Magic 15: [Hanggang dito na lang ba ako?]

1.2K 34 1
                                    

A/N: Ayan na ang UD! Trying hard mag-edit ng Cover hindi kasi ako marunong! :( TULUNGAN NIYO NGA KO!! HUHUHU.

Anyway, enjoy.. :)

***

Magic 15: [Hanggang dito na lang ba ako?]

Third Person's POV

Ngayon ay ang pinaka huli ay si Abreena. Kinakabahan na siya hindi man lang niya namalayan na siya na pala ang susunod. Bumaba na siya upang pumunta doon sa Battle Ring. Kaya iyon tinawag na Battle Ring dahil minsan doon nagaganap ang labanan ng bawat isa. Oo nagkakaroon ng labanan bawat isa kada taon upang malaman kung hanggang saan ang kakayahan mo. At para na rin tumaas ang level mo.

Dito mo ipapakita ang mga natutunan mo mula sa iyong pagsasanay. Para tumaas ang level mo. Kailangan mo lang gawin ay sirain ang mismong battle ring. Depende sa pagkakasira mo kung gaano ka kalakas.

Nakasalubong niya si Fritz siya ay papasok ang binata naman ay palabas na.

"Ang galing mo!" masiglang sabi ng dalaga.

"Tsssk." hindi siya nito pinansin.

"Wala man lang bang goodluck?"

"Why?"

"Kasi mamaya magkaibigan na tayo." sabay ngiti nito.

"As if makakaya mo!"

"Kakayanin ko!" ang laki ng tiwala n'ya sa sarili niya na magagawa niya ito dahil halos ibuhos na niya ang kaniyang buhay para lamang sa pagsasanay na iyon.

Nasa loob na si Abreena at talagang napanganga siya dahil halos wala na siyang pwedeng tapakan doon dahil puro basag-basag na bato na lamang ang nasa loob.

'Grabi hindi man lang sila nagtira sa akin.' sabi niya sa isipan niya.

Napailing na lamang ito at nagsimula na.

Ginawa niya doon ang halos isang linggo niyang pinag-aralan ang Tornado Blade. Ngayon ay dapat na niya itong paangatin. Nagsimula na siyang umangat kasama ang kanyang kapangyarihan.

'Ito na. Please sana makisama ka.' bulong niya sa kanyang sarili.

Unti unti na itong umangat natutuwa siya sa nangyari dahil hindi niya ito nabitawan ngayon ay magsisimula na siyang paandarin ito. Sa una ay dahan dahan lamang hanggang sa ...

"ARRRRRGGGHHHHH!!" hindi na naman niya ito na kontrol at tinamaan siya sa may kanang binti. Nagwawala na sa loob ng Battle Ring ang kaniyang Tornado Blade. Nagpaikot ikot ito sa loob. Naglagay siya ng shield sa kaniyang sarili upang hindi siya tamaan nito. Unti unti ng lumalala ang lamat ng bawat salamin na nakapalibot sa paligid niya hanggang sa ..

"YUMUKO KAYOOOO!!!" sigaw niya dahil bigla na lamang bumigay ang shield doon sa Battle Ring at tuluyan ng nakawala ang kaniyang Tornado Blade. Yumuko lahat ng nandoon dahil alam nila na konting galaw lang nila ay maaari silang tamaan. Ramdam na ramdam ang mga takot nila doon dahil na rin sa alam nilang hindi na kayang kontrolin ni Abreena ang kanyang kapangyarihan.

Wala ng maisip na paraan ang dalaga kundi ang ...

"ABREENA!! ANONG BINABALAK MO!?" sigaw ng kaibigan niyang si Lander.

"Wala ng ibang paraan pa." matamlay na sabi nito.

"MAG-IINGAT KA. KAIBIGAN." Napalingon siya sa nagsalita nakita niya sila Jhenka at Hans na nasa isang gilid at ramdam niya na mga natatakot ito.

'Kaibigan? Napaka sarap pakinggan. Ngayon lamang ako nagkaroon ng kaibigan. Wag kayong mag-alala. Akong bahala.' bulong niya sa sarili bago pumikit at sinundan ang kaniyang Tornado Blade.

Nang malapit na siya dito ay gumawa siya ang ng pinakamalakas niyang Shield upang hindi na makawala iyon.

Patuloy pa din ang maikot ikot nito sa loob ng kaniyang shield.

"URRRGGHHHHH!!" hindi niya maiwasang hindi mapasigaw at bumagsak siya.

"ABREENA!!" naririnig niyang sigaw ng mga nakakakita sa kanya doon. Lumingon siya at kitang kita sa mga mata nila na nag-aalala sila. Napansin niya ang lalaki sa isang gilid na tahimik lamang na nanonood, Hindi man lamang niya nararamdaman ang takot sa itsura nito. si Fritz ... pinapanood lamang siya. Ngumiti siya para ipakita na kaya niya pa nag-iwas ng tingin ang binata. Lumipad siya hanggang sa pinaka taas na ng silid na iyon. Pinagpatuloy na ni Abreena ang kanyang ginagawa kaso hindi niya maalala kung paano niya nga ba ito napahinto noon. Sa kalagitnaan ng pag-iisipin ay bigla na lamang siyang tinamaan ulit ng Tornado Blade.

"AHHHHHHHH!!" sigaw na naman niya at tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig pero hindi niya pa din hinahayaan na masira nito ang ginawa niyang Shield. Lahat ng lakas niya ay doon niya binubuhos upang walang masaktan. Para sa kanya okay na siya ang magdusa wag lamang ang mga Kaibigan niya.

Pinipilit niyang tumayo upang pigilan ang Tornado Blade kaso sa sobrang hina na niya ay natanggal ang shield niya.

"Ahhhhhhhhhhhhh." hiyawan ng mga tao doon dahil sa natatakot silang mamatay.

'Hindi to pwede. Kailangan kong tumayo.' pilit pa din siyang tumatayo at buti na lamang at nakatayo siya. Nakikita siya ang mga tao sa loob na nagtatakbuhan palabas.

Nakita niya na tatama ang Tornado Blade sa kaibigan niyang si Hans. Nakatulala lang ito na parang naghihintay ng himala. Agad niyang nilapitan iyon at niyakap ang kaibigan.

"W-wag k-kayong m-matakot. N-nandito a-ako." kahit na hirap na hirap na siya ay pinoprotektahan niya pa din ito. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinihintay na lamang na may tumama sa likuran niya pero ..

"P-prince F-fritz.." pabulong na salita ni Hans. Agad napalingon si Abreena at nakita niya na pinoprotektahan sila ni Fritz.

"DI BA SINABI KO NA SAYO! HINDI MO PA KAYA PERO PINIPILIT MO! TIGNAN MO ANG GINAGAWA MO!" May galit na sabi sa kanya ng binata. Halos mapaiyak na siya sa mga nakikita niya dahil maraming ang natamaan buti na lamang at hindi masyadong malala.

"I'm sorry. Ako ng bahalang tumapos nito." naglakad na ito.

Hinawakan siya sa braso ng binata "Anong binabalak mong gawin?"

"Kung ano ang nararapat." at inalis nito ang pagkakahawak sa braso niya. Nilapit niya ang Tornado Blade niya upang pigilan ito. Habang papalapit ng papalapit ito ay Tinutok niya ang kamay niya doon.

Ito na ba? Hanggang dito na lang ba ako?' sa kanyang isip. Pumikit na siya. Nagbabalik sa kanya ang mga masasamang nangyari sa kanya sa huling school na pinasukan niya. Wala man lamang siyang naging kaibigan doon. Lahat halos binubully siya pero kahit isang beses hindi siya nagtangkang lumaban. Ayaw niya ng gulo. Ayaw niya ng may mga nasasaktan kaya kahit na ang buhay niya ang kapalit ay ibibigay niya.

"ARGGHHHHHHH!!!" Tumama na sa kanyang nga kamay ang Tornado Blade ramdam na ramdam niya ang bawat patusok nito.

"URGGGHHHH!!" Maya maya pa ay unti unti ng nawawala ang Tornado Blade. Napadilat siya at napangiti.

***

To be continued...

Gusto niyo ba mabilis ako mag UD? Bigyan niyo naman po ako ng kahit limang votes lang! :) UD agad ako!!

SANA PO BASAHIN NIYO DIN PO ANG ISA KONG STORY NASA PROFILE KO :)

"Don't Dare To Fall Inlove With Me"

Magical Temple Academy [Fantasy (OnGoing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon