Magic 26: [Fraternal Twins]

875 21 0
                                    

Magic 26: [Fraternal Twins]


Third Person's POV


Nawalan ng malay si Jhenka dahil sa matinding depresyon ang kaniyang natamo. Nanghihina ang kanyang mga katawan kung kaya't hindi na nito kinaya.


"JHENKA!! JHENKA!!" sambit ng dalaga sa kaniya at animo'y sobrang nag-aalala.



"Anong gagawin ko!?" bulong ng dalaga sa sarili. Nagsimula na siyang mataranta, hindi malaman kung ano ang gagawin niya.



Nagsisimula ng mamuo ang mga tubig sa mata ni Abreena ng marinig niya ang isang pamilyar na boses .. "ABREE!!!" para siyang nabunutan ng tinik dahil sa kaniyang narinig.



"Fritz! Tulungan mo ko! si Jhenka!" sigaw nito. agad na lumapit sa kaniya ang binata at binuhat si Jhenka sa abot ng makakaya nito.



"Ano bang nangyari?" tanong sa kaniya ni Fritz.



"Hindi ko alam .. basta umiiyak na ang siya at ... at nawalan ng malay ..." naiiyak na sabi nito.



Hindi na sumagot ang binata at binuhat na lamang ang dalaga papunta sa dormitoryo nito upang makapapahinga ngunit pinigilan siya ni Abreena ng nasa malapit na sila "Wag ..."



"Why?" naguguluhang tanong ng binata.



"Baka madagdagan ang parusa mo." yumuko ito.




"Iisipin mo pa ba yon? Tignan mo tong kaibigan mo." tinignan naman ng dalaga ang kaibigan niya. lalong nag-alala ang mukha niya dahil sa parang bilang pagputla ng mga labi ni Jhenka ..



"S-sa clinic mo na lang siya dalhin .." hindi na sumagot ang binata dahil alam niya na kapag sumagot siya ay maaari na magtagal pa sila at magtalo doon.



Nagtungo sila sa klinika ng paaralang iyon, pagkapasok na pagkapasok pa lamang ay inihiga na niya si Jhenka sa may kama doon. "Anong nangyari?" tanong ng nurse sa kanila.



lumingon siya kay Abreena na parang hanggang ngayon ay wala pa din sa katinuan "Bigla na lamang siya hinimatay." si Fritz na ang sumagot dahil pakiramdam niya kung hindi niya iyon gagawin baka magtitigan na lamang sila doon.




"Sige ako ng bahala." sinarado ng Nurse ang parang kurtina doon at umupo sila Fritz sa upuan at doon na naghintay.

-

Pagkatapos ng halos trenta minutos ay lumabas na ang Nurse "Okay na siya. Medyo napagod lang siya sa mga nangyayari ngayon. Kailangan lang niyang magpahinga."



"Thanks." sagot ni Fritz at umalis na ang Nurse. Tumingin siya kay Abreena na hanggang ngayon ay parang wala pa din sa katinuan.



Umalis muna siya upang bumili ng makakain nilang dalawa.



Meanwhile ...



Tumakbo si Hans at hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga paa niya, basta ang alam niya lang nagagalit siya. Pakiramdam niya pinagtaksilan siya ng kauna-unahang niyang bestfriend.



"Hindi ako titigil! Mahal kita hindi mo ba maintindihan iyon!?"



"Hindi ako titigil! Mahal kita hindi mo ba maintindihan iyon!?"



"Hindi ako titigil! Mahal kita hindi mo ba maintindihan iyon!?"



Patuloy na nagbabalik tanaw sa kanyang isipan ang mga narinig niya. Nasasaktan na siya.



Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon