. Pagkarinig noon, tumayo ang lalaking tinawag nito at humarap sa kinaroroonan namin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, hindi ko alam kung ano ba ang tama kong maramdaman.

"Hello, Maxine. You're beautiful tonight," sabi nito ng may ngiti sa mga labi.

"IKAW?"

✳️Chapter 7✳️

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon