Chapter 4 : Dakilang Playboy ✔️

6.2K 136 5
                                    

Chapter 4

Ivan's POV

"Hey dude, hang out naman tayo," aya ni Alfred.

"Pass muna ako d'yan, dude. May gagawin kasi ako mamaya," tanggi ko.

"Akala ko ba hindi ka seryoso d'yan sa Maxine na 'yan? Bakit parang puro s'ya na lang ang inaatupag mo? Don't tell me, nain-love ka na talaga sa kanya?" nakakunot noong tanong ni Alfred.

"Don't be ridiculous, Al. Kakaibang babae 'tong si Max. Hindi mo s'ya pwedeng kuhanin sa paspasan. Kailangang may touch ng pagiging sweet at gentleman," paliwanag ko.

"Baka naman mauna ka pang main-love sa kanya kesa main-love s'ya sayo, ha. Baka sa huli ay hindi mo na kayang bitawan 'yan," dagdag pa nito.

"Kilala mo naman ako, 'di ba? Ako 'yong tipo ng tao na nakukuha ang lahat ng gusto. Kaya konting panahon na lang, huwag kang mainip," sabi ko.

"Sinabi mo 'yan, ha. Paalala lang naman ang akin. Baka sa dinami-rami ng babaeng pinasakay at nasakatan mo ay si Max na ang makatapat mo," sabi ni Alfred na may halong pagbabanta.

"Hindi pa ipinapanganak ang makakapag-palambot ng puso ng 'Dakilang Playboy', tandaan mo 'yan," sabi ko sabay kindat.

Nandito na naman ako ngayon sa haraan ng shop ni Maxine. At this time, ako na ang magdadala ng binili kong bulaklak para kay Maxine at sinamahan ko na rin ng isang box ng chocolates.

"Ivan!" sigaw ng babaeng kalalabas lang sa shop.

"Tina? What are you doing here?" tanong ko.

"Ohh, how sweet of you para bigyan ako ng presents. I don't remember na may date pala tayo today? Anyway, thank you for these," sabi ni Tina at kinuha ang bouqet ng pink roses at chocolates na hawak ko.

"Ahm, actually, these are not for you, Tina. So, if you'll excuse me, my date is waiting," sabi ko at binawi ang roses at chocolates.

"Is that so?" maarte nitong tanong at nagmay-awang pa. "At sino naman ang pinagmamalaki mong date? Would you like to introduce me to her?" sabi ni Tina. Alam kong hindi naman titigil ang babaeng ito hanggat hindi nasusupalpal.

"She's the manager of that cafe. And she's standing right there looking at us right now. So if you'll excuse me?" sabi ko at iiwan na sana s'ya ng muli itong magsalita.

"That girl? Hmm, she looks familiar, saan ko nga ba nakita ang babae na 'yan?" tanong ni Tina na akala mo'y talagang nag-iisip.

"Don't bother yourself on thinking. She's the girl I'm going to marry," sabi ko at pumasok na sa cafe.

"WHAT?!! THAT CAN'T BE!!!" narinig kong maktol ni Tina.

"You can't do anything about that, kahit maglupasay ka pa," natatawa kong sabi sa sarili ko.

"Good morning, babe," masaya kong bati kay Maxine na nasa may counter na. Bebeso pa sana ako ng iharang n'ya ang kamay n'ya.

"What do you think you're doing? At sinong tinatawag mong 'babe' d'yan?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Maxine.

"You're much lovelier when you're acting like that," naka-ngiti kong sabi.

"Lokohin mong lolo mong panot. Kung wala kang balak umorder, makaka-alis ka na. Marami pa akong ginagawa," pagtataray n'ya. 'Yan ang gusto ko, 'yong nacha-challenge ako.

"I'm here because I want you to have these," sabi ko sabay pakita ng mga dala ko.

"Thanks, but no thanks," sabi n'ya at ibinaling sa iba ang atensyon.

"I insists. At kapag tinanggap mo ang mga ito, oorder na ako," sabi ko na may malapad na ngiti sa labi.

"Last na 'to sa mga kalokohan mo. After this, ayoko ng makakatanggap ng kahit anong mula sayo, maliwanag?" maotoridad n'yang sabi.

"I can't promise you that. 'Coz I want to give you something everyday to make you smile," pambobola ko.

"Sa palagay mo ba ay natutuwa ako sa araw-araw mong pangungulit saken? Let me tell you this, I'm not comfortable when you're around, so please, cut this non sense at lubayan mo na ako," padabog n'yang sabi.

"Please, Maxine. Don't treat me like this. It's killing me," pagpapa-awa ko.

"Is it killing you? Well, you can die right now," natatawa n'yang sabi. At naiinis ako dahil doon.

"This is too much! I came here just to let you know what I really feel for you, tapos ang makukuha ko lang pala ay panlalait? Is this really what you want? Then so be it," sabi ko at lumabas na ng cafe. Itinapon ko ang dala kong bulaklak at chocolates sa basurahan sa harapan ng cafe at tuluyan ng umalis. "You will pay for this. I swear!" sumpa ko.

Wala pang kahit na sinong babae ang nagparamdam sa akin na para akong basura na palagi na lang pinagtatabuyan. Magsisisi ka, Maxine Angeles sa ginawa mong ito sa akin. At ipinapangako kong mapapaibig din kita sa paraang ikamamatay mo kapag nawala ako.

✳️ Chapter 4 ✳️

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon