Chapter 5 : Pagdukot ✔️

5.7K 113 2
                                    

Chapter 5

Maxine's POV

"Oh, saan na naman galing 'yang bulaklak mo ngayon? At may chocolates pa?" tanong ni Meg ng makita n'ya ang bouqet ng pink roses na nasa vase sa gitna ng sala at ang box ng chocolate sa tabi nito. "Don't tell me, I'll guess, kay Ivan Monteverde galing ang mga 'yan, tama?" sabi n'ya habang may malapad na ngiti sa mukha.

"Tama ka. Pero last na 'yan, dahil pinatigil ko na s'ya sa pagbibigay sa akin ng kahit ano. At mukhang effective naman, dahil nagalit na s'ya," sabi ko at naupo sa couch.

"What? Ginalit mo ang isang Monteverde? You really don't know the consequences of your actions, right? Beware, sis. Hindi natin alam kung kailan gaganti ang playboy na nasaktan ang pride," sabi ni Meg na may nginig factor pa.

"I don't care at hindi ako natatakot sa kung anumang pwede n'yang gawin. Alam ko namang hindi n'ya ako kayang galawin. At kapag may nangyaring hindi maganda sa akin ay s'ya ang ituro mong prime suspect. Naiintindihan mo?" sabi ko kay Meg.

"Oo na, basta mag-iingat ka," paalala niya.

"Oo naman," sagot ko.

MEG CALLING......
"Hello, Meg?" bungad ko pagsagot ko ng telepono.

"Where are you, Max?" tanong ni Meg na para mong natataranta.

"Riding a cab from the cafe, why?" tanong ko.

"Huwag ka munang umuwi sa bahay. May nakita kasi akong ilang lalaking pabalik-balik sa lugar mo. I think mga tauhan sila ni Ivan," nag-aalalang sabi ni Meg.

"Huwag ka ngang OA. Kakapanood mo yan ng suspense movie ehh. Baka naman may hinahanap lang sila doon sa lugar namin," kalmado kong sabi. Siguro naman ay nag OA lang talaga si Meg. Sana naman.

"Meron talaga silang hinahanap. At ikaw 'yon. Naku, Max. Makinig ka na lang muna sa akin at huwag ka munang umuwi. Hindi talaga ako mapakali sa nakita ko kanina ehh," pilit n'ya.

"Don't worry. Playboy lang si Ivan, pero mukhang hindi naman s'ya masamang tao," sabi ko.

"Sana nga mali ako. Basta bago ka bumaba ng taxi ay tingnan mo muna ang paligid at itext mo agad ako kapag nasa loob ka na ng bahay mo," sabi n'ya.

"Oo na. Bababa na ako. Bye," paalam ko sa kanya. "Manong, salamat po. Eto po ang bayad," sabi ko sa driver ng taxi.

"Salamat, iha," sagot ng driver.

Bababa na sana ako ng may maisip ako. "Ahm, Manong, pwede po bang humingi nga pabor?" sabi ko sa driver.

"Ano 'yon, iha?" tanong n'ya.

"Pwede po bang kapag nakapasok na po ako ng bahay ay na saka kayo umalis?" tanong ko.

"Bakit naman?" naguguluhan n'yang tanong.

"Basta po. At kapag may nakita po kayong sumunod sa aking lalaki ay pwede po bang bumusina kayo nga tatlo?" sabi ko.

"Hmm... Sige na nga, kahit hindi ko naiintindihan kung bakit ay gagawin ko na rin," sabi ng driver na halatang nakukulitan na sa akin.

"Maraming salamat po, Manong," sabi ko at tuluyan na akong bumaba para pumasok sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako at ng hindi ko narinig na bumusina si Manong. Tinawagan ko si Meg.

"Oh, nasaan ka na?" tanong ni Meg ng sagutin n'ya ang tawag ko.

"Nandito na sa bahay. Sabi ko naman sayo ay nag OA ka lang ehh. May hinahanap na iba ang mga lalaking nakita mo kanina," sabi ko.

"Salamat naman at maayos ka. Sige, makakatulog na ako ng mapayapa ngayon," sabi ni Meg at narinig kong nagbuntong hininga pa s'ya.

"Mag-relax ka kasi at bawasan mo ang panonood ng suspense movie at ang pagkakape para hindi ka nerbyusin," payo ko.

"Sige, simula ngayon ay hot choco na ang iinumin ko at romance na ang panonorin ko," biro n'ya.

"Mabuti pa nga. Sige na, magpapahinga na ako. Kita na lang tayo bukas. Good night," paalam ko sa kanya.

"Good night. Bye," sagot naman n'ya.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay agad kong tinungo ang aking kwarto at nagshower bago matulog. Habang nagsa-shower ako ay may naririnig akong pailan-ilang bato na tumatama sa bintana ng bahay.

"Hmm. Siguro mga bata lang na walang magawa ang nambabato na 'yon," sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos kong makapagbihis ay umupo muna ako sa aking kama habang nagsusuklay. "Hindi naman siguro dinamdam ni Ivan ang pagtataboy ko sa kanya nung nakaraan para ipadukot n'ya ako at pahirapan, 'di ba?" sabi ko sa sarili ko. "Tama. Alam ko namang napagtripan lang ako noon, kaya palalampasin na lang n'ya yung ginawa ko. Tama! Tama!" pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Napa-igtad ako ng bigla na lang may kumatok sa pintuan. Sino kaya 'yon? Ahh, baka si Meg na naman. Ayaw talaga paawat sa kanyang mga hinala ehh.

"Meg, ano na naman bang kailangan mo? Akala ko ba okay na ang usap natin kani-" napatigil ako sa paglilitanya ng pagbukas ko ng pinto ay wala naman akong nakitang Megan. "Sino naman kaya ang nanti-trip sa akin ngayon?" papasok na sana ako ng bahay ng biglang may magtakip ng bibig ko. May matapang na amoy akong naamoy at bigla akong nahilo.

Nang magising ako ay wala akong makita sa paligid na kahit ano. Puro kadiliman lang ang nakikita ko. Maya-maya pa ay may narinig akong mga yabag na papalapit sa kinatatayuan ko.

"Nariyan na ba s'ya?" tanong ng lalaking hindi ko naman makita.

"Opo, boss. Kanina pa po," sagot naman ng isa.

"Mabuti naman kung ganoon. Huwag n'yong gagalawin ang babae hanggat wala s'ya. Naiintindihan n'yo ba?" sabi ng lalaki.

"Naiintindihan po namin, boss," sagot ng kausap nito.

Diyos ko po, ito na ba ang sinasabi ni Megan sa akin? Kagagawan ba itong lahat ni Ivan? Humanda s'ya sa akin kapag napatunayan kong s'ya ang pasimuno ng kalokohang ito. Ipakukulong ko talaga s'ya.

✳️Chapter 5✳️

Just Marry MEWhere stories live. Discover now