Chapter 33 - Conflicting Emotions

13.7K 427 68
                                    

CATALEYA

I want you to be my son’s mistress!

I want you to be my son’s mistress!

I want you to be my son’s mistress!

That sole sentence continued to echo around my mind, bouncing off like a ball the walls. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawang i-suggest ng halimaw na ama ni Vaughn ang bagay na iyon. I know he can be a prick but not to this extent. Well, sabagay kung nagawa niyang pagbantaan ang buhay ko at ng mga mahal ko, lalong lalo na ang buhay ng kanyang sariling apo, hindi na nga nakakapagtaka kung magawa niyang makipag-arrange ng deal sa isa pang tao para sirain ang pagsasama namin.

Hindi ko lang alam kung ano ba talaga ang kinaaayaw niya sa akin. Dahil lang ba sa mahirap ako o may iba pa siyang dahilan? He really is a work of art... one of a kind!

Patuloy kong hinaplos ang buhok ng aking anak habang pinagmamasdan siyang natutulog, para siyang isang anghel... anghel na iniregalo ng Diyos para sa akin... sa amin ni Vaughn. Sa mga sandaling ito, siya ang nagbibigay ng kapayapaan sa magulo kong utak. Wala akong dapat ipangamba sa ngayon dahil kasama ko si VAN. I can always tackle anything, bravely and full of confidence, for her. I can be a mother, bestfriend, mentor or even a freaking super hero for her... all for her.

Hindi ko alam kung anong klaseng demonyita ang sumanib sa akin kanina para patuloy na kausapin si Satanas. Naiiling na lang ako habang inaalala ang mga sandaling kasama ko siya.

“I want you to be my son’s mistress!” tahasang sabi niya.

What the f#@%! Mistress!?! How am I going to do that?!

Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat ko. Sa lahat ng sasabihin niya, iyon ang hindi ko inaasahan mula sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na waring naghihintay sa aking reaksyon at may permanente na yatang mapanghamong ngisi sa kanyang mga labing minana ni Vaughn mula sa kanya.

Pati ang kanilang pagngisi ay pareho rin! How I love to wipe that smug look in his face! Bigyan lang talaga ako ng isang pagkakataon, uupakan ko talaga ang matandang ito! Ipapakita ko sa kanya ang aking inner Xena, the Warrior Princess! Mag-asawang sampal, magkakapatid na suntok at magkakabarkadang tadyak ang aabutin niya sa akin! I really, really, really HATE him!

Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka hindi ko na mapigilan ang silakbo ng aking damdamin. Dahil kung hindi, masisira ang planong matagal ko nang pinaghahandaan. Pero konti na lang at masasapak ko na talaga ang matandang kaharap ko. Wala nang galangan kung ang matandang ito ang gustong sumira sa masayang pamilya na pilit kong binubuo.

Count one to ten Cathe! Kaya mo iyan! Hinga nang malalim! Inhale... exhale! Just count... one... two... ten!

After my pathetic attempt on breathing exercises, nagawa ko namang magpakinahon at muling nagsalita. “You want me to be a mistress? To be your son’s mistress... to be the Ruthless Monster’s mistress to be precise?” I asked incredulously.

Captured Heart (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon