Magic 10: [Silver Card?]

1.4K 39 0
                                    

Magic 10: [Silver Card?]



"Si Kiel pala?" tanong ni Lander.



"Nagpapahinga pa din, mukhang napagod sa pagpapagaling kay Abreena."



yumuko si Abreena "Sorry... Lagi ko na lang k'yong naaabala."



"Hindi okay lang iyon." -Lander.



"Aalis na ako. A-araaaay..." tatayo na sana ito pero bigla na lamang kumirot ng kauti ang ulo nito.



"Okay ka lang ba? Kaya mong tumayo?" nag-aalalang tanong ni Lander.



"Teka... Hindi niyo ba napansin? parang lumindol ng kaunti?" takang tanong ni Reniel.



"Oo medyo napansin ko kasi nagising ako." pumasok naman sa loob si Kiel na halatang bagong gising lamang.



"Kamusta?"



"Ayos lang. Maraming salamat at sorry sa abala." nakayukong sagot ni Abreena.



"Ano ka ba, okay lang iyon. Sa susunod mag-iingat ka na." ginulo nito ang buhok n'ya. Kinain na nila yung pagkain na nakalagay sa plastik, pagkatapos nilang kumain ay Nag smile na lang siya doon at nagpaalam na aalis na. Nung una ay ayaw pa siya payagan umalis dahil sa hindi pa ganun nanunumbalik ang kanyang lakas pero nagpumilit pa din siya. Kailangan niyang kumilos agad dahil tumatakbo ang oras at panahon niya wala siyang dapat sayangin kahit segundo man.



Nagtungo siya agad sa Training room para makapagsimula ulit ng bagong pagsasanay, pero nasa labas pa lamang siya ng marining niya ang malalakas na pagyanig ng kwarto iyon. Binuksan niya ang ito at tumambad sa kaniyang harapan ang lalaking nagliliyab sa apoy. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa kaniyang nakikita na halos kaya na nitong gibain ang training room. Nanatili lamang s'yang nakatayo sa kinaroroonan niya.



Naramdaman ang binata na parang may nanonood sa kaniya kung kaya't lumingon ito sa may pintuan. Nanigas ang katawan ng dalaga ng mapansin niyang nakatingin ito sa kanya. Ang mga mata nitong nagliliyab sa sobrang galit ay bigla na lamang nawala na parang bula. Ang mukha nito na anomang oras ay maaari kang patayin ay naging isang maamong leon. Ang mga apoy na bumabalot sa katawan nito ay unti-unti na lang nawala. Ang mga kamay nito na nanginginig sa galit ay unti-unti ring kumalma. Ilang minuto din silang ganon lang. Nakatayo at tinitignan ang isa't isa.



Hindi napansin ni Abreena na nasa harapan na pala niya ang binata. Nagulat ang dalaga sa mga sunod na nangyari. Niyakap siya nito ng napakahigpit na para bang hindi na siya makakahinga.



"F-Fritz ..." nanginginig na sabi ng dalaga.



"Are you okay?" nagtataka ang dalaga sa ikinikilos nito. Nakayakap pa din ito sa kanya.



"T-Teka... H-Hindi a-ako m-makahinga..." kumawala naman ang binata sa kanya at tinignan siya nito sa mata.



"Okay ka na ba?" ulit na tanong nito sa kanya.



"Teka nga. Nag-aalala ka ba?"



"Tss. Nope. Ayaw ko lang na mabawasan tayo. Kumpleto na tayong apat eh." tumalikod ang binata sa kanya.



"Ah. Okay?" parang hindi kumbinsido si Abreena.



"Yung tanong ko."



"Alin doon?" takang tanong ng dalaga.



"Psh! Kung okay ka na ba!"



Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon