CHAPTER 21 ~ Done ~

146K 3.1K 369
                                    

CHAPTER 21

FREEZALE'S POV

Napaangat ako ng tingin ng may naglapag ng briefcase sa harapan ko. Kiming ngumiti si Sky at humila ng swivel chair para tumabi sa akin. Nandito kami sa control room. "What is that?"

"Your eleven million."

Inalis ko ang tingin sa case at hinarap ko na ulit ang monitor. "Alam mong hindi ako seryoso nang sinabi ko ang tungkol diyan."

"Alam ko. Alam ko din na imposibleng maging totoo ang tungkol sa trade mark ng BHO CAMP. Pero hidi ko naiwasang isipin...meron pa bang hindi totoo sa atin? Kasi nagkatotoo naman diba? Totoong si King ang gumugulo sa buhay mo ngayon....sa puso mo. Kaya akala ko...akala ko posible. Akala ko magiging masaya ka sa kaniya."

Tila may kumurot sa puso ko nang mabanggit niya ang pangalan ng lalaki. "It was just a coincidence."

"Napakarami namang coincidence niyon Freezale."

Bahagya kong ginalaw ang kinauupuan ko at humarap ako sa kaniya. "Sinisisi mo ba ang sarili mo?"

"Oo."

Naipilig ko ang ulo ko. Sinabi ko na sa kanila noon pa man na 'wag paniwalaan ang pamahiin na 'yon kung saan ang maid of honor at best man ng mga bagong kasal ang magkakatuluyan. Isa lang 'yong malaking kalaokohan. "Kung totoo man ang pamahiin na iyan ng BHO CAMP, hindi kasalanan no'n na mas pinipili ko na saktan ang sarili ko."

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa dahil sa mga salitang binitawan ko. Dahil totoo naman. Ako ang may kasalanan. Kasalanan ko na mas pinili ko na patuloy magpakatanga sa isang taong hindi magawang tanggapin sa sarili niya na mahal niya ako. Oo. Kasalanan ni King na intensyon niyang saktan ako.

Pero hindi niya kasalanan na nananatili parin ako malapit sa kaniya. Na hindi ko magawang lumayo para kahit paano ay maisalba ko ang natitira sa sarili ko.

"Bakit, Freeze?" basag niya sa katahimikan.

"Bakit na ano?"

"Bakit nagpapakamartir ka? Bakit ngayon pa? Dati kaya mong itago na nasasaktan ka...na nahihirapan ka. Bakit ngayon pa na kailangan mong maging matapang ka bumibitaw?"

Sumandal ako sa kinauupuan ko at tumingin sa kisame na animo nandoon ang sagot sa mga katanungan niya. "Bakit ba tumitibok ang puso, Sky? Dati naman kuntento ako na mag-isa. Bakit kailangan na magmahal ako? Sa mga tanong mo...wala din akong maisasagot. Wala akong maisasagot kundi mga tanong din."

Akmang tatayo na ako ngunit pinigilan niya ako. "Hindi dumating kailan man sa isip ko na magagawa kong sabihin sa isang tao na pigilan niya ang nararamdaman niya. Pero, Freeze...tama na. Itigil mo na to."

"Kaya ko pa."

"Nasasaktan na kami para sayo-"

"Gusto ko din maging masaya!" Napabitaw siya sa akin sa biglang pag taas ng boses ko. "G-Gusto ko din kung ano ang meron kayo. Kung ano ang meron ang mga magulang namin. Sky, dinadala ko ang anak ni King. Gusto ko din na makita niya kung ano ang kinalakihan ko. Kung paano ko nakita sa mga mata ng mga magulang ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. K-Kaya...kaya kakayanin ko pa. Kinakaya ko pa."

"Gusto kitang maging masaya. Gusto ko mahanap mo ang taong magpapasaya sa'yo. Gusto ko na ibuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa tamang tao. Sa tamang tao, Freeze. Hindi sa taong hindi ka magawang mahalin." may lungkot sa boses na sabi niya.

Mapait na ngumiti ako at pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko. "Mahal niya ko."

Hindi na nagawang makapagsalita ni Sky ng biglang may pumainlang na malakas na tunog sa loob ng control room. Nagmamadaling lumapit ako sa isang device na nakakabit sa isang monitor dito.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon