Chapter 1 : Max, Will you Marry Me? ✔️

20.1K 249 9
                                    

Chapter 1

Maxine Angeles's POV

"WHAT!! Are you out of your mind? Bakit mo naman pakakasalanan ang dakilang playboy na si Ivan Monteverde, ha, aber?" gulat na tanong ni Megan. "Saan ka ba nanggaling kahapon at mukha yatang naalog 'yang utak mo!"

"Hindi ka naman nakikinig ehh, inuuna mo 'yang pagiging mataray mo," reklamo ko. "Ang sabi ko, tinanong n'ya ako kung pwede ko daw ba s'yang pakasalan, pero-," hindi na ako pinatapos ni Meg magsalita at nagsimula na naman s'ya sa drama n'ya.

"'Yon nga ang narinig ko. Malinaw na malinaw. Malinaw pa sa sikat ng araw. Pakakasalan mo si Ivan!" sabi n'ya at pinandilatan ako ng mata. "Pero bakit? Bakit ikaw? Bakit hindi na lang ako?" tanong ni Megan. 'Yung kanina ay kulang na lang ay kainin ako, ngayon naman ay para mong naluging negosyante.

"Ayun, lumabas din. Nagseselos ang paborito kong pinsan," pang-aasar ko.

"Naman kasi! Bakit ba sa dinami-rami ng babae na umaaligid sa kanya ay ikaw pa ang napili n'ya? Ano bang meron ka na wala kami?" maktol ni Megan.

"Una sa lahat, hindi ako kasama sa mga babaeng umaaligid sa kanya. At pangalawa, hindi ko s'ya type," sabi ko. "Kaya malay ko kung paano ako nakilala ng mokong na 'yon at kung bakit dinadamay pa n'ya ako sa kalokohan n'ya," dagdag ko at naupo.

"Hay buhay," buntong hininga ni Megan. "Talagang ang grasya nga naman ay dumarating kapag hindi mo inaasahan."

"Anong grasya ang sinasabi mo d'yan, baka disgrasya kamo," sabi ko at iniwan na s'ya.

"MAAAXXXIIIINNNNEEEE!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pagkalakas lakas na tawag na 'yon mula sa labas ng bahay na tinutuluyan ko. Pagtingin ko sa cellphone ko, pasado alas-sais pa lang at sabado pa naman.

"Argh! Ano na naman kayang problema ng babaeng 'yon?" tanong ko sa sarili at lumabas ng kwarto nang hindi na nag-ayos ng sarili.

"Max! Buksan mo ang pinto! Bilisan mo!" sigaw na naman ni Megan sa labas.

"Oo na, andyan na. Manahimik ka nga," sabi ko at binuksan na ang pinto. At para mong hinahabol ng kung ano si Megan dahil nagmamadaling pumasok at isinara pa ang pinto bago dumiretsyo sa sala. "Ano bang problema mo at kaaga-aga ay binubulabog mo ako? May pinagkakautangan ka na naman ba? Naku ha, itigil-tigil mo na 'yang pangungutang at baka ako pa ang makapagpakulong sayo," banta ko.

"Una sa lahat, bayad na ang mga utang ko. At pangalawa, baka ikaw ang gugustuhing magpakulong kapag natapos mong panoorin ang video viral ngayon sa internet," sabi ni Megan habang hinahabol ang hininga.

"Hay naku, wala akong pakialam sa kung ano mang viral ngayon sa internet. Maupo ka muna d'yan at ikukuha kita ng tubig," sabi ko at nagpunta sa kusina. "Oh, uminom ka muna at para kang hinabol ng aswang d'yan sa itsura mo," sabi ko pagka-abot ng basong may lamang tubig.

"Mamaya na ang tubig, panoorin mo muna ito," sabi niya sabay hatak sa'kin paupo sa couch. "Magrelax ka muna at huminga ng malalim," sabi n'ya at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.

"Alam mo Meg, ang OA mo talaga. Hala sige, i-play mo na 'yan at ng matapos na," sabi ko at ibinigay ang buong atensyon ko sa screen ng kanyang cellphone.

"Okay. Paalala lang, pwedeng huminga, ha," sabi pa ni Meg bago i-play ang video.

"Alam ko 'yon," mataray kong sabi.

*Video Playing*

Ang eksena, sa isang coffee shop may lumapit na lalaki sa dalaga at bigla na lang itong lumuhod sa harapan nito.

Just Marry MEWhere stories live. Discover now