Lipstick And Mascara

148K 2.6K 111
                                    

THREE

"Are you sure about this?" Diamond asked me for the third time. Huminga lang ako ng malalim bago ngumiti ng pilit.

"I'll be fine okay?" imbes ay sagot ko. She rolled my eyes at me bago kinuha ang isang magazine at nirolyo ito. Tinuro niya ako gamit iyon.

"Men are from Mars. Pero ang mga lalaking galing sa pamilya nila galing sa ibang galaxy! Naiintindihan mo ba ang pinapasok mo? Mas malala pa sila sa mga babae! You will never understand them!" sigaw ng kaibigan ko sa akin. Natatawa na lang ako sa reaksyon niya.

"Si Chance pa rin ba yung topic natin? O ibang Samaniego na?" biro ko dito. Inirapan lang ako ni Diamond bago binagsak pababa ang mascara na hawak niya.

"Daphne, seryosong usapan. Baka masaktan ka sa ginagawa mo." Concerned niyang sabi. I shrugged at walang pakialam na tumingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Nagsalita pa ako. You really don't care do you? Kahit masaktan ka, go lang ng go? Ganun ba Daphne?!" inis niyang sabi sa akin. Kinagat ko ang labi ko at yumuko na lang.

"Kasalanan ko naman--"

"It is not your fault! Bwisit naman eh! Bakit ba sinisisi mo yang sarili mo? Isa pa, bakit mo pinipilit ang sarili mo? Halata namang hindi ka na niya mahal. Ikaw lang naman ang desperada na ibalik siya sa dati." Tuloy tuloy niyang sabi. Napatingin na lang ako sa kanya.

"Ang prangka mo masyado Di. Nakakasakit ka na ha." Sabi ko na lang dito. Natahimik siya. mukha yatang nakonsyensya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ayoko lang masaktan ka ulit Daphne. You're more than a sister to me. So please, wag na lang lagi si Chance ang isipin mo. Please, think about yourself too." Nagmamakaawa nitong sabi sa akin. she pulled me and hugged me tightly.

"You were hurt too. Pero walang nandoon para itanong kung okay ka lang. Kung ayos ka lang. How can you fix Chance kung ikaw mismo sira Daphne?" tanong niya sa akin. suminghot ako para sana pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"You'll ruin my mascara Di." Itulak ko lang siya ng marahan. She rolled her eyes at me.

"Ganyan ka pala kapag naiinlove ka sa bakla." I joked. Ngumuso lang ito bago ako hinampas ng hairbrush. Amazon talaga.

----------------------------------------------

"What took you so long?" salubong sa akin ni Chance. Hindi ko pa man nasasara ang pintuan ng condo ko ay nagsasabi sabi na siya.

"Girl stuffs." Diamond said bago nginitian si Chance.

"Babae ka pala." Tukso ni Chance. Ngumuso lang si Diamond.

"Sa ganda kong ito, iniisip mong hindi ako babae?"

"Nope. Ikaw kasi yung nanligaw kay Colt--"

"Shut your mouth Samaniego! Past is past!" tinaas pa ni Diamond ang kamay niya bago kinuha ang bag niya. Nagpaalam na ito pero bumalik ulit at humarap kay Chance.

"Hey."

"May nakalimutan ka?" tanong ni Chance dito. Diamond looked at him and then smiled so sweetly.

"Ruin her lipstick Chance. Not her mascara. Not her mascara again." She said in a warning tone. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

"What?" Chance said. Tiningnan ko rin si Diamond. My bestfriend and her riddles. Ganito talaga siya magsalita. Palibhasa writer kaya ang daming alam.

"Just saying. Ciao!" at tumakbo na ito papunta sa elevator. Napailing na lang ako. I felt Chance's hand slid on my waist.

Naglakad kami papuntang elevator when my neighbor, James, smiled at me.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon