Chapter 27 - Expect the Unexpected

22K 352 24
                                    

CATALEYA

When Thursday morning came around, I was excited like a kid on Christmas morning, waiting for her gifts to be opened. This is the day na mamamasyal kami ni Vaughn. Half day lang ang seminar today kaya may oras kami para i-explore ang Singapore. But waiting for this endless lectures to be over proved that I am as impatient as my daughter. The hours were painfully dragged on by the passing minutes. Nakakainip! I spent it listening to those boring lectures and watching tons of presentations. Wala naman kasi akong choice kundi ang manatili doon at makinig. I made myself busy by sketching scenes I saw with the conference hall: the boring lecturers giving their speeches, the bored people in the audience and many more.

Vaughn just let me be. He was contented with what I was doing as long as he can see me there beside him. He gave me occasional kisses on my temple and his right hand never let my left hand go even for a single minute. Hinayaan ko lang siya sa trip niya kahit pinagpapawisan na ang kamay ko. Magdusa siya, ginusto niya iyon eh. Pagod na akong matipagtalo sa kanya dahil alam kong pagdating sa huli ay siya pa rin ang mananalo. Useless lang ang mag-aksaya ng oras at lakas over petty things like that.

Naubos ko na ang mga available na papel na nasa table namin. And when it was finally over, I pulled on Vaughn’s hand leaving this dreadful place behind. We went to our hotel and changed into our casual clothes. He took me in Marina Bay for lunch. Napakaganda ng view doon kung saan makikita mo ang buong city. Mas maganda siguro doon kung gabi na dahil lahat ng ilaw around the city will be on.

Inumpisahan namin ang aming pamamasyal sa ilang magagandang tourist spots dito. Napuntahan namin ang Butterfly Park and Insect Kingdom at pati na rin ang Universal Studios. Tamang tama ito para kay VAN. After siguro naming magpunta nina VAN sa Hongkong, dadalhin ko siya dito. Nag-private tour din kami around the city through the water. Nagpapicture din kami sa harap ng merlion na pambansang simbolo ng Singapore, at nasundan pa sa iba’t ibang lugar na pinuntahan namin. Masaya ako na kasama ko si Vaughn ngayon. Parang bumalik kami sa dati naming buhay sa France... happy and carefree kahit mahirap lang ang buhay namin at salat sa luxury. Pero aaminin kong mas masaya siguro ako kung kasama namin si VAN.

Nang sumapit na ang gabi, kumain muna kami sa isang resto bago namin tinahak ang daan papunta sa Night Safari. Doon ang tagpuan namin nina Raqz at Jake. Gusto ko ulit makita ang amazing duo at makasama sila sa aming pamamasyal kahit na labag pa sa loob ni Vaughn. He’ll just have to suck it up. Nang makarating kami doon, naabutan na namin silang nagkukulitan sa may entrance. Ang cute nilang tingnan, mukhang in love talaga sila. In some way, I’m very jealous of my newly found friend. By the time I got back from my thoughts, we were already standing in front of them.

“Hey guys! How’s your day so far?” masayang tanong ni Raqz.

“We had a blast! Ngayon lang kami nagkaroon ng alone time. How about you?” balik tanong ko naman sa kanya.

Ditto! Pareho lang tayo. Ang saya-saya ng date namin. It’s been so long since we spend some quality time together,” masayang sagot ni Raqz na abot hanggang tenga ang ngiti, halatang sobrang nag-enjoy sila.

“So, magkukwentuhan na lang ba kayo diyan o papasok na tayo?” nababagot na tanong ni Vaughn. Muntik ko nang makalimutang may kasama kaming iba. Nalingunan ko siya na nakahalukipkip na naman at nakataas pa ang kilay. Kung hindi talaga siya titigil sa ugali niyang iyon, malamang maging permanente na iyon kapag nahipan siya ng masamang hangin.

Habang mukhang inis na si Vaughn, si Jake naman ay may ubod ng tamis na ngiti sa kanyang mga labi. He seemed so amused looking at Vaughn’s attitude. Mabuti naman at hindi niya pinatulan ang immaturity ni Vaughn.

“Okay! No need to get your knickers in a twist. Let’s go Mr. Grumpy Pants!” pabiro kong pagyaya sa kanya sabay hatak sa kanya papunta sa cashier. “Come on guys!” yaya ko naman sa kanila.

Captured Heart (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon